webnovel

Province Life

BUMUHOS ang malakas na ulan nang sila'y makaalis sa Suniga Manor. Ang mabahong amoy ng nabasang daan ang agad nagpangiwi sa mukha ni Thaysky. Hindi niya gusto iyon. Bukod sa gumuguhit sa dibdib ay nakakabalisawsaw.

Umaldag ang kanilang sasakyan sa pamilyar na lubak. Doon iyon sa kaparehas na poste, kung saan may nakadikit na missing na bata. Nakakapagtakang malubak pero palagi nalang mabilis ang paandar ng driver nila kapag tumatapat doon. Palagi ring tumatama sa bintana ang ulo niya kapag ganoon. Province road is really sucks.

Nilingon niya ang malawak na bukiring may malagong tanim. Sabi sa kanya ng Auntie Criselda niya, malapit na kaibigan ng kanilang ama ang may-ari ng bukid na iyon. Malakas ang ulan, ang ilan sa halaman ay nakadapa. Ang ilan naman ay sumasayaw sa saliw ng turo ng hangin. She glanced when Eury lean closer to her. She smells her Jasmin. The scent of perfume that she'd given with her. It came from Australia, a best seller fragrance that she doesn't like.

"Tuesday ngayon. Half day dahil sa club," bulong ng kapatid niya.

Tuesday! Isang araw palang 'yon? Bakit feeling ko dekada na ang nagdaan? Huminga siya ng malalim. Isinusumpa niya talaga ang lugar na ito. Dahil bukod sa maalinsangan ay maulan pa. Mahina rin ang signal ng internet. Nananadya yata dahil sa mismong kama niya ay walang signal, kailangan pang lumabas sa balcony makasagap lang.

Umahon ang init ng ulo niya nang maalalang sinabi niya iyon sa Auntie niya. Pero hanggang ngayon ay nagdurusa pa rin siya. "Malakas ba ang internet sa kuwarto mo?"

Tumuwid sa pagkakaupo si Eury para tingnan siya. "Oo. Kailangan ko ng malakas na internet para sa research ko."

Then why the signal on my room was dead? Lumingon siya sa labas at kinimkim ang inis na nadarama. Unti-unti nang nagkakabahay sa parteng iyon. Hindi niya alam kung bakit parang magkakagalit ang mamamayan doon. Magkakalayo na para bang ayaw ng kapitbahay.

"Sabi ni Auntie nagpapatingin ka ng signal sa kuwarto mo. Papapuntahin ko si Simon para tingnan. Busy rin kasi 'yon. Mamaya, ipapasilip ko sa kanya 'yung router."

She nodded her head, too busy on estimating the range of each house on that area. Nahihiwagaan siya kung sakop pa rin ng kaibigan ng daddy nila ang bukid na iyon. Lumingon siya sa gawi ni Eury. Nahuli niya itong nakatingin sa kanya. Nahihiwagaan o nawiwirduhan. "Why?"

"Anong tinitingnan mo?"

Sinuklay niya ang maikling buhok. "The land and houses here. Bakit magkakalayo?"

Sumilay ang biloy sa pisngi ni Eury. "Ngayon ko lang din napansin 'yan. Nasanay lang siguro ako. Palagi kasing dinadaanan."

Maging siya ay namangha. Paano kaya nakasanayan ni Eury, ang mabuhay sa ganitong kalungkot na mundo? Kumpara sa Australia na buhay, kahit gabi. They lived in a village. The place is semi-province but modern and near the city. Their house there was medium, but enough for one family with two guest room. Their neighborhoods do have a farm too, but not like the setting here in Casa De Rios. One hectare before the next house.

"The land here is very wide. Magkakaiba ba ang may-ari niyan?" she asked curiously.

Umiling si Eury. Minasdan ang kahabaan ng bukiring tinutukoy niya. "Kilala ang pamilyang Hetch sa agriculture at aviation." Sumulyap sa kanya ito bago nagpatuloy, "Piloto ang panganay na anak ni Ninong. Ang ikalawa ay susunod sa yapak ng panganay. Habang ang bunso ay bali-balitang engineering ang gusto."

She's observing her sister. For a short span of time of talking with her, she knew when she will get bored with the topic. And this idea belongs on that list. She immediately looked away when Eury looked back at her.

"Ninong," bulong niya nang makita sa 'di kalayuan ang mansyon ng Pamilyang Hetch.

It was huge even from afar. At first glance, she told to herself that the owner of that house was truly born from U.K because of the pointed kind of roof style. But when she read from the google, that lately the new ideas for the houses especially mansion or almost castle types, this kind of style is in demand.

Wala siyang hilig sa structure ng bahay or engineering topic. Sadyang mahilig lang siyang mag-isip ng kakaiba. Naniniwala kasi siyang hindi patok ang ganyang design sa panahon ngayon. Mukhang bahay ni Dracula, vintage ang dating para sa kanya at creepy.

"Oo. Ikaw nga ninong mo ang mayor ng Casa De Rios."

"Really?" Patamad niyang hinalukay sa kanyang bulsa ang cell phone. Binuksan niya ang data upang i-check ang reply ni Kevin.

                                                  Babe :Sky

                                                      ?? : Sky

He is not online? Tumingin siya kay Eury. Nahuli niyang may ka-text ito. "Boyfriend?"

Kumunot ang noo nito noong bumaling sa kanya, "Bawal. Alam mo 'yan. Ayaw ni Daddy ang relationship, bago tayo tumungtong sa tamang edad." Muli itong humarap sa mobile at ngumiti.

Hindi siya tanga. Alam niya ang mga ganoong ngiti. She can deny it, or hide it all from her, but she knew what is the true. She's lying, but Eury is not that typical woman who will lie. Maybe a suitor? Mutual understanding? Secret lover?

Pinawalang kibo niya iyon. Hindi naman malalaman ng pamilya niyang may boyfriend siya. Safe siya dahil nasa Australia ang kanya. Isa pa, wala palagi ang parents nila.

Nabuhayan siya ng dugo ng biglang lumabas ang reply ni Kevin. She shifted on her seat before drifting her eyes with Eury.

Kevin: Babe, I went to the west coast for the Skate board tournament. I got the bacon and now heading to Cashin's house for the celebration. I wish you are here. I'll take a photo with the group once I reach there. I love you.

The last three words boosted her system. She created her reply and was about to press the send until her reverie caught when their car stopped. Hindi niya namalayang nasa parking na pala sila. Wala sa sarili niyang ginaya si Eury na binuksan ang pinto. Nakatutok sa screen ang atensyon niya ng suotin ang back pack at lumabas. Hindi niya napansin ang malalim na lubak na puno ng tubig. Sumawsaw doon ang kaliwang paa niya.

"Oh!" Nanigas siya sa kinatatayuan niya.

"Bakit?" Eury asked.

Dahan-dahan niyang nilingon ang kapatid. Suck this wet road. "Pahiram ng extra shoes and sacks. "

Umikot agad ito upang tingnan siya. Maging ang driver nila ay lumabas para silipin siyang hindi gumagalaw sa puwesto. "Mayroon yata riyan sa compartment."

Normal classes ang nagdaang tatlong oras niya. Heto siya sa ikaapat at nagbibilang ng ibon na dumadapo sa sanga. Magkakasunod na minor ang subject kaya bagot na bagot siya. Hindi talaga ang tipo niya ang seseryosohin ang pag-aaral.

Binuksan niya ang likurang pahina ng kanyang notebook. Doon ay nagsimula siyang mag-drawing ng dress na gusto niyang suotin sa Skateboard Tournament ni Kevin.

"Open ang horseback riding club mamaya. Gusto mong sumama?"

Gulat niyang nilingon ang

katabing babae na nagsalita. The hell I care. Pikit-bulag niyang ipinagpatuloy ang ginuguhit. Kunwari'y hindi naririnig ang pangungulit ng katabi.

"Ayaw mo?"

What the? Iritable niyang binuksan ang libro. Perhaps reading can made the annoying lady to stop pestering her.

"Pustahan tayo? Kapag napasali kita sa horseback riding, sa akin nalang ang hikaw mo. At kapag hindi kita napasali. Ipapagawa ko ang dress na ginuguhit mo."

Napakaling siya sa kanyang tainga upang kapain ang suot na hikaw. She even looked to her seatmate and analyze her voice and facial expression. There's an eighty over twenty of chances that she can win the offer. She already forbidded herself from riding a horse, so this girl will be giving her a dress for a free of cost.

Tumikhim siya nang sumilip sa gawi nila ang kanilang guro. Muli siyang nagpanggap na nagbabasa bago bumulong, "What time?"

Tumaas ang kilay ng babae. May bahid ng tapang at hindi papatalong ngisi sa labi. "After this class. Allowed ang lahat na sumubok sa ibat ibang club mayroon ang campus. Para sa Grand Prix."

Tumango siya. Pakunwari'y interesado pero ang totoo'y iniisip niya nang i-chat si Violet. Ang skateboard dress na dinisenyo niya ay magkakatotoo. Bihira ang ganitong chance. She will grab it without any doubt.

The class was dismissed after the forth subject. Hila-hila siya nito palabas, kahit pa hindi nila kilala ang isat isa. Lunch break na pero ang tungo nila ay kabilang ibayo.

Mula sa mahabang pasilyo para sa 11th grade, napansin niya ang paglingunan ng ilan sa kanilang dalawa ng babaeng kasama niya. Hindi naman ito ang unang experience niya. Noong pagkarating niya lamang dito ay daig pa niya ang artista sa atensyong nakuha. Lalo pa't kaliwa't kanan ang kaibigan at kilala o nakakakilala sa kanyang kapatid.

Earning attention was normal for her since she was on Australia. She had a fashion sense. And that made her stand out to the crowd and earn friends. But now here in Casa De Rios, pinaitim niya ang highlights ng kanyang buhok. Ang pinaikli niyang skirt ay pilit pinapahaba ng Auntie Criselda nila. Palaging wala ang magulang nila, pero sobra sa strict at rules mayroon sa bahay. Ultimo pagkain sa umaga ay dapat gawin, hindi gaya sa Australia ay kahit isang pack lang ng yogurt ay okay na siya.

"Malayo ba iyan?" Tanong niya nang lumagpas sila sa malawak na parking.

Inayos nito ang hawak sa kamay niya. Hindi humihinto nang siya'y lingunin. "Malapit na."

As she had said, she already smells the stinky mud that was very familiar to her. The smell of horses and their food. She even heard some horses neighing. A pain of the past starts drawing on her imagination, yet she ignored it and let this crazy woman pulled her going to her coffin.

"We are here." Deklara ng babae bago tinulak ang window type door.

Ngumiti siya dahil Italian style ang pinto. Ang lakas maka-bull fight at siya ang cowgirl na magpapahuli sa galit na bull. Tumingala siya nang mapansin ang kakaibang dilim ng kalangitan. Are you going to rain again?

Dumiretso sila papasok. Nagulat siya sa haba ng pila. Mas maraming babae ang interesadong sumali, kaysa lalaki. Kabaligtaran sa Australia.

"Paige!"

Sabay silang lumingon ng kasama sa lalaking kakapasok lang sa pinto. Hindi naman siya si Paige pero hindi niya maiwasang tumigin sa lalaki. Matangkad ito. Maputi at may singkit na mga mata. May malinis na gupit ng buhok, bagay na nagpapabangong tingnan dito.

"Babe!"

Napaiwas siya ng tingin nang salubungin ng kasama niya ang lalaki. She sounded off the endearment because they had a same call name with he boyfriend. She glanced once more on the chinito guy, before Paige.

"Babe, meet... hmmm."

"Sky. You can call me sky." She butted in since she already anticipated this conflict with Paige. Her eyes stayed on the guy.

He seemed remembering her. The way his small eyes almost lost its place when he stared at her roughly. "Parang nakita na kita." He said as he looked at the ceiling as if the answer was pasted on there. "Nasa dulo na ng dila ko. Pero, ako nga pala si Benny."

"Babe, bago lang siya rito. Hindi nga niya alam ang horseback riding club," Paige said, her eyes showed an amusement.

Tumango siya. "Yes, I'm a transferee."

"Hala. Tanda ko na. Ikaw 'yung foreigner na kapatid ni Eury. Ikaw 'yung nakita namin sa Rios De Rima." Biglang sabad ni Benny. Ngayon ang singkit nitong mata ay hirap sa pagdilat, pero nananatiling guwapo.

"That's overrated. Pinoy pa rin ako." Dipense niya, may bahid ng iritasyon ang boses. Nakuha ng atensyon niya ang nagbukas na malaking pinto. Mula sa puwesto niya'y tanaw ang racing field. Hindi iyon buo, pero nang makita niya ang pamilyar na obstable ay kinilabutan siya. Sa isang iglap ay naulinigan niya ang sigawan ng mga tao. Ang suporta nila sa pangalang Blue Falcon. Ang yabag ng nag-uunahang kabayo.

"Sasali ka sa horseback riding club?"

Nagitla siya nang harangan ni Paige ang paningin niya. 

"Hindi ako sasali," sagot niya.

Nagkatinginan si Paige at ang boyfriend nito. Mukhang hindi makapaniwala sa desisyon niya. Naguluhan tuloy siya kung bakit.

"Bakit hindi mo muna siya ipasyal, Babe," suhestiyon ni Benny.

Ngumiti si Paige bago tumango. Muli siyang hinila nito sa loob.

Katulad ng nakita niya kanina. Isa iyong racing field. Oval ang disenyo. Ang gitna ay puno ng fences na ginagamit para sa obstacle, habang ang gilid ay napuno ng putik.

Huminga siya ng malalim. "Talagang desidido ka sa hikaw, ha?" tudyo niya rito.

Nginisihan siya ni Paige. Hinila siya sa bench para maupo. "Saglit lang. Toilet lang ako." Anito, agad umalis.

Sinundan niya nang tingin ito. Ang weird niya. My earrings is affordable actually to act desperate. Umupo siya sa bleachers. She fished out her cell phone in her pocket to check the signal. Nagulat siya sa umuulang message ni Kevin

Kevin:

Kevin: Do you like my new hair cut?

Kevin: I miss you, babe.

Kevin: Babe?

Kevin: My Thaysky?

Kevin: ?

You're so hot. Tiningnan niya muna ang oras. Ala una na kaya alas tres na ng hapon doon. Tiyak naglalaro pa ito kasama ang mga kaibigan niyang mahilig sa skateboard. She misses them, especially her girlfriend, Violet.

                                          I'm sorry : Sky

She tapped the triangle button on the screen and waited the message to be send. But it stayed plain circle and the signal got lost. Gigil niyang hinilot ang kanyang sentido, bago sumulyap sa naulinigang yabag. Napatayo siya nang makilala ang lalaking lulan ng kabayo.

The tissue boy from the Rios De Rima.

He's wearing a black Sando and ripped jeans. Looking hot cowboy on his brown boots, it suited the color of his horse. His hair is quite messy and wet. It enhances his appeal plus his expose broad shoulder and strong arms that looked sweaty.

He gripped the leash of the horse to stop walking before turning on her spot.

Umiwas siya nang tingin at itinaas ang cell phone. Patay malisya niyang sinilip ang signal kung nag-send. Pero wala pa rin talaga. Humakbang siya patalikod sa lalaki. Bigla siyang nahirapan huminga sa hindi maipaliwanag na dahilan. Inayos niya ang buhok at sumulyap sa likuran.

The guy is still looking at her. His horse is kicking the mud and move a little, but obviously, he is forcing his buddy to stop.

Tumikhim siya. Umupo sa gilid at nakipagtitigan sa lalaki. What the hell he's staring at? Nakakalunod ang atensyong pinupukol nito. His deep sets of eyes showed no mercy as if he was angry at her. He is the kind of man who surely will bring a woman into danger. Rebellious type. Moody. Fuck women and doesn't know about the meaning of love.

Tumayo siya nang walang makuhang signal. From the side of her eyes, she saw how he sexily maneuvered his horse. He is still looking at her. And maybe he got bored of waiting, he then finally let his horse walk.

Napaupo siya dahil doon. Sinilip niya ang screen at dismayadong umiling dahil wala talagang signal. Lumingon siya sa pinuntahan ni Paige at napamura sa isip. Nasaan ba ang babaeng 'yon? Muli siyang tumayo nang makaramdam ng gutom. Buo na ang pasya niya, kapag hindi pa nagpakita si Paige ay lalabas na siya roon para pumunta sa canteen.

Inip niyang nilinga ang buong paligid.

Sa 'di kalayuan ay nakita niya ang dalawang babaeng nakasakay sa kabayo. Halatang baguhan ang isa dahil tumitili ito kapag kumikilos ang sinasakyan. Ang isa na man ay may kapayatang katawan. May sinasabi ito, marahil ay tinuturuan 'yung baguhan sa dapat gawin. Pero masyadong takot at hindi pa handa iyong bago kaya nakabig nito ang binti ng kabayo. Dahilan para maging agresibo iyon at tumakbo.

Sumisigaw 'yung payat na babae. Pilit hinahabol ang batang baguhang hindi magkamayaw sa gagawin. Nakayakap ito sa buong katawan ng kabayo at ngayon ay umiiyak.

Napatayo si Thaysky. She will fall. Mabilis siyang tumakbo paibaba sa hagdang bleachers. Wala na siyang pake kung madudumihan siya. Minsan na siyang nakasaksi ng aksidente sa kabayo. At hindi niya hahayaang maulit muli iyon.

Buong bilis niyang tinakbo ang sementadong daan para marating ang bakod na gawa sa kahoy. Ito ang humihiwalay sa sementadong daan at putik. Taas-baba ang dibdib niya sa biglang paghinto. Nilingon niya ang kabayo at ang babaeng walang patid ang pagsigaw at pag-iyak. Papalapit na ito sa puwesto niya at ang payat na babae ay bumubuntot dito.

Nakadikit sa bakod ang nagwawalang kabayo. Kung tatalon siya mula sa bakod, malaki ang tiyansang makakasakay siya sa kabayo at mapipigilan ito.

"Hilain mo ang tali. Huwag kang umiyak, Carla! Zedrick ikaw ng bahala sa kabayo," the thin lady yelled.

Butil ang pawis ang namumuo sa noo ni Thaysky. Kumuha siya ng buwelo. Tinatantsa ang distansiya ng kabayo at tatakbuhin niya. Nang makalkula ang tamang layo, buong puwersa niyang tinakbo ang sementong daan at tinukod ang braso upang iangat ang sarili sa tuktok ng bakod. In a split of a second she jumped the distance and expect to land on the wild horse, but a strong arm enveloped on her waist and forcefully pulled her. She tried to catch the leash of the wild horse but someone took it from her.

Nakita rin niya ang paghabol noong payat na babae, upang tulungan ang batang baguhan.

"Are you trying to kill yourself?"

Pailalim niyang tiningnan ang lalaking sumalo sa kanya at pumigil sa nagwawalang kabayo. Ang galit na kanina pa niya pinipigil ay umahon sa kanyang dibdib, pero tinatalo ng lalaking kaharap ang lahat ng iyon. He is way menacing than her. His angry eyes were very dark and mysterious just like the moon.

"What did you say?" She fought back, she pushed his arms that were wrapped around her waist to release her from a hard gripped. She's fuming mad. So he is accusing her of a suicidal instead of saving someone's life?

She slid down and stared at him once more. Isumpa mo sa boots mong brown. Hindi na ako babalik dito. Never!

Next chapter