webnovel

Partner

"As I was saying, Mr. Hetch. You are working in Construction world. You need someone for the interior. Actually, my designs are up for that as the BnG Company discovered my skills. We can work together."

"Who's Charlie?"

Naroon pa rin siya? Hay, napasobra yata ang adlib ko. "She is my bestfriend. Ano bang iniisip mo? Hindi ako kagaya mong babaero. Playboy. Jerk."

"Siguraduhin mo lang, Thaysky."

"It's Majesty. Ano na? Are you up with my suggestions or not?"

He is calm down now. His gentle movements say so. But the way he looked at her seemed suspicious. "Your offer is a temptation. I'll take that. You will start today."

Tumawa siya. "Relax. I need to know the background of my partner. How's your family?" She needed to know more about Brandon, to be specific. Charlie's information was limited and Zedrick had a comprehensive view of him.

"Partner?" He drawled as the side of his lips rose up. "Okay if that's what you want."

Naubos ang oras nila sa pag-uusap tungkol sa pamilya nito. Nalaman niyang may asawa na si Joffrey at tatlong anak na babae. Ang daddy naman nila ay nasa Hawaii. Ang daming pasikot-sikot ni Zedrick dahil hindi nito binabanggit ang tungkol kay Brandon. Ngunit sa huli ay napaamin niya itong nag-resign ang huli upang sumama sa kanya. Bagaman mas luto ang kaalaman nito sa kapatid.

Nauna siyang sumulyap sa phone nitong tumutunog. "Answer it. Maybe it is an urgent too." Patay malisya niyang ininom ang wine.

"It's Paige. She is asking for a video call."

Nagliwanag ang kanyang mukha. "Answer it. I miss her!"

Sinagot nito ang tawag at agad itinapat sa kanya ang screen. Bumungad sa kanya ang losyang na si Paige habang nagpapatulog ng baby. "Oh my, is that yours?" Mangha niyang tinitigan ang nasa likod na si Benny na sinasabunutan ng batang babae.

"Hoy, Ulap. After seven years, ganyan lang ang sasabihin mo sa akin? Ang laki na ng utang mo sa pamangkin mo." Nginuso nito ang batang ngayon ay sinusuklay na ang buhok ng inosenteng si Benny.

Tumawa siya nang mamilog ang mata nito nang makita siya. Binuhat nito ang panganay na anak upang sumilip sa screen. "Babe si Sky ba talaga 'yan? Akala ko si Eury."

Saglit siyang natulala pero agad ding ngumiti. "Ang tulis mo, Benny. Nakadalawa na agad kayo niyan. Hindi ko aakalaing seryosohan ang relasyon niyo ni Amorsolo."

"Syempre naman. Dapat sumunod na rin kayo ni Zedrick. Aba, pitong taon kayong nagkahiwalay 'no. Aray!"

Inagaw ni Paige ang cellphone mula rito. Narinig din niya ang utos nito sa asawa na bantayan ang umiiyak na bunso nila. "Hoy babae. Bakit bigla kang nawala? Magkuwento ka naman."

"Paige, it's getting late now. She can talk to you some other day." Si Zedrick na agad pinatay ang tawag.

Nabigla siya sa saglit na pag-uusap na iyon. Hindi niya masisisi kung bakit ganoon ang naging reaction ng mga ito. Lahat ay biglaan at walang nakakaalam. Pero masaya siyang hindi galit ang mga ito sa kanya.

"Do you have any more question?" Zedrick broke her reverie.

"I'll reserve the other next time. I'm sleepy."

"Alright. Ihahatid na kita."

Nagising siya dahil doon. "No need. I can go home alone."

Puno nang pagdududa ang mga titig nito sa kanya, lalo sa suot niyang see-through. "You think I will let you ride alone."

Mabigat na talaga ang mga talukap ng kanyang mata. Pumayag siya sa kagustuhan nito. Siya na ang nag-direct sa GPS para hindi na siya tanungin pa nito. Habang tulala ay tuluyan na siyang nakatulog. Hahayaan niyang gawin nito ang maibigan. Sa gayon ay makuha niya ang tiwala nito. Hanggang sa makalimutan ang tungkol sa totoong pakay niya.

A feeling of someone watching her from nowhere made her awake and alert. She immediately found Zedrick staring at her while sipping his cup of coffee on the veranda. Tirik na ang araw kaya kumikinang ang bronseng hantad na pang-itaas nitong katawan.

"Good morning," he casually greeted.

Napaahon siya dahil doon. "What are you doing in my room? And goodness, why are you half naked?" Histerya niyang sinilip ang kanyang suot. "Did you change my clothes?" she asked him suspiciously.

Patay malisya nitong pinatong sa mesa ang hawak. "Hindi ka magising kagabi kaya tinawag ko ang katulong mo."

Talaga? Sobrang pagod lang siguro. Pinanood niya ang pagsandal nito sa forge iron panel habang nakadipa ang mga braso. He is facing the backyard, oblivious on her that was engrossed on his broad back shoulder and flexed shoulders.

"Mag-isa ka lang bang nakatira rito? Bakit isa lang ang security mo sa labas?"

Sinamantala niya ang pagkakataong nakatalikod ito upang magsuot ng roba. "One is enough. Besides I don't stay here that much."

Pumunta siya sa veranda para makita ang tinitingnan nito. Ganoon nalang ang gulat niya nang makitang ang daming paparazzi sa labas ng gate niya. Hinila niya agad si Zedrick papasok sa loob. Sinara niya ang glass panel at hinarap ito. "Anong ginagawa mo?"

"You are not safe here. You can live with me in my place."

"Hell no. Partner lang tayo sa work, hindi kita asawa."

That the last time, he saw him again. Rumors exploded like a ballistic bomb in the news and any tabloid about her mysterious man. On the first week, it didn't name yet, but a new controversial photo of her together with Zedrick Hetch leaked. Everyone directly predicted that the naked man on her veranda was him.

"Ibig sabihin ay hindi pala si kuya ang pakay mo. Si bunso pala si Baby Boy." Tinawanan siya ni Charlie noong bumisita ito sa kanyang opisina isang beses nang umuwi ito.

Hindi siya makapaniwalang darating sa ganitong ingay ang tungkol sa kanya. Pumutok din ang balitang inaakusahan siyang ahas ni Dorothy. At kung kailan ginigisa siya ng media ay saka hindi magpapakita ang hinayupak na si Zedrick.

"Is it true, Sky?" Si Denver nang minsang tumawag sa kanya. Kasalukuyan itong out of the country magmula ng close door party. Magtatagal pa ito ng ilang linggo roon pero gusto na raw umuwi.

"Denver, it's not true. Alam mo naman sa mundo ng showbiz, gagawan nila ako ng kuwento. Hindi iyon totoo kaya relax lang, okay?"

"I'm worried, Sky. You are alone there. Charlie is out too. Please take care."

"You too. Good bye."

Bumuntong hininga siya nang maalpasan ang hindi magkamayaw na media sa labas ng gusali ng Swizz Corporation. Inaasahan niyang hindi niya malalagpasan iyon pero may apat na lalaking naka-suit ang biglang sumulpot upang protektahan siya. When she entered the building the mysterious men instantly disappeared.

"Ma'am, paki-check naman po itong new arrival na silk galing ng India." Bungad ng isa sa kanyang assistant designer na si Magnum pagkalabas niya ng elevator.

Hinila siya nito sa reception desk upang silipin ang sample colors.

"Ako na ang magbibigay."

"Ako na girl. Ako ang secretary ni Miss Majesty."

Irita niyang nilingon ang nagbabangayang bago niyang secretary na si Nicky at isang designer. "What's up with you, two?" Napansin niya ang pinag-aagawang tasa ng kape. "Nicky, served my coffee later."

"Hindi po, Miss. Para po sa bisita niyo ito."

Suminghap ang mga ito nang taasan niya ng kilay. Wala siyang inaasahang bisita. Higit sa lahat, sino ang nagpapasok ng tao sa opisina niya ng walang pahintulot? Binitawan niya ang hawak at galit na dumiretso sa automatic sliding door.

Naabutan niya ang mga nakatanghod na mga tauhan sa kanyang opisina. Para bang may artista roon na gusto nilang kuhanan ng autograph. Isang tikhim niya lang ay agad nagsibalik sa kanilang trabaho ang mga ito. Wala siyang sinabi pero masama niyang tinitigan ang bawat isa bago tumingala.

Ganoon nalang ang kilabot niya sa buong katawan ng makasalubong ang galit na mga titig ni Zedrick. Pero galit din siya, sa paanong paraan nito nalulunok na tiisin siyang saluhin lahat ng pasaring ng mga tao? Na ahas siya. Mangangagaw.

Mabigat ang mga yabag niyang inakyat ang stairwells. Pabalagbag na sinara ang pinto. Galit itong hinarap.

"Ang kapal din ng mukha mong magpakita rito," she bluntly speaks.

"I spoke with Mrs. Swizz. She agreed to our partnership. I might use the other side as my office so we can start."

"Wait, give me a month. I still have something to—"

"Tomorrow I will come back here. Don't worry I'll not disturb you."

"Tomorrow?"

All her plans literally crumbled at her feet. Hindi niya alam kung paano pagsasabayin ang trabaho sa revenge, idagdag pang ginagambala siya ni Zedrick. Hindi niya inaasahang ang partnership na tinutukoy niya ay ganito. Na makikita niya ito araw-araw? Siya dapat ang gumagambala rito? Bakit parang ito pa ang may ay ngiting tagumpay ngayon?

"You heard it right, Majesty. I can't wait to work with you every day. No more hiding."

Ngumiti siya upang itago ang kabang nadarama. Hindi siya papayag na ultimo sa mundong kung saan niya sinimulang mabuo ay papasukin nito. Sinara niya ang bintana ng glass panel at lumapit dito. She rested her hand on his nape and looked into his dangerous eyes. Until now she didn't forget all those flirting habit that Violet just taught her.

"Are you sure about that? Maybe it is not a good idea. I might disturb or distract you. You know I am naughty and sometimes I'm not satisfied with a simple kiss." Maging siya ay hindi nakilala ang sariling tinig. Lalo nang ilapit niya ang kanyang bibig sa labi nito. Sa sobrang lapit ay bumangga ang ilong niya sa ilong nito.

Zedrick closed his eyes on the sudden touch. He seemed falling on her drama and expecting a kiss from her. But it was not her real plan, she wanted him to realize that her presence will only distract him.

Namilog ang kanyang mga mata nang hapitin nito ang kanyang baywang. Ang gilid ng labi nito ay umangat, tila natutuwa sa kanyang naging reaksyon. "I've known you, a wicked witch, that won't change my mind." Right there and then he savagely attacked her lips for a quick kiss. Her red lipstick tainted his lips.

Hindi siya nakapalag. Gulat na gulat sa biglaang atake. Nagising siya nang aakmang aalis ito. "Alisin muna natin 'yang marka sa labi mo." Hindi niya na hinintay ang pahintulot nito. Pinunasan niya ng daliri iyon.

Kung anong seryoso niya ay saya naman nito. He used that moment to tease her. His both hands snaked around her waist to close their distance. He didn't say anything. He just waited for her to finish.

Kanina pa niya natanggal ang mantsa, pero hindi niya sinasabi rito. Sadyang gusto niya lang samantalahin ang pagkakataon dahil marami siyang napansing pagbabago sa binata. He is the tall, dangerous, and bulky type of man, but he became even massive, darker, and taller. All his muscles are way leaner and like a metal. So tight and compose. He let his stubbles grow while his mustache is properly trimmed. He actually looked shabby but that won't barricade his natural appeal. He looked even manly and slinky.

How could this man obtain his charisma on his dirtiest option?

"Aren't you done yet?"

Sa gulat ay itinulak niya ito. Marahan lang iyon pero umatras ito habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Do whatever you please. Just don't disturb me." Malamig niyang tinalikuran ito para bumaba. Kailangan niyang tingnan ang mga telang dumating galing sa India. She felt at ease when he straight through on the elevator.

Next chapter