1 Kabanata 1

Dream

Nag-simulang bumagsak ang mga luha sa aking mata,nang makita ko kung pano nya isayaw si Elle sa gitna nang Hall.

Kitang kita ko kung panong lumiwanag ang mga mata nya sa bawat hakbang,at alon na idinudulot bawat giya nya kay Elle sa pag-sayaw.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo upang makaalis na,ngunit hindi pa man nakakahakbang ay may humigit na sa kamay ko at iginiya ako pataas sa entabladong inihanda at nilagyan nang kung ano anong kolorete.

"Pwede ba kitang isayaw?"

Hindi nya na hinintay pang maka-sagot pa ako,at tuluyan nang inalalayan makaakyat sa stage.

"Bakit mo ginagawa to?"Hindi ko na napigilan ang pag-tatanong sa kanya habang isinasayaw nya ako malapit sa gitna.

"He's yours right?"tiim-bagang nyang tanong,tinanguan ko sya."Then why the hell he's dancing with Elle without knowing what should you feel?"

"It's fine,iam not that possessive para pigilan syang isayaw si Elle"

"For God sake woman! You're allowing him to dance at the center of the stage with someone,tapos nandoon ka sa sulok-sulukan at lumuluha?Sa palagay mo papanoorin lang kita doon habang yang lalakeng yan nag-papakasasang isayaw ang ibang babae?diba hindi!"Dahan-dahan nyang inalis ang mainit nyang mga palad sa aking tagiliran at hinawakan ang mag-kabila Kong pisngi.

Bahagya nyang pinunasan ang aking mga luha at ngumiti.

"He's abusing you,wala karapatan Ang ordinaryong katulad nya na paiyakin Ang isang tulad mo"marahan nyang hinaplos Ang aking buhok at iginiyang muli upang isayaw.

Dahan dahan nya akong dinala sa may gitnang bahagi nang entablado dahilan para pag tinginan kami nang mga taong naka palibot sa amin.

Isa-isa nang nagsisi-alisan ang mga mag-kakapareha na kanina lamang ay masayang nag-sasayaw.

Hindi ko na namanlayang kami nalang apat ang natira sa gitna.Napatingin si Emil sa akin,siguro nga ay hindi nya na nga ako napansin kanina dahil sa pag-bibigay nang atensyon at masaya nilang pag-sasayaw ni Elle.

Mapait ko syang nginitian,maya maya pa'y inalis nya na sakin Ang tingin dahilan nang pag kakapukol nito kay Blaze na bahagyang natigil Ang pag-sayaw at ikinawit Ang kamay sa aking bewang.

"Akala ko Hindi ka pupunta?"bakas Ang gulat sa mukha ni Emil sa pag kakakita nya sa akin,mabilis nya ding inalis Ang mga kamay sa bewang ni Elle na kasalukuyang nagugulat sa mga nang yayari.

"A-ahh sorry Hindi kase ako nakapag-sabi,pumunta kase si Mona nag-aya siya kaya't sumama nadin ako"mahaba Kong pag-papaliwanag.

"No need to explain,Cahexia.Let's go!"Pumunta si Blaze sa harapan ko at ipinirmi ako sa likuran nya.

"San mo sya dadalhin!?"galit na tanong ni Emil.

"You don't care!"pinag-taasan nya ng boses si Emil.

"Then who are you to say where do I'am going care and don't huh?"taas noo nyang tanong.

"Anyway.Who is she,baby?"napaka-lambot nang pag-kakasabi ni Elle dito.

Tuluyan na ngang lumabo Ang paningin ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pang nag-babadyang tumulo,.

Isa isa itong dumaloy sa aking pisngi,habang ang kamay ni Blaze ay nanatiling nakasalikop sa kamay ko.

"B-baby?"tanong kong muli na para bang Hindi narinig ang mga sinabi ni Elle kanina.

"Yes?why?ako at si Emil,We're together?"halatang hindi nya maintindihan Kung Ano man Ang nangyayari sa pagitan namin."Who are you anyway?Emil who is she?"

"A friend of mine..."hindi na naituloy ni Emil ang sasabihin nang walang pasumbaling tumawa si Blaze.

"Are you sure?"tatawa-tawang Sabi ni Blaze."Sinasabi mo kay Elle na kaibigan mo Lang siya,sa harapan nya pa mismo?nababaliw kana!"

"Who is she!"aboridong sigaw ni Elle.

May narinig akong bulungan sa likuran kaya't nilingon ko ang mga ito at laking gulat ko nang lahat sila ay natigilan pawang nanood at nag-aabang sa mga susunod na mang yayari.

"Elle! She is Emil's girlfriend!"bakas Ang galit sa pag-sasalita ni Blaze na kasalukuyang mas hinihigpitan pa ang pag-kakakapit sakin.

"Glaze tama na!pinag-titinginan na tayo!Umalis na tayo please?"nahihiya ako na pati si Blaze ay nadadamay sa mga bagay na dapat Amin nalang.

"No Cahexia!She deserves to know the truth!"tugon ni Blaze.

Walang pero perong sinampal ni Elle si Emil.

"How dare you to used me as your bitch!"galit Lang Ang nakikita sa Mata ni Elle."Let's end this fucking relationship!Iam breaking up with you!"

Nabalot nang katahimikan ang buong hall.Hanggang sa tuluyan na siyang humagulhol na nakapag-pabasag nito.

Hindi na siya nag paawat at dirediretso pababa nang stage soot Ang kanyang maroon cocktail dress.

Habang si Emil ay tila naistatwa na lamang sa sakit nang sampal na tinamo kay Elle.

"Cahexia let's go!"hinigpitan ni Blaze Ang kapit sa kamay ko na kanina nya panghawak-hawak at hinila ako palayo sa entablado.

Ngunit may biglang humila sa kabila Kong kamay sa mismong pala-pulsuan dahilan nang pagkaka-antala nang pag-hila sa akin ni Blaze.

"Let her go!!"sigaw ni Blaze.

"Cahexia,pag-usapan muna natin to please?"pag-papakiusap ni Emil.

"Wala na kayong dapat pang pag usapan,You cheated on her,tapos!"dipensa ni Blaze.

"Cahexia please.."umamba itong yayakapin ako ngunit ang malakas na suntok ni Blaze Ang bumungad sa kanya.

"Tama na Yan!!!Tigilan nyo na!!!"sigaw ko.

Naramdaman ko ang isang pamilyar na tinig kasunod nang mag-kakasunod na tapik.

"Cahexia??Cahexia!!!"narinig ko Ang mag-kakasunod na tawag ni Kuya Zack sakin.

Agad akong napabangon at kinusot kusot Ang aking mga Mata.

"I was about to wake you up but suddenly I heard you crying and shutting so i went in immediately!"nag-aalala nyang pag-papaliwanag"Sabihing mo sa akin sya na naman ba?"tanong niya.

"Ye kuya"Hindi ko napigilan ang pag-bagsak nang mga luha ko.

Kaagad Naman akong dinaluhan ni kuya Zack at marahang hinagod-hagod Ang aking likod upang mapakalma ako.

"Shuushhh,panaginip Lang Ang lahat,it's been months since that day,marami nang nag-bago sayo,mas maayos kana mag style ngayon,tinuruan kana rin naming Lumaban,at siguro naman nag-bago kana, I'mma right?"nakangiting tanong ni Kuya.

"Yeah kuya but.."

"No buts!Make your own calamity,I'll support you for your damn revenge"sabay kindat nya sakin."The breakfast is ready,I'll wait for you downstairs"

Nag-lakad na sya pababa sa kwarto ko at muling isinarado Ang pintuan nito.

Agad kong tinungo ang banyo nang aking kwarto at naligo,hinayaan ko lamang na bumagsak Ang mainit na tubig Mula sa shower na bumagsak sa aking ulo pababa sa paa.

Lumabas ako pag-katapos at dumiretso sa walk-in-closet para hanapin Ang aking uniporme.

Sa huling pag kakataon ay muli akong nag tungo sa malaking salamin sa may kwarto ko at huminga nang malalim.

"I'll make y'all suffer!"bulong ko sa sarili habang pinapanood Ang pag-landas nang iilang luha sa aking mata pababa sa pisngi.

Agad ko itong pinawi bago lumabas nang kwarto ko at nag tungo sa kusina Kung saan kasalukuyang nag-babasa nang dyaryo si kuya.

"You're too slow i'm already done!"matalam nya akong tiningnan."Promise me na di ka mag papadala sa salita ni Emil please?"

Lumapit ako at nginitian sya.

"As much as kaya kong umiwas I will"mapait ko siyang nginitian.

"I didn't want to see someone begging for attention and love,also ayaw ko din na mangyaring ikaw Yung 'someone' na sinasabi ko."emosyonal nyang paliwanag.

Bahagya akong napangiti sa kanya mga sinabi.

"I didn't know Kung ano Ang magagawa ko pag nasaktan ka ulit!Ayaw ko na sinasaktan nila Ang prinsesa ng pamilya natin!Note that!"

Tinanguan ko na Lang sya at nag simula nang kumain.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

avataravatar