1 Prologue

Sabi nila pag hindi mo ginawa yung mga bagay na gustong gusto mo pagsisisihan mo lahat sa huli. I'll give it a chance this one night. One night to lose it all. One night before I go say hi to another part of my life.

"Dude! Halika ka na let's enjoy this freaking party!" Sigaw ng bestfriend niya habang sumasayaw sa gitna ng bar kasama ang madaming tao. Tumigil sa pagsasayaw ang kanyang kaibigan nung napansin nitong hindi siya tumayo at pumunta sa bar counter para kumuha ng whiskey para iabot sa kanya.

"Seriously Lyshael I need to get on a plane sober tomorrow." Sabi niya sa kanyang kaibigan.

"And seriously Cass you need to loosen up. Parang ikaw yung na heartbroken nung sinabi ko sayong engaged na si Emerson."ani to sabay senyas sa bartender ng isa pang double ng whiskey.

Naalala na naman niya nung una niyang nabalitaan ang pagkaka engage ng lalaking minsan niyang minahal ng palihim. Apat na taon niyang lihim na minahal at mananatiling isang lihim na dadalhin niya hanggang sa huli. Napansin niya ang sakit sa mata ng kanyang kaibigan, alam niya ang dahilan ng kanyang kaibigan para pumunta sa isang lugar katulad nito ay para makalimot kay Emerson Pierro.

"Let's just have fun Cass. I'm done with him. I desperately don't need you to shit on my barbeque tonight." Sabi nito sa kanya habang nakangiti pilit na kinukumbinsi siya na inumin ang alak nasa lamesa. Dahil hindi niya na kayang pang tanggihan ang kaibigan kinuha na niya ang whiskey at ininom ito.

Nakailang shot na sila nung nag-aya siyang sumayaw sa dance floor.

She swayed her hips to the beat as if the sound waves were molding her body. She was tipsy and a seductress under the dim lights. Nang tinugtog ng DJ ang kanyang paboritong kanta Young hindi niya mapigilang ibigay lahat sa pagsayaw.

"You will always be my dirty little secret Carissa."

Naalala niya ang sinabi ni Emerson sa kanya. She tried to push the thoughts away, those were the words she once thought was sexy and now nothing but a wounding string of words. He ruined her. Ruined every single fairytale she used to believe in.

avataravatar
Next chapter