1 Chapter One - The Beginning

Bang!

Bang!

Bang!

Ilang sunod-sunod na putok ng baril ang maririnig mula sa loob ng opisina ng Manager ng La Sangre. Dinig lamang ito sa loob ng buong Bar dahil sarado ang pinto. Sound proof ang buong building kaya kahit na may pinapatay doon ay walang taga-labas na makakarinig maliban na lamang sa mga empleyado. Takot man ang mga babaeng empleyado ay wala silang magagawa, pumirma sila ng non-disclosure agreement kung saan di sila pwedeng magsalita sa kung anong nangyayari sa loob ng pinagtatrabahuhan nila. Samantala sa loob ng opisina ng Manager. Nakaupo ang isang lalaking may hawak ng baril sa upuan ng Manager.

"Mukha yatang hindi ako naging maliwanag sayo, Manager Lazaro?" nakataas ang kilay na turan ng taong nakaupo sa swivel chair. "Where is your damn boss?" tanong ng lalaki.

Hawak nito ang tagiliran, habang may tama din sa binti at braso. "Wala po talaga kaming balita, Sir, minsan lamang dumating dito si Boss at biglaan na lamang po siyang sumusulpot," nangingiyak na turan ng Manager, basang basa na ito ng pawis at basa na ang pantalon.

"Siguraduhin mong nagsasabi ka ng totoo. Dahil kung malalaman kong nagsisinungaling ka hindi lang yan ang aabutin mo," pagbabanta nito.

"Sir Kean, parang awa niyo na po, may pamilya po ako," pagmamakaawa nito. Lumunok ito. "Kung gusto niyo po sasabihan ko kayo kapag dumating si Boss, maawa lang po kayo sa amin," sabi pa nito.

"Tsk. Sa tingin mo talaga ay simple lamang ang lahat? Tawagan mo--," naputol ang sasabihin niya nang bumukas ang pinto. At iniluwa nito ang isang babaeng balingkinitan. Nakasuot ito ng simpleng t-shirt at ripped jeans. Suot ang 3-inch heels ay pumasok ito sa loob. Nakatutok naman ang baril ng mga kasamahan ni Kean sa dalaga.

"Mr. Mendoza, I wish that you don't bring your ruthlessness here. Wala dito ang Queen, at wala pang balita sa kanya hanggang ngayon," wika ng dalaga na kumuha sa table ng yosi na nakapatong doon bago inilagay sa bibig at sinindihan. "Alam namin kung bakit mo hinahanap ang Queen pero wala kang karapatang manggulo sa property niya. "As an 'abiding citizen' you know that right?" wika nito bago hinihithit ang sigarilyo. Using words that, even them couldn't be used to describe them.

Umiling na lamang si Kean bago sinenyasan ang mga kasama na ibaba ang baril at pinalabas na. "Tandaan mo ito, A, malaki ang utang sa akin ng Boss mo at babayaran niya iyon, buhay man niya ang kapalit," wika nito bago lumabas.

Nang makaalis na si Kean ay saka lamang nakahinga ang babaeng nagngangalang A. Kinuha niya ang telepono at may tinawagan. "Magpadala ka dito ng medical team. Manager Lazaro is losing a lot of blood. I need it now," wika ni A. Sumasakit ang ulo niya sa ginawang kalokohan ni Kean.

Kean Mendoza is an ex-agent under the government agency turned into a Arms dealing Boss. Mula ng mamatay ang ama nito si Keiro Mendoza ang Hari ng Arms dealing sa Pilipinas ay walang anu-anong pinalitan nito ang pwesto ng ama. Walang nakakaalam ng dahilan kung bakit pinili nitong mas maging 'Most Wanted Person' sa Pilipinas liban na lamang ng malaman nilang naghiwalay na sila ng long time girlfriend na isang 'freelancer' agent.

Nang dumating ang Medical Team nina Arianne ay pinadala na niya si Manager Lazaro sa Medical Facility nila. Yes, may sarili silang facility para sa ganung klase ng mga pangyayari. Lalo na sa klase ng trabaho nila, hindi nila kailangang magkaproblema sa mga pulis at magreport sa mga ito. Lumabas siya sa opisina at ipinag-utos sa cleaning crew nila na linisin ang buong opisina. Dumerecho sa bar at kumuha ng wine para marelax siya. Tiningnan niya ang kabuuan ang lugar. It is a three floor building. Bawat floors nito ay may sariling bar. The first floor is for normal members of the club, second floor is for the VIP members at third floor ay para sa mga VVIP members or for private functions ng VVIP. Sa VVIP function room nandoon ang isang secret passage kung saan dadalhin sila sa isang underground rooms. Doon ginaganap ang mga ilegal na gawain at transaksyon ng ilang VVIP o VIP members ng LaSangre. Human Trafficking, Arm and Drug Deal at iba pang mga ilegal na gawain ay doon mo makikita. Hindi basta-basta nakakapasok ang mga tao doon kahit na VVIP members sila, they need an appointment or settlement of agreement from the owner na mismong may kontrol sa Black Market sa Pilipinas. Limitado lamang ang access nila dito kaya naman wala silang magawa kundi sundin ang boss ng LaSangre.

KRING!

KRING!

KRING!

Tunog ng cellphone ni A ang nagpabalik sa kanya sa huwisyo. "Yo," bati niya.

"Headquarters in an hour, may balita na sa Queen," turan ng kausap bago naputol ang tawag leaving her speechless.

Napailing na lamang siya. At naglabas ng one thousand bago inilagay sa counter at naglakad na palabas. Hindi na naman kailangang pagsabihan ang mga tao doon. Alam nila ang gagawin. Bukod pa doon may mga nakaatang na trabaho sa bawat isa kaya walang magaganap na gulo doon.

An hour later...

"So, ano na?" tanong ni A sa mga kasama. The Queen is currently

on a video call. "Kean went to LaSangre to find you. He's set on killing you," patuloy nito.

"Hayaan mo siya. Mas importante ang ipagagawa ko sa iyo. You know Pierre Montierri? I am set to get him to go back to US. Alam kong hindi siya sasama sa akin. So I'm giving this mission to you, all you have to do is to get him and bring him to the airport. Mula doon ay ako na ang bahala," wika ni Queen.

"Yes, Queen," wika ni A.

"I'll send you the other specifications later. You have to do it as soon as possible, okay?" The Queen said.

Tumango na lamang sila. Matapos noon ay nagreport pa sila ng mga nangyari at mga huling misyomg ginawa nila. Ganun lamang ang naging araw nila kapag gusto silang kausapin ng Queen. It is normal for them.

-----¤-----

Samantala sa isang bayan sa bansang Budapest. Nakaupo ang isang dalagang nakatapat sa Laptop. Kausap ang mga subordinates nito sa Pilipinas. It is the Queen. Matapos ang report ng mga ito ay tinapos na nito ang tawag.

"Queen," bati ng isa niyang subordinate.

"I told you to just call me by my name, right?" wika niya dito. "Hindi ka parte ng Elites para tawagin akong Queen," turan niya.

"I know but I like calling you Queen," ngisi nito.

"Valentine," she sighed.

"Cristine," balik nito.

Cristine is the Queen's name. Yun ang tawag sa kanya ng mga myembro ng Elites na tinatawag nilang "Freelancers". Sila ay gumagawa ng mga trabahong hindi kayang gawin ng gobyerno o kaya naman ay mga iligal na gawain, protecting them from harm. Yeah, they're neither good or bad. May limitasyon an pagiging masama at pagiging mabait nila. Anyway, whoever pays right can be the one who they can work with.

"May balita ka na ba kay Romanov?" tanong ni Cristine.

Tiningnan siya ni Valentine. Hindi alintana dito ang pagkadelikado ng sitwasyon sa halip ay tinulungan pa ang pinsan sa ina. Sa una ay aakalain mong kambal ang dalawa dahil magkamukhang-magkamukha ang mga ito. Pero magpinsan sila. Kambal ang kanilang ina. Identical Twins, making them almost identical. Mas bata lamang si Valentine ng dalawang taon kay Cristine.

"Still none, masyadong matinik ang taong yun but I'll still work on it," wika ni Valentine.

Tumango si Cristine. "Anyway, I'll have to go back to the Philippines to do some work. You should go back to Japan, Aunt Akiko might be worrying about you," she said.

Tiningnan ni Valentine ang pinsan. Looking for any emotion that could trigger her sadness but none. "Tine, aren't you thinking of going back to your family there?"

Blangko ang tingin ni Cristine sa pinsan. "I don't have a family, remember. So, wala akong babalikan. Isa pa, I know, I'm welcome to your family anytime," yun lamang ang sinabi nito at tumayo na sa inuupuan.

Valentine sighed. Naaawa siya sa pinsan dahil nagkaganito ito. Kahit sabihin nitong pamilya sila, ang totoo wala itong pinagkakatiwalaan pamilya. She's too cold hearted to feel anything for her family. Ang hiling lamang ni Valentine ay may taong mag-aahon kay Cristine sa kalungkutang bumabalot dito.

avataravatar
Next chapter