1 Unang Kabanata

Nakatayo ako ngayon sa labas ng opisina ni Mrs. Cruz para ipagbigay alam ditong tinatanggap ko na ang alok nitong sa kanila na ako pansamatalang titira habang nag-aaral ako.

Ngunit nagdadalawang isip akong kumatok dahil sa isang bigay, nagdadalawang isip akong gawin ang kapalit ng permisong binigay sa akin ng aking mga magulang.

Hindi ko kayang manloko ng taong pinagkakatiwalaan ako.

Ngunit ma nanaig ang pananais kong makalaya mula sa pangangalaga nila.

Tama ba itong gagawin ko?

Makakaya ko kayan-----

"Oh Yanelyn, kanina ka pa ba?" Nakangiting bati ni Mrs. Cruz.

"Kakarating ko lang po, tinawag kasi ako ng kaibigan ko kanina."

"Ganun ba?" aniya "Mga gamit mo na ba iyan?" Tanong nito sa bitbit kong bag.

"Ahh opo Mrs. Cruz, pumayag na po sila."

Lord, patawarin mo po ako.

At sana maka-graduate ako sa gagawin kong ito.

Iginaya niya ako sa kanyang sasakyan at umalis na kami sa paaralan. May tatlongpung minuto rin ang tinagal namin sa daan dahil medyo malayo ito.

"Paki-buksan muna ang gate. Wala kasi dyan ang mga anak ko ngayon." anito saka nilahad ang susi sa kanya.

"Mrs. Cruz saan ko po ito ilalagay?" Tukoy ko sa mga gamit niya nang makapasok kami sa garahe.

"Isunod mo na lang sakin." At naglakad na ito papasok ng bahay.

Wow! Pagpasok mo palang ay makikita mo na sa kaliwa ng pintuan ay ang isang cabinet na punong-puno ng mga sapatos at sa tapat ng bintana ay ang puting-puting piano. Sa harap naman ng pinto ay ang altar mismo ng bahay. Pagkanan naman namin ay nadaanan namin ang sala na may nakakaagaw pansin na TV flatscreen ang laki naman kasi! Nasulyapan ko rin ang kusina at wow talaga! May flatscreen din sa harap ng hapag!

"Ilagay mo na lang yan dito sa kama." Nakarating na pala kami sa kwarto ni Mrs. Cruz may dalawang kwarto kaming nadaanan, iyong isa mukhang sa anak niya at iyong isa, hindi ko alam kasi nakasara. "Doon na ka na muna sa isang kwarto. Wala naman ang anak ko bukas nalang natin ayusin ang magiging kwarto mo."

"Opo. Salamat po." Nakangiti kong pasasalamat sa kanya.

Pasado alas-kwatro nang magising ako actually ang babaw nga ng tulog ko dahil hindi ako makatulog ng maayos. Lumabas na ako at nagtungo sa kusina para ipaghanda ng almusal si Mrs. Cruz may out-of-town meeting kasi ito within one week.

"Good morning po Mrs. Cruz." Bati ko sa ginang.

"Just call me Tita, Yanie" sagot ng Ginang. "Hindi ka naman na iba sa amin." mahina nitong bulong

"Ano po yun?"

"Wala. Paki kuha na lang yun mina-rinade na manok at paki luto."

Pero may sinabi talaga siya bukod sa gusto niyang tawagin ko siyang Tita hindi ko lang masyadong naintindihan dahil sa sobrang hina ng pagkakasabi niya. Well mukhang wala nga siguro, kung anu-ano na lang naririnig ko.

Nakatapos na ako magluto at ihanda ang pagkaing dadalhin ni Tita Marry pero hanggang ngayon 'di pa rin siya lumalabas ng kwarto niya. Mga Pilipino nga naman, 'di ba uso ang on time sa kanila?

"Yanie ito ang susi sa katapat na kwarto. Linisin mo na lang ha? At iyong nga gamit i-organize mo ang paglalagay sa kahon. May mga kahon na rin dun, yun na lang ang gamitin mo."

"Okay po."

"Ito rin pala ang pang-allowance mo for the whole week." Nag abot ito ng dalawang libo. "May iniwan akong sketch kung paano ka makakapasok bukas nasa lamesa na at pati na rin ang susi ng bahay at gate. May kasama ka na rito mamaya dahil uuwi si Merry. Wala ka lang cellphone right? Pagbalik ko na lang ha? Hassle na kasi kung isinabay natin kagabi. Bye. Ingat ka rito."

"Ingat ka rin po Tita."

Ito ba ang gagawan ko ng masama? Parang ngayon pa lang ayoko na, sobrang bait kasi ni Tita Marry wala pa man din akong ginagawang hakbang para maisakatuparan ang plano ay nakokonsensya na agad ako.

Nang makaalis na si Tita ay agad kong isinara ang gate. Kailangan ko nang bilisan dahil any moment pwedeng dumating iyong anak niya.

Dapat ko bang i-report sa kanila na apat ang Tv flatscreen sa buong bahay? Na may isang two door refrigerator at dalawang mini ref? May kompletong DVD set? At isang kahong alahas?

Bago pa man din ako makapagdesisyon ay nag-vibrate na ang cellphone kong kahapon ko pa tinago para akalain ni Tita na wala na akong koneksyon sa pamilya ko at para magkaroon daw ako ng bago sabi nila.

"Hello?"

"BAKIT NGAYON MO LANG SINAGOT ANG TAWAG NAMIN SAYO HA?! BAKA NAKAKALIMUTAN MO ANG USAPAN NATIN MARIA YANELYN! SINASABI KO SAYO!"

"Pwede ho ba wag nyo kong bulyawan. Kayo itong nagsabing wag akong magpapakitang may cellphone ako kay Mrs. Cruz tapos ngayon nagrereklamo kayo?"

"ABA'T SUMASAGOT KA NA NGAYON! SIGURADUHIN MO LANG NA MAY MAPAPALA AKO SA PUNYETANG KALAYAANG HINIHINGI MO HA! HUWAG MO AKONG SUBUKAN MARIA YANELYN!"

Hindi na ako sumagot bagkus ay pintay ko na lamang ang tawag dahil puro naman sila pananakot. Mga walang hanggang pananakot. Aaaaarrrrgggggghhhhhhhhhhhhhhhhh! Nakakakakakkakakakakakakakakakakakakainissssssssssssssssssssssss.

Kundi lang tungkol sa kalayaan ko ang kapalit nito nungkang tutulungan ko sila sa balak nila nu. Hinding hindi ko sila tutulungan sa mga kasamaan nila. But it's about my freedom I don't have any choice but to grab it and succeed it no matter what it takes.

I have this feeling that I need to fulfill yet I don't have any idea on what things or who could complete the emptiness I've feeling.

"Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh" isang matinis na sigaw ang nagpabalikwas sakin sa pagkakahiga sa kwarto ko.

"Aaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko rin dahil may isang taong nakapasok sa loob ng bahay! King ina! Alan ko sinarado ko ng mabuti ang gate at ang pinto bago ako matulog! "Sino ka! Paano ka nakapasok dito!"

"Sino ako? teka ika-aw ang sino at anong GINAGAWA MO SA BAHAY NAMIN!"

Shing-ama naman! Ang lapit niya lang sakin pero kung makasigaw! Hmp.

"Ako si Yanie at kagabi pa ako rito." Ito na ata iyong sinasabi ni Tita na makakasama ko within one week habang wala siya. "So, you're Merry."

Tanging ungos lang ang nakuha kong sagot mula rito. Aba matindi si ate mo girl may attitude! Mukhang mahihirapan akong isagawa ang mga plano ko sa susunod na araw dahil para akong daga at iyong babaeng iyon ang pusa! Pusang gala.

"May pagkain na dyan. Kumain kana." Nakakainis talaga ang bruhang iyon! Siya na nga pinagluto siya pa ang may ganang artehan ako! Naku,

Kasalukuyan akong nasa sala ngayon at nagpapa antok dahil ang ate mo girl walang ginawa kundi ang bulabugin ang pagtulog ko! Aba ayaw makisama at tinodo pa ang pagpapatugtog ng player nito. Naku! Humanda ka sakin pag nagkaroon ako ng time magplano! Sasairin ko iyang kwarto mo. Kala mo ha?

Maaga akong nagising upang pumasok sa university. First year college na ako at kumukuha ng Elementary Educ. Inaaral ng mga magiging kagalang galang pero ang nag-aaral mukhang hindi magiging kagalang-galang kapag nalaman sa school lahat ng aktibidad ng aking pamilya.

"Yanelyn tapos mo na paperworks ipapasa kay Kalbo?" Tanong ng kaklase sa fieldstudy na si Rissa.

"Oo kagabi. Naipasa ko na kanina nung nakasalubong ko si Sir." nakangiti kong sagot sa kanya na siyang ikinasimagot naman nito. "Anong problema? ang mukha napangit, hahaha." natatawa kong puna dahil sigurado akong hindi pa niya tapos hanggang ngayon ang paper nito kahit binigyan kami ng isang buwan para matapos iyon.

Mabuti na lang nagbigay si Sir ng time para ma-finalize ng ibang hindi pa tapos ang papers nila. Laking pasasalamat ni Rissa sakin dahil kundi raw nagandagan si Sir Kalbo sa gawa ko hindi ito papayag ng extention sa oras ng klase, Rissa insist of calling Sir, Kalbo like that and being a good friend I'll support her if Sir wasnt around.

avataravatar
Next chapter