2 Ikalawang Kabanata

Abala ako sa pagpaplano ng gagawin nang biglang bumukas ang pinto ng kwartong tinutuluyan ko. Its her again. Merry sama ng ugali. Kung hindi ba naman impakta, walang ginawa kundi mambulog buti na lang walang nagreport ng kaingayan nito kagabi.

"Anong kailangan mo?"

"Anong ginagawa mo?"

Sabay naming tanong sa isa't-isa. Malabo talagang magkasundo kami ng babaeng ito.

"Wala ka na do'n. Anong kailangan mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Darating si Kuya mamaya. Maglinis at magluto ka na." Sagot nito at basta na lang tumalikod sakin. Bago lumabas ng kwarto inayos ko muna ang kama at mga gamit kong nakakalat. Hindi ko alam kung ano panglilinisin ko sa bahay dahil bago pa man ako magkulong sa kwarto naglinis na ako bago pa siya may masabi. Malinis naman at mukhang darating nga ang Kuya nito kaya hindi nagkalat.

"Bumili ka muna nito sa Plaza." Naniningkit na tumingin ako kay Merry at sa papel na hawak nito. Alak? Bakit nagpapabili ito ng alak?

"Alak? Seryoso ka rito?" Tanong ko pa.

Nakasimangot na sumagot ito. "Pinabibili yan ni Kuya. Bilisan mo na bago pa siya dumating."

Ano kayang meron sa Kuya nito at parang sinaniban ng kabaitan ang babaeng iyon? Hindi na nakasigaw o kahit nakasimangot. Malipas ang isang oras nakapagluto na ako't lahat wala pa rin ang Kuya ni Merry kaya naman lalabas na muna ako at mamasyal mukha namang kailaangan nila ng privacy kasi mukhang mag-iinuman silang magkakapatid. Kahit naman lumaki ako sa mga angkan ng magnanakaw ay marunong pa rin naman akong rumespeto ng kapwa at privacy ng taong nasa paligid ko kahit ito pa ang kinanaiisan ko.

Nakahanda na akong umalis at akmang bubuksan ko ang pinto ng makita ako ni Merry at siyang pagbukas ng pinto at pagpasok ng iisang lalaki, ito na siguro ang kuya niya. "Lalabas muna ako, nagawa ko naman na lahat ng inutos mo sakin, babalik ako bago mag alas otso ng gabi."

Kailangan kong makaalis sa bahay dahil baka rito dumiretso sila Mama para kausapin ako. "Pasesnsya na kong hindi ko agad nasabi kanina, mukha kasing may kasiyahan kayo mamaya kaya sa labas muna ako, sa may simbahan lang naman." dagdag ko pa.

"Bumalik ka bago mag 8 o'clock. Sige na kami na ang bahala rito." Buti pa itong kuya ni Merry sama mukhang mabait at tunay na mabait. Ano kayang pangalan niya? Napailing na lang ako sa naisip ko. Hindi ako maaaring magkagusto sa lalaking nanakawan ko ang pamilya. I dont want to experienced that fvck up situation.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdamn kng kaba nang magkabungguan ang aming mga braso, para akong napaso, parang sanay sa init na nagmumula sa kuya ni Merry. Pilit kong iwinawaksi ang spark na naramdaman at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Hawak ang dibdib na napasandal ako sa gate ng maisara ko ito, pamilyar ang pakiramdam pero hindi ko alam kung paano ito nagsimula o kung paano ito naging pamilyar gayong nasisigurado kong ngayon lamang kami nagkita.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong agad sakin ni Mama nang makalapit ako sa aming tagpuan. "Dumating kasi ang panganay na anak ni Mrs. Cruz, Ma." Hindi ko maaaring tawaging Tita si Mrs. Cruz sa harapan ng aking ina dahil ayokong may mangyaring masama sa huli. Kilala ko sila, they will make a way to erased the things and kill the people I love so I wont have anything to return to when hardship comes. Kagaya na lang ng ginawa nila kay ate, hindi ko maintindihan kung bakit parang ang dali dali lang sa kanilang patayin ang sarili nilang anak kung anak ba talaga kaming matatawag.

"I need to go now, Ma." Paalam ka sa aking ina bago ko siya tinalikuran at umuwi sa bahay.

Rinig na rinig ang ingay na nagmumula sa loob ng tahanan ni Tita Mary, dahan-dahan akong pumasok upang hindi sila maistorbo sa kanila ang pinag-uusapan. Base sa kanilang expression mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.

"She's not the woman yo---" Napahinto ako sa narinig ko kay Merry 'she's not the woman who? sinong woman tinutukoy niya?' hindi ko na anrinig ang karugtong dahil na rin sa lakas ng tugtog sa loob. Mukhang mapapalaban ako ng puyatan sa magkakapatid na ito.

"Nandito na po ako." pagbibigay alam ko sa kanila at tila nakakita sila ng multo. "Kanina ka pa dyan?" Tanong ng kuya ni Merry na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Kailangan ko ng makapagplano habang maaga pa, habang wala pa si Tita Marry, habang hindi pa ako nilalamon ng aking konsensya. Gumawa ako ng layout ng pasikot sikot sa bahay nang bumukas ang pinto ng aking silid.

"May kailangan ka po, Ate?" Tanong ko sa pangalawang anak ni Mrs. Cruz, si Charmaine.

"Can you quit this facade?" Kunot noong tinitigan ko siya, what facade she's talking to?

"Quit what, ate? being here po? uhm I'm sorry."

"We both know kung sino at ano ka. Bakit ka pa bumalik? Hindi pa ba sapat na---- " Ate Charmaine didn't finished what she has to say when Kuya Bart interrupt her. "I told you to stop Charm." Madiin ngunit nagpipigil na galit na sita ng huli sa kapatid.

"Teka nga lang po, bakit parang kilala nyo ako? Ngayon lang naman tayo nagkakilala pero base sa pananalita mo ate Charmaine, its seems you know me more than I thought."

"Magpahinga ka na Ly." Dumadagundong ang tibok ng puso ko sa itiniwag sakin ni Kuya. What the hell is that? bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa simpleng nickname sakin?

"Magpahinga ka na Ly."

"Magpahinga ka na Ly."

"Magpahinga ka na Ly."

"Magpahinga ka na Ly."

Pauilt-ulit na tumatakbo sa aking isipan ang huling sinabi ni Kuya Bart. Bakit ba familiar ng lahat ng sasabihin at sinasabi niya sakin? bakit pakiramdam ko higit kanino man kilala ako ng lalaking iyon? bakit pakiramdam ko may koneksyon ako sa kanila na hindi ko lang maalala. Sa paghahanap ng kasagutan sa isipan ay hindi ko na napansing malapit ng magbukang liwayway mukhang hindi na ako makakatulog dahil any minute ay babangon na ang kasama ko sa bahay at ibig sabihin ron niyon ay kailangan ko ng bumangon at maghanda ng agahan para sa lahat.

Sana lang nagkamali lang si Ate Charmaine sa sinabi nito kagabe dahil sa kalasingan at sana makalimutan ko na rin ang mga tanong na bumabagabag sakin mula sa nangyari kagabi. Sana.

avataravatar