webnovel

Chapter 2

Chapter 2

Kanina pa nakaalis ang sinasakyan kong bus. Kanina parin ako umiiyak. mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. halos di na ako makakita sa namamaga kong mga mata.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil ngayon palang, hindi pa ko masyadong nakakalayo nami-miss ko na sila.

"Dalawang libo nalang pera ko" lalo akong naiyak ng makita ko ang laman ng walet ko. Paano na ako nito. walang kasiguraduhan ang pag punta ko ng maynila. Hindi ko alam kong saan ako mag tatrabaho. Hindi ko alam ang pasikot sikot sa maynila. at hindi ko alam kung saan ako pupulutin nito. hindi ko alam kong saan ako mapapapad.

Sa pag iisip ko, lalong lumakas ang pag iyak ko.

Napatingin ako sa paligid ko, lahat sila nakatingin sa akin.

Tutulo na sana ang sipon ko. Kaso pinigilan ko. Kahit na ganito ako marunong parin naman ako mahiya.

Sa ngayon, Isa lang ang panalangin ko Kay papa God.

Sana hindi ako maligaw.

"Kasi naman eh. Bakit ba ang mahal mo?!" Kausap ko ngayon ang hawak kong ticket. Na iniingatan ko ngayon na wag mawala. dahil kawawa ako pag nawala pa ito.

Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng pambili nito.

"Miss ticket mo?" may lalaking nagsalita. at iniangat ko ang ulo ko para makita ko kung sino ang nag salita.

"Ayoko nga! Ang mahal ng bili ko dito tapos kukunin mo lang?! Wag na uyy!" Ang mahal ng bili ko dito tapos kukunin nya lang.

Kita mong nag dadrama pa ako dito dahil sa mahal na ticket nato.

Dahil dito ang laki tuloy ng nabawas na pera ko. kaya kailangan ko tong ingatan.

Sabi ni tatay marami daw manloloko sa maynila. karamihan sa mga naloloko lalo na ang mga probisyano na lumuwas ng maynila. kaya mag ingat daw ako.

Syempre sinusunod ko lang si tatay. Mahirap ng maloko no.

"Miss akin na yung ticket mo! bilis hindi lang ikaw ang pasahero dito!" Paki ko ba? Bakit sinabi ko bang ako lang ang pasahero dito?

Ayoko lang maloko no. Konti nalang pera ko. Hindi ko nga alam kong saan ako mapapadpad pag dating sa maynila eh.

"Bakit ka sumisigaw?! Inaano ba kita?bakit mo gustong kunin yung ticket ko? Budol budol ka no? hindi mo ako maloloko manong. Kaya umalis kana dito. Wala kang mahihita sa akin!" Sigaw ko rin sa kanyan. Kala nya sya lang marunong sumigaw. Heh sya!

Alam kong marami ng tao nakatingin sa amin pero wala na akong paki alam. Basta kailangan kong ipaglaban ang tiket ko. Hinding hindi ko to ibibigay kahit ano mang mangyare.

"Ugh!" Ginulo nya buhok nya. Kala nya hindi ko sya makikilalang budol budol ah. Akala nya lang yun.

"Ayaw mo talagang ibigay?" Mahinahon nyang sabi.

"A-YO-KO! " nginitian ko sya. Na nagsasabing panalo ako sa kanya.

Aba ngumiti rin si manong

"Pareng bert! Ihinto mo tong bus!" Sigaw ni manong kay manong bert sa unahan. Baka driver sya.

Biglang huminto yung bus.

"bakit huminto? Dito naba tayo? Maynila nato manong?" Tanung ko kay manong budol budol.

Tumingin ako sa bintana.

Maraming puno. maraming magsasaka at mga baka sa sakahan.

Alam ko pa to eh.

Dito naba yung maynila?

"Hindi pa to maynila miss. Pero dito ka na bababa! Kaya BABA!!" Sigaw ni manong na nakaturo yung kaliwang kamay sa pinto ng bus.

"Bakit ako bababa? Hindi pa naman to maynila eh. Ang laki ng bayad ko papuntang maynila tapos pabababain mo lang ako dito? Aba manong, kaya ko lang to lakarin mula sa terminal. tapos ang mahal ng ticket nato ? Sana nag lakad nalang ako kung dito lang ako bababa" Sabi ko kay manong budol budol.

Ginulo nya ulit ang buhok nya. Kala nya naman bagay sa kanya ang magulong buhok. Mukha lang syang tambay sa amin. tseh!

Pinaandar na ulit ni manong driver ang bus at umalis narin si manong budol budol. Siguro alam na nyang wala akong malaking pera.

kala nya madali ako maloko. iba ako boy! dont me! mautak to!

nakaramdam ako ng pamimigat ng mga mata ko. dahil siguro sa pag iyak ko kanina pa.

Malayo pa siguro ang byahe kaya matutulog muna ako. nakakapagod din palang umiyak.

Next chapter