webnovel

Mall

Dorothy's POV

Mas maganda na 'yun kesa wala at mapadali na rin ang sagot ko sa problema ko.

"First you need to choose some descent clothes!" sabi niya at tiningnan ako sa ulo muk---hanggang paa. Bakit? Ano bang descent eh descent naman ang suot ko! Nakasuot ako ng... ano ba tawag ditto? Ewan? Basta merong palawit tapos puro bulaklak tapos yung pang-paa naman eh, dahon?

Nung pumayag na kasi ako na model ba 'yun.. sabi niya tutulungan niya raw ako sa mga bagay na pang desente hindi inosente *pout* taong bundok daw ako eh! Taong immortal realm kaya ako! Tapos kanina niya pa tinatanong kung bakit walang ekspresyon ang mukha ko! Alangan namang sabihin kong pinarusahan ako! Duhh! Kaya ang sagot ko eh.. hindi ko kasi napag-aralan tapos tinawanan lang ako *pout*

"Tapos--- teka nga Dorothy, nakikinig ka ba?" biglang tanong niya.

"Ahh hind-ay oo naman.. teka ano ba 'yon?" taking tanong ko.

"Ay tanga! Sabi ko pupunta tayong mall at aayusan ka!" sabi niya at hinila ako sa walking closet! Ay bad! Huhuhu hinatak ako!

***

Ano ba 'tong suot ko? Sabi niya dress daw 'to na hanggang tuhod at tsaka pinasuot niya ko ng anong tawag duon? Flat hair ba 'yon?! Basta flat sa paa!

"Ano na Dorothy? Tapos ka na ba?" rinig kong tanong ni Karen sa baba kaya agad akong pumanhik at nakita ko siya parehas lang kami ng suot kaso pula sa kanya at puti sa akin.

"Saan ba tayo pupunta?" sabi ko sa kanya pero diretso pa rin ng labas.

"Saan pa ba edi sa mall! Let's go shopping!" excited na sabi niya at sumakay sa ano ba 'to? Bast ayung umaandar na mabilis na ewan!

***

-MALL-

Waahhhh! ANLAKI! Isa ito dun sa mga nakita kong mataas nung una kong punta dito sa lugar ng mga mortal! Ito siguro yung mall! LAKI!

"Halika dali!" huhuhu! Hinatak niya uli ako *pout* ina huhuhu away niya ko!

---

"Chacha! Baklita where na you?" nagsisigaw na hanap ni Karen sa isang ewan. Chacha raw? Pagkatapos niya kasing hatakin si ako. Dinala niya ko sa isang salon! Chacha's Salon ang basa ko eh pero feeling ko masama 'to! Ang bad ng feeling!

"Oy bakla ano gawa mo itey! Ang ingay mo day! Ay! Sino yang dala mo? Ay infairness ang ganda bakla ha!" sabi ng babaeng.. teka--- babae nga ba?

"Manahimik ka! Subject ko siya! Baka maging lalaki ka na! Teka may bibilhin lang ako! Ayusan mo siya ha!" bilin ni Karen sa bakla--- ay Chacha.

"Hoy hindi mangyayari at akin na 'tong tatapusin! Sige hahanap na ko ng space mo!"

***

"Ay infairness bakla! Ang ganda mo ah!" puri niya sa akin. Eh matagal naman na 'kong maganda 'no! Ngayon niya lang ba napansin? Pagtingin ko sa salamin, WOOOOHHH! Yung straight kong buhok nilagyan niya ng perm yung dulo. Nilagyan niya rin ng light pink na ewan yung labi ko at ng itim sa mata ko at, AHHH! Bumagay sa akin!

"Ako ba 'to?" nagtatakang tanong ko.

"Siyempre day 'no! Wala ng iba!"

Next chapter