webnovel

Revenge

"Ay Hesus, Maryang patatawarin!" Sapo ang dibdib at namimilog ang mata ng Auntie niyang si Criselda nang buksan nito ang pinto. "Ano ba ginagawa mo riyang bata ka? At bakit ka umiiyak?"

"Auntie, please give me back my passport. I need to go back to Australia," she said in between her sob.

Lumapit sa kanya ito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Awang-awa na nagkakaganoon siya. "Wala sa akin ang passport mo. Nasa daddy niyo. Alam mo namang kahit gustuhin mong bumalik, hindi ka na papayagan pa. May nangyari ba kay Axis?"

Umiling siya. Naiinis sa katotohanang hindi na siya kailanman makakabalik sa Australia. Gusto pa naman niyang sampalin si Violet at ipamukhang makatibabae. At si Kevin, gusto niyang hambalusin ng skateboard na regalo niya.

"Miss mo na si Axis?" Pinalis nito ang luha sa kanyang pisngi.

Bagsak ang kanyang mga balikat noong tumango at tumalikod dito. Hindi niya masabi ang totoong dahilan. Wala rin siyang balak sabihin ang totoo. At some point, maybe today is not her day. That those pictures happened to any random people. That long-distance relationship won't really work. It will not work for them, she is one of those random failed LDR. Kevin is a jerk and Violet is a bitch.

"Hayaan mo, Iha. Mamamasyal tayo sa sabado. Para hindi ka ma-bored. Alam kong nakasanayan mo ang kalayaan sa puder ni Axis. Puwede mo rin iyon gawin dito."

Her wounded heart suddenly tickled by light feather with those promises. This is where her family lived. Where she truly belonged. The foreign world where she met different foreign people won't stay for life, they'll just be passed by to give memories whether good, bad or worst. Life is like that; learn and forget, forgive and move forward.

But wait, is it true? Will her auntie give her freedom?

Huminto siya upang lingunin ito. "Promise niyo po iyan, ha?" Well, she is disappointed but not entirely angry now.

"Kinausap ko ang daddy at mommy mo. Pumayag naman sila," kumpirma nito sa kanya.

She goes back on her bed with a light chest. Hindi siya makapaniwalang pumayag ang tigreng ama na magagawa niya ang gusto. Malaya siya kahit dito. Hindi siya pinatulog noon. Her blood is raging from excitement. She will update her social media. She will make sure that Kevin and Violet will be jealous of her bliss experience here in the province. Hindi niya na iiyakan ang ginawa ng mga ito. Bukas ay magbabago ang Thaysky. Magugulat sila. Maghintay lang sila.

"Nahanda ko na ang lakad natin sa Saturday. Sino ba ang invited mo Eury?" Tanong ng Auntie niya mula sa paglalagay ng jam sa sariling toast bread. Eury on the other hand is busy on writing on her notebook.

Sarado pa ang mata niya nang humigop siya nang kape. Inaantok pa siya. Walang gana kung baga, malayo sa napakaagang subsob sa pag-aaral na ate niya.

She wondered if she reach her sister age that she will do the same. Umiwas siya nang tingin sa sobrang katamaran.

"Si Kaili at Swanda po," sagot ng kapatid niyang hindi manlang binalingan ang kausap.

She cleared her throat when her Auntie glanced at her. Nakuha niya ang ibig sabihin noon. "My new girl and her boyfriend," she proudly said. Tumayo upang dukwangin ang malayong pinggan ng toast bread at kumuha ng isa.

"Mabuti at may kaibigan ka na rito. Anong pangalan, Thaysky?"

Bumagal ang kanyang pagnguya noong huminto sa pagsusulat si Eury upang silipin siya. Nakita pa niya sa likurang bahagi si Simon na nakasilip mula sa kusina. She has lots actually, most of them are boys. But she will not mention that part, she should behave since her Auntie Criselda is on her side.

"Well, she's Paigerine Amorsolo. I normally called her on her nickname, Paige or Amorsolo."

"Amorsolo? Naku, baka iyan ang anak ng Ninong mong si Mayor Pakundo Amorsolo." Her Auntie said.

Tumingin siya kay Eury noong lumapit si Simon at kinuha ang notebook na sinusulatan nito kanina. Napansin niya na wala lang sa Auntie niya ang ginawa ng lalaki. Para bang sanay ang mga itong nasa paligid ito at bigla nalang sumusulpot.

"Baka, ho. Tatanungin ko."

Naging hindi siya komportable nang sumabay si Simon sa kanila sa pagpasok. Nakasakay ito sa shotgun seat habang sila ng kapatid ay sa likuran, gaya ng normal.

"Three days from now, darating ang bagong router."

Sumulyap siya kay Eury nang bigla itong magsalita. Sakto namang nakatingin sa kanya ito at nakangiti. Pleasant na tao ang kapatid niya, pero hindi nito nakaugalian na ngumingiti ng walang dahilan. Metikolosa niyang sinulyapan si Simon bago tumango. "Alright. Can they make that earlier than three days?" There's no more reason to make it in hurry. It is just that she can't wait to start her evil plan.

"Manggagaling pa sila sa city," Simon butted in.

"By land ang transportation ng gano'n. Pinakamaaga na yata ang tatlong araw, Thaysky" Eury explained.

What can she else do? Mukhang wala na talagang pag-asa na mapaaga. Kaya naman ng data, kaso pahirapan talaga sa signal dahil sa bundok na kinalalagyan niya.

Her mood is still not pleasant when they reach their school. Diretso na sana siya sa sariling classroom nang maulinigang tinawag ni Eury si Simon. Huminto siya sa gilid at sinilip ang dalawang magkasabay na binaybay ang daan. May kung ano sa kapatid niya kapag kausap ang lalaki. She can name it but she doesn't hell care. If Eury likes him then maybe she needed to accept that fact. All she ever wanted is her sister's happiness. That's all that matter.

"May basic training mamaya sa HBR Club. Sabay na tayo." Paige poked her on the shoulder when their teacher from the fourth class left.

Hindi niya iyon narinig dahil tinitingnan niya ang profile ni Violet sa Facebook. She looks nice on the picture. Mukhang pinaliguan ng banal na tubig at nagmukhang birhen. Ang tino na parang walang kagagahan sa katawan.

"Uy! Ano bang ginagawa mo?" Kinuha ni Paige ang cellphone niya at sinilip iyon.

"Give me back my phone, Amorsolo."

Ngiwi ang mukha ni Paige noong tumingin sa kanya. "Sino 'to, Ulap?"

"That's my ex bitch-friend."

Ibininalik nito ang cellphone sa kanya nang kunot ang noo. "Ano 'yon? Kaaway mo?"

"Nothing. Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina?"

They headed on the canteen. Normally, they don't eat in the cafeteria. But starting today they need to eat there. She needed a prospect. Someone nice and hunkier than Kevin. Iyong tipong maglalaway si Violet.

"Basic Training sa HBR Club. Bago tayo makasakay sa kabayo." Paliwanag nito noong makaupo sila sa mesang napili.

Inilapag niya ang dalang sariling tray ng pagkain at naupo. Habang nakapila kanina ay may na-spot siyang tatlong senior. Dalawa ay varsity at si Drake na madalas na pumupunta sa room nila para makipaghuntahan sa kanya. Drake is passable but she got the interest on the taller one. Killer eye kasi ito at ngiting tiyak siyang magpapanginig kay Violet para mainggit.

"Alright. Magpapaalam ako." Pasimple niyang nilingon ang mesa ng lalaki. She smirked and looked away when she caught him staring back at her. This is basically Violet's tactic, and obviously her first try. Kinakabahan siya sa totoo lang, pero kapag lumapit ang lalaki ay lintik lang. Iimbitahan niya ito sa swimming sa sabado.

Few more chat when they decided to stand up and leave. They took the way going to the HBR club and talked more about how to ride a horse.

"Kaya pala kayo nagkasundo ni Kuya. Magaling ka rin mangabayo."

"You don't know the history, Amorsolo. Anyway-" she paused when she saw Zedrick.

He is in his usual lazy denim jeans and tight white t-shirt. May hila-hila itong kabayo papasok sa kamalig. Nagtataka tuloy siya kung tapos na ang klase nito at narito na ito sa eskuwelahan. At bakit palagi itong narito?

Next chapter