3 Chapter Three

5 days later, Cristine went back to Philippines. Maaga niyang nataois ang kailangang gawin sa Budapest. While Valentine went back to Japan to her scheduled flight. Buti na lamang ay walang naging aberya sa pamamalagi niya sa Budapest.

"Arianne, kumusta ang pinagagawa ko sayo?" tanong agad niya nang makababa siya. Tinawagan niya agad ito nang makapagland ang eroplanong sinasakyan.

"Okay na, we have him at the 3rd day. Mahirap siyang hulaan. As expected from a Navy Seal. But anyways, hawak na namin siya. Nasa Underground room siya ng La Sangre. Don't worry, Tine, wala siyang malay ng dalhin namin siya dito," wika ni Arianne na mukhang proud na proud sa ginawa.

Her lips tilted a little. "Alright. Tomorrow morning, I'll take him back to US. Pakihanda ng mga papeles at pasaporte niya. Pati na ang private plane," wika niya.

"Copy, Queen," wika nito at pinutol na ang tawag.

Paglabas niya ng receiving area bumungad kaagad sa kanya ang init ng Maynila.

She sighed. 'I'm back, Philippines,' untag niya sa isipan. Alas cinco na nang bumaba ang eroplano sa airport kaya ng lumabas siya ay halos magdidilim na. Tumawag na lamang siya ng taxi at nagpahatid sa unit niya sa Taguig. Wala naman siyang madaming dala kundi ang backpack na naglalaman ng konting gamit niya. Ipinikit niya ang mga mata para makapahinga ng konti.

Inabot siya ng ilang oras para lang makarating sa unit niya. Hindi niya inakalang grabe na ang traffic sa Pilipinas. Hinubad niya ang damit at tinira na lang ang panloob bago nahiga sa kama niya. Gustong gusto na niyang matulog kaya naman matapos icheck at i-on ang security alarm niya ay nahiga na siya sa kama niya bago nilamon ng antok ang kanyang diwa.

-----¤-----

¤DREAM¤

"How's my favorite experiment?" the man in the lab coat ask. Hinawakan nito ang ulo niya at hinimas ang kanyang mga buhok.

Hindi siya nagsalita sa halip tumingin ng direcho sa harapan. Gustuhin man niya'y alam niyang may kapalit ang lahat. Ilang taon na siyang pinag-eexperimentuhan. Inaalam ang kakayahan niya. Ang mga bagay na kaya niyang gawin.

"Don't worry, in the coming days all what I've done for you will rewarded. You know why? You will have people like you to come here. And they will be with you," the doctor said almost likely mocking her.

Tiningnan niya ng masama ang doctor. At isang baliw na tawa lang ang isinukli nito sa kanya.

Lumipat naman ang eksena sa mga katulad niyang nahihirapan. Ang mga sigaw nila'y nakaukilkil sa bawat parte ng kanyang utak. They tortured shouts cannot be forgotten. They're cries of help, tortured her every bones. At di niya alam ang gagawin. Wala pa siyang magagawa.

"Heeeelp!" dinig niya ang sigaw ng isang batang babaeng nasa edad walong taong gulang. "Help me!" iyak nito.

Napako lang siya kinaroroonan. Walang magawa. Nasa hawla siya kung saan kitang-kita niya ang ginagawang pagpapahirap sa mga batang walang kamuwang-muwang na gaya niya. Kitang-kitang niya kung paano ang mga iyak nito ng pagsaklolo ay unti-unting naging impit na pagsigaw ng paghihirap hanggang sa tumahimik na ito. Ang mga mata nitong punong-puno ng luha ay wala ng buhay.na nakatingin sa kanya. Natapos na ang paghihirap nito.

"Hindi mo kami tinulungan!" mga galit na boses ang nadidinig niya. Patuloy na bumubulong sa tainga niya ang pangongonsensya ng mga ito.

"Wala kang awa!" iyak ng mga ito.

Hindi niya mapigilan ang mga ito kahit na sabihin niyang tumigil na pero wala siyang magawa. Tanging mga galit na iyak ng mga ito ang naririnig niya. Hanggang sumigaw na siya.

¤end of dream¤

-----¤-----

Napapitlag siya at biglang napabangon. Basang-basa siya ng pawis. Bangungot. Isa itong bangungot na isipin man niyang hindi totoo ay alam niyang hindi. Nangyari na ang bagay na ito. Pilit man niyang kalimutan ay pilit na sumiksik sa isipan niya ang mga alaalang iyon.

"You're awake," narinig niya ang isang pamilyar na boses sa kabilang bahagi ng kwarto niya.

Pagtingin niya. Si Kean, gusto niyang matawa pero ayaw niyang makita pa ito. Malaki ang kasalanan niya sa taong ito. "Why are you here?" walang emosyon niyang tanong.

Pagak itong tumawa at madilim ang mukhang tumingin sa kanya. "Why did you do it?" galit na tanong nito.

"It has nothing to do with you. It was a confidential mission," sagot na lamang niya. At tumayo na. Wala siyang pakialam kung makita nito ang katawan niya. As if he has never seen it before.

Through her peripherals, kita niya ang confusion sa mga mata nito. "But why Dad, huh?"

"Alam mong most wanted siya sa iba't ibang bansa," turan niya. "You know how many of them wants him dead, right. It was just a matter of time that they make a move on him," she continued.

"At ikaw, sa lahat ng tao ang gumawa nun? Pinagkatiwalaan ka namin, Cristine," galit na sambit nito. "To say that I loved and trusted you is my biggest regret."

Marahas siyang tumingin kay Kean. Kita niya ang poot sa mga mata nito. "Trust? Love? Kean, kaya pala buntis ang pinsan kong Sheryll ay dahil sa trust at love mo," sumbat niya. "Don't you think I don't know what you've done? Sheryll is my cousin for Pete's sake. Pero anong ginawa mo? One night of a misunderstanding and you run in to her? What a joke, right?!"

Natuliro naman si Kean. "Sheryll is a mistake, Cristine," bawi nito. "At anong sinasabi mong buntis? She didn't tell me everything," wika nito.

"Then, gather yourself up. At balikan mo si Sheryll dahil dala-dala niya ang anak mo," sabi niya. "Gumanti ka na lang kapag kinikilala ka ng leader ng Red Dragon Organization. By then, maybe, you can take your revenge," patuloy niya bago pumasok sa banyo.

Nanatiling nakapako sa posisyon si Kean at nang marinig niya ang pabagsak na pagsara ng pinto ay saka lamang siya bumalik sa huwisyo. Kumuyom ang palad niya. Alam niyang tama ang sinabi ni Cristine, he's taken as a joke by his father's subordinate malibang na lang sa ibang pumapanig sa kanya. Kapag namatay siya sa kamay ng dating kasintahan, alam niyang kahit sa kamatayan ay hahabulin siya ng konsensya niya. Umalis na siya dahil naalala niyang may isa pang taong kailangan siyang harapin.

Paglabas ni Cristine sa banyo ay wala na si Kean doon. Nakahinga siya ng maluwag. She noted that she needed a much advanced technology for security alarms. Mabilis siyang nagbihis nang makita ang message ni Arianne sa kanila. Nasa airport na ang subject na dadalhin pabalik ng US.

avataravatar