1 Chapter 1

     Ang Social Studies IV ang boring boring talaga ng subject na ito.

Kapag nag didiscuss si Mrs. Drilon para akong pinagheheleng matulog.

Terror si Mrs. Drilon kaya na pwepwersa akong maki cooperate sa klase nya.

Isang araw hindi pumasok si Ma'am Drilon tuwang tuwa ako, hindi ko sya makikita ng araw na yon.

Nabalitaan nalang namin kinabukasan na naaksidente pala sya at kailangan magpahinga.

Medyo matatagalan pa bago sya bumalik sa kanyang pagtuturo.

Tatlong araw kaming walang teacher sa social studies.

Kaya tuwing time ng social studies pagala-gala ang mga kaklase ko, yung iba nag kwe-kwentuhan habang ako eh natutulog.

Tapos isang araw may isang babaeng pumasok sa classroom namin.

Nagpakilala sya na sya si Ms. Luceda. Sya daw ang pansamantalang hahalili kay Mrs. Drilon habang wala ito.

Inis na inis ako ng araw na yun. Alas tres ng hapon, nakakaantok, imbes na natutulog ako eh nakikinig ako sa pag lelecture ni Ms. Luceda.

Kinabukasan pinalabas nya ko dahil wala akong dalang libro ng social studies. Nang sumunod na araw sinadya kong hindi na umattend ng klase nya.

Hanggang sa mag-iisang linggo nakong hindi pumapasok sa subject nya. Tapos pinatawag nya ko.

     "De Guzman isang linggo kanang hindi umaattend sa klase ko ah, lagi kana lang nag ka cutting classes." sabi nya sakin, hindi ako umimik dahil wala naman akong tamang idadahilan.

"Ano ba ang ayaw mo? Ang subject mo o ako na teacher mo?" seryoso nyang tanong. Hindi ulit ako sumagot.

"Kung ayaw mo ng bumagsak sa Social Studies IV, umattend ka ng klase ko tutal hanggang December 19 mo lang akong makikita kaya pagtyagaan mo na. Sa isang buwan babalik na si Mrs. Drilon." pagpapatuloy ni Ms. Luceda at umalis nako.

Kakaiba ang teacher na yon. Concern padin sya sakin kahit obvious naman na ayoko sa kanya.

Kinabukasan pumasok ako sa subject nya. "Aba De Guzman, himala at pumasok kana sa klase ko." bati nya pagkapasok na pagkapasok ko palng ng classroom. Grabe tong teacher na to sa loob loob ko. Nagtataka pa ay sya naman nakiusap sakin kahapon na pumasok ako.

Isang umaga nakasalubong nya ko sa second floor ng school. Nagmamadali ako non kasi late nako sa first subject ko. Alas siete i-medya na ng umaga noon. "O bat late ka?" tanong ni Ma'am Luceda.

"Traffic kasi." sagot ko at nilampasan ko sya. "Traffic o na late ng gising?" wika ni ma'am ng nakatalikod nako.

Eh ano bang pakialam nya naisip ko eh hindi naman sya ang first subject ko para pagsabihan nya ko.

Kina hapunan pagkatapos ng klase nya samin inutusan nya ko na ipagdala sya ng gamit sa faculty. Sabay kaming naglakad patungo doon.

To be continued...

avataravatar
Next chapter