webnovel

C H A P T E R 1

Napatakip ako sa mukha dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.

Bumangon na agad ako at nagsimulang mag ayos.

Naalala ko na ngayon pala ang unang pasok ko sa bagong school na pinaglipatan sakin ni Dyy. Ewan ko ba kung bakit pa kailangan lumipat pero okay lang naman kasi wala naman akong masyadong kaibigan sa dati kong school.

Pagkatapos kong makuntento sa itsura ko naisipan ko ng bumaba. Habang naglalakad ako pababa sa hagdan amoy ko na agad ang niluluto ni Dyy. Kami na lang kasi ang magkasama dahil matagal ng patay si mama. Nagiisang anak lang din ako.

"Goodmorning Dyy" Nakangiting bati ko ng makalapit ako sa kanya.

Ginawaran ko din siya ng halik sa pisngi.

"Goodmorning too Princess" Nakangiting sabi niya habang inaasikaso ang niluluto niya.

Ng matapos kami sa pagayos ng lamesa ay sabay na kaming umupo at nagsimulang kumain.

"Oo nga pala Dyy, wag mo na po pala akong ihatid sa school. Kaya ko naman na po yun hanapin may parang map naman na binigay samin nung nag orientation eh" sabi ko at sabay kuha ng hotdog dun sa plato.

" Okay Princess, ikaw ang bahala. Basta magiingat ka. Just call me if you need anything." He said then start eating again

I just nod to him then after we eat breakfast, I bid my goodbye to Dyy then gather my things and off to go.

Habang naglalakad papunta sa school, well malapit lang naman siya maybe ilang minutes na paglalakad lang. 10 to 15 minutes lang ata eh.

" Lamie ano ba, bilisan mo na nga jan. Malelate tayo sa pagong na lakad mo eh!" Napatingin ako sa kabilang kalsada ng sumigaw ang isang babae na hanggang leeg ang buhok at kulay yellow ito.

I find it wierd but the color of her hair suits her anyway.

Tiningnan ko naman ang babaeng sinisigawan niya. Mukha itong walang paki sa paligid at kahit naaasar na ang kasama niya ay mabagal pa rin itong naglalakad.

Matangkad ito at mahaba ang buhok na itim na itim at straight na straight na hanggang bewang niya.

Napangiti ako ng makitang hinihila na ito nung babaeng sumisigaw.

Nagulat ako ng tumingin sakin ang babae na tahimik lang. Tumango ito na para bang okay lang sa kanya na nakatingin ako sa kanila. Ngumiti na lang ako at nilipat na sa unahan ng dinaraanan ko ang aking pansin.

Nakatingin ako sa pangalan na nakalagay sa taas ng gate ng school.

HIGHNESS ACADEMY

Hmm, mukhang bigatin naman ata mga nagaaral dito. Nakatingin lang ako sa mga sasakyan na papasok sa may gilid ng gate. Meron din na mga studyante na naglalakad papasok dito malapit sa kinatatayuan ko.

Nakita ko din yung dalawang babae kanina na nagaasaran pa rin papasok.

Naisipan ko na din na sumunod sa mga estudyante. Pero hindi pala makakapasok agad ang mga mag aaral sa loob ng school.

Kailangan munang ipa scan sa machine ang ID mo para malaman kung talagang totoo na nagaaral ka don.

Mabuti na lang at siniguro ko na dala ko lahat ng kakailanganin sa school na to.

Pagkatapos ma scan ang ID ko ay may lumabas na papel sa baba ng machine. Ng tignan ko ito ay ito pala ang class schedule ko para sa semester na to.

Kung titingnan mo ay normal naman ang mga subject dito. Pero bakit kailangan may martial art na kasama sa schedule. Every Monday and Friday lang ang subject na to.

Hindi ko na pinansin yun at napagpasyahan ko ng hanapin ang opisina ng Tagapamahala ng Academy. Kinuha ko ang map sa bag ko na binigay ng orientation namin.

Sobrang lawak naman kasi ng school na to. Kung wala talagang map siguro ilang oras ang gugugulin mo sa paghahanap.

Sinundan ko lang ang nasa map at sobrang layo pala ng opisina na ito sa gate. Aabutin ka din talaga ng ilang minuto sa paglalakad.

Tiningnan ko at talaga nga naman na para itong mansyon.

Seryoso mansyon sa loob ng school. Sobrang rangya at mamahalin ang mga gamit sa labas palang ng mansyon.

Nakita ko ang isang guard na nakatayo sa may pinto. Agad ko naman itong nilapitan.

"Goodmorning po Kuya guard, pero dito po yung opisina ng dean? " Nakangiting tanong ko ng makalapit ako. Napangiwi ako ng hindi man lang ito ngumiti pabalik.

Syete yan. Nakapa cold naman ni Kuya.

"Nasa ika limang palapag ang opisina ng Head Master" Walang ka ngiti ngiti na sagot nito.

Grave naman si kuya anlamig naman ng pakikitungo sakin.

Nginitian ko na lang ito ulit.

"Sige Kuya, Salamat po Byebye" Nakangiting paalam ko dito.

Pagpasok ko sa mansyon ay maraming mga tao ang busy sa mga ginagawa nila. May isang babae na ang daming papel na dala at muntik pang mahulog ang nga dala nito.

Pero sobrang bilis ng kilos niya at agad na balanse ang mga dala niya. Woah galing naman nun. Bilis ng reflexes ni ate.

Walang pumapansin sakin kaya naisipan kong umakyat sa kung saang palapag nandun ang Head Master. Yun ata tawag nila hindi Dean o Principal. Ang cool ng dating.

Nakita ko naman agad kung saan ang elevator at pinindot ang number 5. Habang naghihintay akong makarating sa tamang palapag ay binabasa ko ng mabuti ang class schedule ko.

Bale ang course na kinuha ko ay BSBA major in Marketing. At ang first subject ko ay Business Marketing. Tatlong subject lang ang meron ako sa araw na to. Mamayang hapon pa ang dalawa at isa lang ngayong umaga.9:30 to 11:30.

Tiningnan ko ang relo sa kaliwang kamay ko at 9:00 na ng umaga. Tumunog ang elevator at bumukas na ito. Nasa ikalimang palapag na pala ako. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na.

Paglabas ko ay may isang mahaba na hallway. Naglakad na ako at maya maya pa ay may isang pinto lamang ang nandun. Ni wala ngang tao man lang sa labas kahit isa.

Kumatok ako ng tatlong beses.

"Come in" Sabi ng boses babae sa loob.

Binuksan ko naman ng dahan dahan ang pinto at pumasok na.

Nakita ko ang isang babae na mukhang hindi pa ganun katanda siguro mga 40's palang.

May isang lalaki din na nakaupo sa harap nito. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko kita ang mukha nito.

Estudyante ito dahil halata naman sa uniform na suot suot nito. Napabalik sa Head Master ang tingin ko at nakangiti ito sakin, kaya naman ngumiti ako pabalik.

"Come here Hija." Aya niya sakin kaya naman lumapit agad ako. Tinuro niya ang upuan na katabi ng lalaki kaya naman agad akong umupo doon.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko at muntik ng mahulog ang panga ko sa sobrang gwapo niya. Seryoso may ganito pala kagwapong nilalang na nabubuhay. Ohmygosh.

Napaigtad ako ng biglang bumaling siya paharap sakin. Nilipat ko agad ang tingin ko sa Head Master na nakangiti pa rin hanggang ngayon, pero mukhang iba ang klase ng pagkakangiti niya para siya nag jackpot sa lotto at halatang sobrang masaya siya. Para bang may napakagandang bagay ang nangyayari ngayon.

"We dont have anything to talk anymore. Im gonna go" Sobrang husky ng boses niya. Malamig na malambot sa pandinig. Meron bang ganon? ay ewan.

Tumayo naman ang Head Master at yumuko ng kaunti. Naguguluhan naman ako sa inakto niya. Bat may ganon?

Naguguluhan pa rin ako ng biglang tumayo na ang lalaki at napansin ko na nakatingin siya sakin kaya tiningnan ko din ito pabalik.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sobrang tagal na kung makatitig siya. Hindi ko alam kung tama ba pagkakabasa ko sa emosyon ng mata niya. Para siyang na aamuse sa akin.

Wala naman siyang sinabi at agad ng naglakad papaalis.

Nagtataka na lang na napatingin ako sa likod nito.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

ullyashiecreators' thoughts
Next chapter