2 Chapter 2

Habang naglalakad kami marami syang tinatanong sakin na hindi ko naman sinasagot ng mahusay.

"Salamat nga pala." nakangiting wika ni Ms. Luceda pagkapatong ko ng gamit sa lamesa nya. "Salamat saan?" walang galang kong tanong sa kanya. "Salamat sa pag attend mo sa klase ko." wika nya.

Napatingin ako sa kanya dun ko lang napansin na maganda pala sya.

Maganda din ang mga mata nya, di ko maintindihan ang feelings ko ngayon. Magmula noon naging magalang na ko sa kanya at nag-aral akong mabuti sa subject nya.

Isang sabado nakita ko sya sa supermarket meron syang ka holding hands. Ewan ko pero naiinis talaga ko.

Napaka swerte naman ng lalaking yon at nahahawakan ang mga kamay nya. Natagpuan ko nalang sarili ko na nasasaktan habang lihim silang pinapanood.

Nang mag lunes ay nagsimula na akong hindi pumasok sa subject nya. Hanggang sa ipatawag nya ulit ako.

"Hindi kana naman pumapasok dalawang quiz ang hindi mo na take dahil lagi kang wala, pano ka makaka graduate sa ginagawa mo?" sabi nya, alam kong naghihintay sya ng sagot ko pero hindi ako nagsalita. "Bibigyan kita ng course requirement para makabawi ka." inabot nya sakin ang isang papel kung saan nakasulat ang course requirement ko. "Kapag nai pasa mo yan sa December 19 pasado kana." sabi nya at umalis nako.

Minsan awasan noon sinundan ko sya, hindi naman pala gaanong malayo ang tinutuluyan nya sa school. Sa isang maliit na boarding house sya tumuloy. Atleast alam ko na ngayon kung saan sya matatagpuan.

Noong December 19 hindi ako pumasok kahit alam kong iyon na ang huling klase nya sa amin. Wala akong planong magpasa ng course requirement.

Akala ko ay kaya kong tiisin na hindi siya makita sa huling pagkakataon pero hindi pala.

December 20 pinuntahan ko sya sa boarding house nya. Hapon na noon. "Tuloy ka, inintay kita kahapon akala ko hindi mo na isa submit ang requirements mo." bati nya ng makita nya ko. "Pasensya na po Ms. Luceda." sabi ko. "Wala naman tayo sa campus kaya Arlene nalang." sabi nya. Pumasok kami sa salas.

avataravatar
Next chapter