webnovel

Stupid Games

He tore his eyes from Ken and stared at her. "What are you waiting for? Go inside." Matigas nitong utos bago siya talikuran at maunang pumasok.

Tinadyakan niya 'yung damo sa gilid nang buong gigil. Of all, why him? Mabigat ang kanyang kalooban noong sumunod sa loob. Napuna niya ang lahat ng newbie ay nakasakay na sa kabayo at walang bantay. Kumaway sa kanya si Paige noong ipakita nitong kaya nang hawakan mag-isa ang tali ng kabayo at ma-control ito.

"You're doing it good. Keep it up!" Turan niya bago pumasok sa kamalig.

Naabutan niya si Zedrick na hila-hila ang dalawang kabayo.

Lumapit siya rito at tiningnan ang mga ito. "Which one is for me?"

Zedrick looked at the white one. "Si Kidlat," sagot nito.

The horse made a loud noise upon the mention of his name. When she took steps to reach him, he moved backward and made a loud noise once more.

"Don't worry. I won't hurt you." She whispered as if she's talking with a baby.

This is how she comforted her horse before. She is treating them like a baby, to make them comfortable with her touch and smell. Letting him know that she will trust him her life.

Kidlat stopped screaming and let her touch his hair. "You're a nice, buddy." She proudly glanced with Zedrick before she chuckled. "I think he likes me."

"Well, I can't say anything because that's your expertise." Ibinigay nito ang tali sa kanya. May nakatagong ngiti sa mga labi pero malamig ang pakikitungo.

She disregards the other meaning of those phrases. Instead, she got excited about how she will start the activity with Kidlat. Hinihila niya ito palabas ng Kamalig. Pinapakiramdaman niya ang sumusunod na si Zedrick. Marami silang baguhan sa club na iyon pero kataka-takang siya ang napili nitong gambalain.

"Don't think of something else, Thaysky. Ako ang partner mo kaya hindi ako aalis sa tabi mo."

Padaskol niyang nilingon ito. "What?"

"Kahapon ay umalis ka. Kaya ngayon ka may partner." Paliwanag nito, isinasampal sa kanya ang ginawa niyang pagliban kahapon.

Kaunti nalang ay sasabog na siya. Hangga't maaari ay isinasantabi niya ang hiya sa harap nito, dahil alam niyang wala ng ikagaganda ang reputasyon niya sa lalaki. Pero sinasagad talaga nito ang pasensiya niya.

Nilingon niya ang baklang president ng Club. Malagkit ang mga tingin nito patungo kay Zedrick. Ngayon ay nauunawaan niya na. Ito marahil ang nagsumbong sa aroganteng ito. Humanda ka sa akin. Huminga siya nang malalim. Bago sumakay ay sumulyap siya kay Zedrick na kinakausap ang nagdaang babae.

Tumingin ito sa kanya bago ngumiti.

Those smiles are obviously not because she found her cute, it was surely because of the man she is talking too. Namumula ang pisngi nito at may pag-ipit ng buhok sa likod ng tainga.

Sumakay siya kay Kidlat at pinakilos palapit kung saan naroon ang president ng HBR Club. Napansin niya ang pag-iwas nito nang tingin. Siguro ay napagtanto ang ginawa sa kanya kahapon.

"I almost got lost, yesterday. That's all your fault," singhal niya nang makalapit.

Nangunyapit ang lalaki. Mababanaag ang takot noong tumagos ang tingin sa likuran niya.

For no reason, she shivered when she felt someone's watching her from the back. Voluntarily her body shakes from fear.

Zedrick moved forward and covered her vision from her enemy. He didn't say anything but the way he bored his eyes at her forget about her reason of bursting from anger.

Kinabig niya ang kabayo at umalis. Hindi pa man nakakalayo ay muli siyang lumingon sa presidente.

"Eyes in front, Thaysky!" Zedrick's voice is like angry thunders.

Ngumuso siya at pinaabante ang kabayo. She's frustrated. Bakit pagdating sa kanya ay laging may mali o galit ito? Dahil ba alam nito ang kalokohan niya? Hindi nauunawaan ni Zedrick ang totooong nararamdaman niya. Excited siya kahapon mangabayo. Ilang taon siyang tumigil, tapos kahit makahawak sa kabayo ay hindi manlang pinalasap sa kanya.

Kinabig niya ang kabayo at pinatakbo nang mabilis. Bahagya niyang inangat ang katawan at ibinaba ang upper body. Papahirapan niya si Zedrick sa pagsunod sa kanya. Magpapahabol siya.

She kicked the left leg of the horse to add more speed. She gripped tightly on the leash and throw a dagger look at the back. Zedrick is following her. She even saw some of the beginner stopped from what they are doing and watched her carefully with owe on their faces.

Hindi lang iyan ang kaya niya. Tinitigan niya ang bakod sa unahan na may hindi kataasan. Para mapuntahan niya ang gubat ay kailangan niyang talunin iyon.

"Zedrick pigilan mo!" rinig niyang sigaw ng kung sino sa likuran.

Lumandas ang pilyang ngisi sa kanyang labi. Akala yata ng mga tao rito ay wala siyang karanasan. May award yata siya, hindi nga lang champion pero magpapatunay na bihasa siya sa larangan nang pangangabayo.

"Huminto ka."

Hindi niya nilingon si Zedrick. Kahit bakas ang galit sa boses nito'y naging sarado sa isip niya ang tumalon sa bakod. Gusto niyang puntahan ang gubat. May kung ano ang humihila sa kanyang puntahan iyon. Isang kabig pa'y nakarinig na siya nang humahagibis na takbo ng kabayo. Paglingon niya roon ay galit na mukha ni Zedrick ang nakita niya.

Nahila niya ang tali dahilan para huminto at umangat ang unahang parte ni Kidlat. Hindi siya bumitiw. Humigpit lang ang kapit niya upang hindi malaglag. Nang lingunin niya si Zedrick ay kapwa nakahinto at parehas na hinihingal.

Kulang nalang ay magbaga siya sa nag-aapoy na mga tingin nito noong lumapit at inagaw ang tali mula sa kamay niya.

That was very scary. Ang mga unang pagalit nito ay alam niyang tinatakot lamang siya. Pero ngayon ay kakaiba. Nakakadurog ng buto at nakakapangliit.

"Halatang hindi ka nakinig sa training kahapon. Hindi porket sanay ka na ay puwede mo nang gawin ang gusto mo. Tumingin ka sa likuran ko."

Ginawa niya ang inutos nito. Nahigit niya ang hininga nang makitang lahat ay sa kanila nakatuon ang atensyon.

"Walking around is boring. Gusto kong puntahan 'yon!" Dahilan niya bago tinuro ng hinututuro ang gubat pero ang kanyang paningin ay hindi inaalis kay Zedrick.

Tumingin ito sa gubat. Naging mas madilim at nakakatakot ang mga titig noong sa kanya bumaling. "Akala mo ba kaya ka narito ay para mamasyal? Hindi mo ba naisip na kapag napunta ka sa loob ng gubat ay makakauwi ka nang ligtas? Hindi mo alam ang puwedeng mangyari sa'yo kapag pumasok ka riyan. You will just kill my horse for your stupid games."

Umihip ang panghapong hangin sa pagitan nila. Tinangay noon ang kanyang maikling buhok, kasabay nang pagragasa ng luha sa kanyang pisngi.

"Okay lang kayo riyan?"

Tinakpan siya ni Zedrick mula sa babaeng committee na lumapit. Sinusubukan siyang silipin nito, pero masyadong malaki ang built ni Zedrick para matakpan siya. "She's fine. Namiss niya ang pangangabayo," sagot nito.

"Magaling siya, Zedrick. Asset!" Puna nang babae bago kinabig ang kabayo palayo sa kanila.

Zedrick horse more forward. Sumusunod dito si Kidlat na maingay din.

Walang patid ang pagluha niya. Natakot siya sa sinabi nito na siya ang papatay kay Kidlat. Paulit-ulit iyon na parang sirang plaka sa tainga niya. Gumuhit tuloy sa alaala niya ang masalimuot na nakaraan. Ang kabayo ng kaibigan niyang si Tracy ay naipit ang unahang paa sa isang obstacle mula sa pagtalon. Mali ang naging bagsak nito kaya nauna ang ulo kagaya ng sa kaibigan. Mainit ang laban nila ng mangyari iyon. Magkadikit silang tatlo ng isa pang kakumpitensya kaya nakita niya ang pangyayari. Huminto siya saglit pero muling nagpatuloy sa pag-aakalang minor accident. Pero nagkamali siya, malaki ang naidulot ng saglit na paghinto. Sa huli ay naging second placer siya at ibinalita sa kanyang dead on the spot ang kabayo at si Tracy ay dead on arrival.

Marahas na bumuntong hininga si Zedrick. "I shouldn't say those. Natakot lang ako na baka mapahamak ka. Kung may mangyayaring masama sa'yo, isipin mong mananagot ang eskuwelahan, ako at ang buong committee. Lahat sila ay inosente sa nangyari. Dahil sa maling desisyon, marami ang mananagot. Maraming inosente ang posibleng mawalan ng kinabukasan."

Tumahan siya pero nananatiling hiya sa sarili. An apology wouldn't fill the major cause of her action. She should say something to correct her mistake. "Anong kailangan kong gawin para mapatawad nila ako?"

Lalo siyang nanliit noong huminto ito at humarap sa kanya. "Win the battle. Be the representative of this school and fight for the Grand Prix," walang kaabog-abog na turan nito.

Tumingin siya sa mga committee. Tiyak siyang bihasa ng ang mga ito dahil hindi naman sila mapapasa roon kung wala siyang experience. "How 'bout the committee? Baka mas magaling pa sila sa akin."

Hinila ni Zedrick ang tali ni Kidlat. Umabante ito kaya napalapit siya sa lalaki. Palipat-lipat sa dalawang mata nito ang atensyon niya. Hindi niya matakasan. Para siyang nahuli sa patibong at walang kawala.

"I will personally train you. Pagbibigyan kitang makapasok sa gubat. Mahilig ka sa panganib kaya gagawin natin ang gusto mo." He sounded determined, yet the ghost of smile on his lips sends shivered on her spine.

She is undecided but this choice is not an option. She needs to oblige. "O-okay," kumpirma niya.

Hinila na siya pabalik sa Kamalig nito. Nang makababa'y sinalubong siya ng magiliw na si Paige. "Ang bilis mo kanina. Para kang limilipad."

Hinila niya naman ito sa gilid nang lumagpas si Zedrick. Lumapit ito sa mga committee para marahil ay magpaliwanag sa nangyari kanina.

"Sino ba si Zedrick dito sa school?" usisa niya.

"Si kuya? Wala. Ay, teka. Bukod sa siya ang pride ng school sa pagiging champion sa Polo sa Europe noong school days niya. Pag-aari niya ang mga kabayo rito."

"Really? The school can't fund this horses?"

Nginiwian siya ni Paige, "Hindi ganoon. Syempre parang tulong na ni kuya dahil dito rin naman siya nag-aral noon. Tsaka malapit niyang kaibigan ang anak ng may-ari."

Tumango siya. Pinag-iisipan kung bakit siya ang napili nitong sumali sa Grand Prix. Matagal niya nang isinumpa ang pangangabayo dahil sa pagiging second placer noon. Buong yabang pa naman niyang kinumbida ang ama at ina, maipagmalaki lang na may kaisa-isang bagay na kaya niyang maging magaling.

Her dad was a bit hesitant. Hindi na kasi nagkibuan pa ang ama at ang Auntie Axis niya. Iyon na rin ang naging huli niyang paraan para sana pagbatiin, sumailalim siya sa pag-aalinlangan.

Maybe this Grand Prix is my chance. To at least show to my father were I'm capable of.

"May isusuot na ako bukas." Bungad sa kanya ni Eury noong pumasok siya sa kuwarto nito.

Mula sa pagpindot ng reply kay Ken ay nakangiti siya nang bumaling dito. "Really? Can I see?"

Iniladlad ni Eury ang crop top na may ruffles at ang napili nitong short shorts. "Ano sa tingin mo Sky?"

"That's hot. Kaya mong magsuot niyan?" Napatayo siya upang kuhanin iyon at itapat ang pang-itaas sa kapatid.

Eury is prim and conservative. This kind of swim wear is actually up to date and way modern. Madalas magsuot ng bestida ang ate niya pero lahat ng iyon ay hindi nagpapakita ng balat. Nag-aalala siya na baka mabastos ito, pero beach naman ang pupuntahan nila. Uso ang ganitong uri ng damit. Kung tutuusin pa nga ay revealing pa ang susuoting niyang one piece.

"Siguraduhin mong mapapanindigan mo 'yan bukas." Babala niya rito bago itinuon ang pansin sa ina-upload na video. She make sure that all of her common friends from Kevin and Violet were tagged on it. Sinamahan pa niya iyon ng pasabog My new baby boy caption. Tiyak na mapapa-comment ang makakakita noon.

She playfully smirked and sleep that night with a teasing grin on her lips.

Akala mo Violet, dahil nakuha mo si Kevin sa akin ay panalo ka na. Maglalaway ka sa mga susunod kong hashtag pasabog.

Next chapter