webnovel

Be careful with me

"But let's face it. City girls are more dangerous than a countrywoman." Zedrick coldly said before he stopped the car, turned off the gas and opened the door on his side. Sinalubong nito ang paparating na isang sasakyan upang tumulong sa pagbubuhat ng mga gamit at pagkain.

Saglit siyang hindi nakakilos sa kinauupuan. Zedrick just threw her a hard rock. She was bulls' eye because among them she's the only outsider. And she doesn't know where to stand; act defensive or pretend not affected?

Huminga siya nang malalim bago lumabas. Nakita niyang dire-diretso sila Paige sa beach front habang sila Eury ay sa cottage. Mabuti naman at hindi naunawaan ng magdyowa ang ibig tukuyin ng hambog na si Zedrick.

Nagpasya siyang sumunod sa kapatid pero agad tumigil. She saw them laughing and busy on fixing their barbecue grill and marinade meats. While Simon and Zedrick are simultaneously carrying their things.

"Zedrick, hayaan mo na si Simon diyan." Puna ng kanyang Auntie Criselda bago bumaling sa kanya. "At ikaw naman, Iha. Magbihis ka na at mag-enjoy. Eury, hayaan mo na si Nanay Percy riyan."

Tumango siya. Bitbit ang sariling gamit ay lumingon siya kay Zedrick. Nakita niya itong lumapit kila Swanda at Kailli na gustong buksan ang buko. Kumuha ito ng kutsilyo at buong yabang na tinanggal.

Seriously? Pagak siyang tumawa. Pasikat!

"Ulap, gusto mong mag-picture sa rock formation?" tawag pansin ni Paige.

Nakita niya itong kumakaway mula sa dalampasigan. Si Benny ay naka-upo sa katig ng bangka habang inaayos ang dalang latest camera.

Nilingon niya ang may kalayuang tinutukoy ni Paige. Agad siyang ngumisi nang makita ang tubig na humahampas sa malaking bato. Naalala niya ang paboritong modelo na may picture sa ganoong setting. "That's perfect!" She is getting hype for a new evil plan.

"Magpalit na kaya tayo ng bikini para mas kabog!" Suhestiyon ni Paige na lalong nagpa-hyperventilate sa kanya.

Magkahawak-kamay nilang tinakbo ang washroom. Dahil nasa ilalim na ng dress niya ang bikini ay tinanggal niya nalang iyon. Mabilis siyang natapos kaysa kay Paige na nagbibihis pa. Naglagay nalang siya ng sunblock habang naghihintay.

Pinagkasya nila sa backpack ang gamit nilang dalawa at pinabuhat kay Benny. Doon sila unang nag-pictorial sa beach front. Si Benny ang nagsuhestiyon dahil magandang background ang may kalakihang alon ng dagat.

"Babe, tumakbo ka pagkabilang ko ng tatlo," utos nito.

Mula sa likuran ay minasdan niya ang anggulo na napili ng lalaki. Maganda nga, lalo at katangkaran si Paige. Asset nito ang mahabang legs, kumpara sa kanyang hanggang tainga lang ng kaibigan. Bagay rin sa kaibigan ang suot nitong two piece na pink. Umaangat ang bronze complexion nito.

"Basang-basa na ang panty ko." Sabi ni Paige mula sa pagtawa.

"You should meet his counting." Piniga niya ang panga sa kakatawa dahil hindi nito matsempuhan ang bilang ni Benny.

"Ayusin mo nga Babe. Ang hirap, ha!"

Nagkamot ng ulo si Paige. "Kuya Zedrick, ikaw nga. Hindi marunong si Babe magbilang."

"Ano? Ako pa talaga?" Reklamo ni Benny habang inaabot ang camera kay Zedrick.

"What do you want, Paige? Jump shot?" Tanong nito habang may pininpindot sa camera. When he is done, he sexily pointed the lens to Paige.

"Opo, kuya," sagot ni Paige.

"At the count of three, okay?"

Tumango nang buong sigla si Paige. At katulad ng inaasahan ay nakuha nila ang gustong jump shot. Tumakbo ito palapit kay Zedrick upang silipin ang kuha. "Oha, magaling talaga si kuya sa kahit anong bagay." Lumingon ito sa kanya. "O, Ulap. Ikaw naman."

Kumalabog ang dibdib niya nang maging si Zedrick at Benny ay tumingin sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango. Pipiliin niyang mag-pretend na wala lang sa kanya ang sinabi nito kanina. Kailangan niyang tapangan. Para ito sa paghihiganti niya kila Violet. Hindi si Zedrick ang sisira sa plano niya.

Taas noo niyang nilakad ang puwesto kanina ni Paige. "Let's start with the panorama," utos niya rito.

Zedrick stared at her sharply. He looks amused when he pressed something on the camera before he pointed it with her.

Akala mo, Zedrick. Yes, City girls are dangerous so you should be careful with me. Hinawakan niya ang summer hat at tumingala ng bahagya habang kagat ang kanyang ibabang labi.

"Ang hot mo riyan, Ulap," rinig niyang tukso ni Paige.

Aba't dapat lang. Hindi ako Suniga sa wala.

"Move," utos ni Zedrick.

Tumakbo siya sa kabilang panig at huminto para sa panibagong pose. She sat on the shallow water and took some of it to throw upward. She looked up and smiled when she felt the drops of water fell on her face and shoulder.

"Aba! Puwedeng modelo ng Rios De Rima itong si Sky," rinig niyang komento ni Kailli.

"Move," utos muli ni Zedrick. Saglit itong tumingin sa kanya bago sa camera.

Tumakbo siya sa gawi ng rock formation at naupo ng pabukaka, habang ang parehas na kamay ay tinatakpan ang pagitan ng kanyang mga hita. She smirked when Zedrick lips pressed into thin line. Tutal binansagan na siyang nitong mapanganib, bakit hindi niya na sagadin?

Tumawa si Paige nang bigla siyang mag-peace sign noong lumagpas ang camera sa kanya. "Ang exotic ng last pose mo, ha!" tukso sa kanya nito.

Gusto niyang tumawa pero pinigil niya dahil masama ang tingin ni Zedrick sa camera.

"Dito naman sa rock formation," tudyo niya pa.

They finished their photoshoot after one hour. Hindi na si Zedrick ang photographer nila dahil dumating ang pinsan nito kasama ang isa pang kaibigan. Masinsinan ang topic dahil pare-parehas ang mga itong seryoso.

"Anong pangalan ng pinsan ni Zedrick? Sino 'yung isang singkit?" tanong niya kay Paige.

Kumuha ito ng dalawang barbecue. Inilagay sa plato ni Benny ang isa at ang natitira ay sa sariling plato. "Si Kuya Malik. Malik Hetch na pinsan niya sa side ni Uncle Benedict. At 'yung isa ay si Kuya Uno. Barkada nila. Ewan ko ba. Ngayon lang nagawi 'yang sila Kuya Malik dito."

Tumango siya. Minasdan niyang maigi ang pagkakapareha ni Malik at Zedrick. Parehas itong matangkad at hubog ng pangangatawan. Napuna rin niya ang bagsik sa mga titig nila. Tipong kapag nabihag ka ng kanilang mata ay mapapasailalim ka sa kanilang isinumpang misteryo.

Pinagpatuloy niya ang pagkain at luminga.

Nakita niyang tahimik na nakasandal sa puno ng buko si Simon. Kapansin-pansin ang lamig ng pakikitungo nito sa kapatid niya buhat kanina. Samantalang umagang kay ganda nakadikit ang kapatid sa lalaki ngayon ay magkahiwalay.

Tinunton niya ang tinitingnan nito.

Naglalaro ng volleyball sa beach sila Eury, Kailli at Swanda. Basang-basa ang suot na crop top ng ate niya dahil lumilitaw ang cleavage nito marahil sa sobrang bigat. Samantalang ang dalawang kasama ay naka-two piece at basa na rin.

She shrugged them and stood up for a drink. Doon siya uminom sa buko juice na kutob niyang si Zedrick ang may gawa. Oh, this one is tasty, ha. Kinuha niya ang cellphone. Kanina bago kumain ay pinapasa niya kay Benny ang lahat ng pictures nila. She planned to scan all the picture and choose the best shot. She even set her data on. Mahina ang signal pero naglabasan ang notification niya sa IG.

She sat on the far side and glanced with Paige and Benny. She smirked when she noticed them creating their own world. Umiling siya at tiningnan isa-isa ang comment sa video post niya kagabi.

Hotncold: It's freaking awesome, Sky. Who's that boy?

Claire: What the... are you really not coming back here, bae? Your jerkin boyfriend is an asshole. This is literally a huge blow on his dumbass dick. Go for this bae. We miss you.

Gladyoumetme: I heard you're an Asian. Is he an Asian too? He is cool and intriguing, though. I'll follow your updates about him, Chicca's.

Iyon ang latest comment at marami pang natabunan. Nanginginig ang balikat niya kakatawa dahil umabot sa four hundred plus ang views at twenty share. Hindi pa natatapos ang buong araw ay naging viral na siya sa mga kaibigan niya. Tiyak na nakarating na iyon sa mga manloloko niyang target. Damn them. She mentally cussed while trying to scroll more the rest of the comment. She stopped on the familiar username. This is Violet's sister.

MissieRandolp: I heard the news about my sister and your ex-boyfriend. I get mad at the two and I feel bad for you. We are hoping for your success journey there.

Mariin niyang tinitigan ang ikalawang mensahe nito. Buti pa ang kapatid ng ex- best friend niya ay inaalala siya, samantalang ang dalawang taksil ay hindi manlang humingi ng patawad. Marahil masayang-masaya ang dalawa dahil wala ng hadlang. Puwede na sila at malayang gawin ang gusto nila.

Maybe Kevin found Violet better than me. Because literally, Violet can give him a satisfying romance that a man needed for a woman.

Pagak siyang natawa at napabasa ng kanyang ibabang labi. Lalong nagpupuyos ang kalooban niyang inggitin sila Violet at Kevin. Gagawin niya ang lahat para sirain ang dalawa. Sa mga gagawin niya ay babalik si Kevin sa kanya. Pero hindi na siya papayag, wawasakin niya ang puso nito gaya nang pagwasak nito sa kanya.

Nagitla siya nang biglang umangat ang kanyang cellphone. "Hey! What the hell." Sinundan niya iyon kaya halos masubsob siya sa lalaking estranghero. Tumama ang dibdib niya sa braso nito. Gumapang ang katakot-takot na kilabot sa buong katawan niya. Nandidiri niyang tinulak ito. Stupid moron. "Give me back my phone." Sigaw niya rito nang makabawi ng balanse.

Nagustuhan ng lalaki ang nangyari kaya hinawakan siya nito sa braso. "Inglisera si Miss Beautiful. Sasamahan lang naman kita dahil nag-iisa—"

Hindi nito natapos ang sasabihin nang biglang sumulpot si Zedrick at binigyan ito ng solidong suntok sa panga.

Nahigit niya ang hininga sa sobrang takot. His eyes was blazing from so much anger.

The guy held his busted lips before he looked back at him. Dumura ito sa paanan ni Zedrick. And Zedrick took it as an insult. Umamba itong susuntok muli pero pinigil agad nila Malik at Uno.

Nasindak ang lalaki at nagkukumarat na tumayo para makatakas.

Benny tried to chase the stupid stranger but he is too late. He runs going back to them. "Sino ba 'yong gagong 'yon," Benny asked her in between his hard breathing.

Hindi niya iyon nasagot. Natulala siya kay Zedrick na ngayon ay pinapahinahon ng pinsan nito at kaibigan.

Tinakpan ni Eury ang atensyon niya roon. "Okay ka lang?" Nang hindi siya sumagot ay hinila siya nito pabalik sa cottage. Binalot siya nito ng tuwalya at pinaupo.

Her eyes flew back to Zedrick. She saw him picked up her phone on the floor. Habang inaalis ang dumi ay tumingin ito sa kanya. Gusto nitong lumapit pero nagdadalawang-isip sa pinapakita niyang reaction.

Hindi siya galit dito. Nagulat lang siya sa biglang pagsugod nito. Kung tutuusin ay kayang gawin ng ibang kasama ang ginawa nito. Pero nananatiling palaisipan sa kanya ang galit na nakita niya sa mata nito. It doesn't connect with his cold treatment at her. Why did he sudden act like that?

Lahat ay tikom ang bibig sa nangyari at nagpasyang uuwi na. Hindi nila alam kung bakit hindi nalaman ng management ng Rios De Rima iyon. Pero mainam na rin dahil tiyak kapag nalaman pa ng Auntie Criselda nila'y makakarating sa tigre niyang ama.

Pagkauwi ay nagkulong siya sa kuwarto. Ilang oras ang nasayang niya ng walang ginagawa, kung hindi ang tumanaw sa puting kisame. What just happened a while ago?

"Come in!" Sigaw niya nang may kumatok sa pinto.

"Sky, nasa baba si Zedrick."

Napaupo siya sa higaan at tinitigang mabuti ang kanyang kapatid. Seriously? At this moment he will looked for me? "Bakit daw?"

"Bukod sa may dala siyang kabayo ay sinabi niya lang na tawagin kita."

"Oh, yeah." She nodded her head. Training, ha?

Next chapter