3 Chapter 3

     "Kelan ang alis mo?" tanong ko.

     "Sa isang araw babalik nako sa Calamba. Dun ako sa bahay namin magpapasko." sagot nya.

    "Teka bat parang matamlay ka? tanong nya. Hinipo nya ko sa leeg. "Nilalagnat ka?" tanong nya.

     "Oo pinilit ko lang ipasa ang course requirements ko saka gusto ko din makapag paalam sayo." pagtatapat ko sa kanya.

     "Sandali igagawa kita ng mainit na sabaw." aniya at nagumpisa na sya magluto. Pagkatapos ay sabay kami kumain. Madilim na noon.

     "Dito kana matulog tawagan ko nalang parents mo para malaman nila na safe ka baka kasi mapano kapa kung uuwe ka eh may lagnat kapa naman." sabi nya. Hindi nako tumutol dahil gusto ko din naman.

     "Dito kana matulog sa tabi ko, malamig kasi sa sahig." sabi nya at inayos nya ang latag ng kama sa studio type na boarding house.

Pagkahiga ko sa kama ay kumuha sya ng planggana na may maligamgam na tubig at pinahid nya sa katawan ko.

Magkatabi kami ng gabi na yun. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko parang gusto nang kumawala ng puso ko sa dibdib ko sa sobrang saya.

Mahigpit nya kong niyakap dahil sa nanginginig ako dahil sa lagnat. Nararamdaman ko ang hininga nya sa mukha ko at ang katawan nya sa higpit ng yakap hanggang sa nakatulog na kami pareho.

Kinabukasan pagmulat ng mata ko ay sya agad ang hinanap ko. Nakita ko syang nagluluto. Tanghali na pala noon ng tingnan ko ang relo napasarap ang tulog ko.

     "Kumusta pakiramdam mo?" nakangiti nyang tanong ng bumangon ako. "Maganda na pakiramdam ko, salamat sa pag aalaga mo sakin kagabi." nakangiti kong sagot.

     "Halika mag tanghalian na tayo para makauwi kana at baka iniintay kana ng magulang mo." at naghain sya sa maliit na lamesa. Sa sahig lang kami nakaupo dahil wala naman masyado gamit sa boarding house.

     "Babalik kapa ba dito sa San Pablo?" tanong ko habang nananang halian kami.

     "Baka hindi na tapos na kasi ako magsubstitute kay Mrs. Drilon. After Christmas vacation sya na ulit magtuturo sa inyo. Ni refer lang naman ako ng boyfriend ko na taga dito sa San Pablo kaya nakag turo ako sa inyo." sagot nya na nagpalungkot sakin.

     "Pwede bang bumalik ka after five years?"

     "Bakit naman?" nagtataka nyang tanong.

     "Gusto kitang ligawan." nahihiya kong sagot. "Sa panahon na yun nakapag tapos nako sa kolehiyo at may trabaho na, nasa tamang edad na din."

     "Thirty years old nako nun baka may asawa nako nun." sabi nya sabay tawa ng malakas.

     "Basta gusto pa din kitang makita."

     "Pag-iisipan ko." sagot nya.

Pagkatapos kumain hinatid nya ko sa gate palabas ng boarding house nya. Nakita ko sa mga mata nya na nalulungkot din naman sya.

     "Advanced Merry Christmas." sabi ko at pinilit ko ngumiti kahit gusto ko na umiyak.

     "Same here, babalik ako after 5 years ng ganitong buwan." sabi nya.

     "Iintayin kita." seryoso kong sagot at tumakbo nako papalayo sa kanya.

THE END.

avataravatar