1 Prologue

Nagising ako dahil sa nag ri-ring kong cellphone, 'di ko pinansin 'yon at nag taklob nalang ng kumot. Tumigil 'yon sa pag ring ngunit segundo lang ang lumipas at nag ring na ulit 'yon

Antok na antok pa 'ko kaya kinapa-kapa ko na lang ang paligid ko, may marinig akong nahulog pero 'di ako natinag malamang yung alarm 'yon, pero kakaiba! Di alarm yung gumigising sakin araw-araw! Tawag!

Nung makapa ko yung cellphone ko ay sinagot ko yung tawag at pinatong sa mukha ko, ang aga-aga naman kasi nakakabanas!

"Hello" antok na sabi ko

— Wow naman! Bedroom voice! Halatang di pa naliligo!

Rinig kong sabi ni Zach tumawag sya ng sobrang aga para lang sirain araw ko, piste! Agad-agad kong pinatay ang tawag at bumalik sa pag himbing pero sa kasamaang palad hindi ako tinigilan ng demonyo at tumawag ulit

"Ano nanaman! Yawa sabihin mo na lang!" Inis na sigaw ko

— We have a party to attend later, get ready

Rinig kong sabi ni Mom! Shit ang bobo! Kala ko si Zach na naman! Pero parang di naman nya pinansin kaya wala akong dapat ipag-lala?

Ugh kairita, party nanaman!? Tigil tigil, tumigil ka Adonis ang baduy! Para kang bakla!

Nababaliw na 'ko, umupo ako at sinapo ang noo ko saglet ano sabi ni Mom? Party later? Get ready? So ngayon na ko mag hahanda? Putangina

Tumayo ako at nag lakad papunta sa Closet, formal ba? Luxurious? Bwisit bahala na! kumuha ako ng Polo, jeans at syempre underwear bago pumunta sa CR.

Pag tapos maligo ay sinuot ko na ang damit ko, tumingin ako sa salamin at nakita ang napaka gwapo kong mukha, kahit ano talagang e-suot ko gwapo na talaga 'ko! Ngumiti at kumindat ako sa salamin bago kunin ang cellphone ko, nakita ko lamp sa sahig at yung alarm clock sa ibabaw ng cabinet, bobo yung lamp pala nahulog! Shit lagot ako kay Mom! Dali-dali kong kinuha yung lamp at binalik ito sa dating pwesto, sinubukan kong buksan pero hindi na bumubukas yung ilaw, baka napundi lang? Bahala ka 'dyan, bumaba ako ng hagdan at pumunta sa living room

Nakita ko sila manang na naglilinis na ngumiti agad ako nung tumingin sila sakin, para saan pa ang ka-gwapuhan kung hindi din naman pala gagamitin, 'di ba?

.

"Magandang umaga manang, sila Mom?" Tanong ko

"Ay umalis po sila sir, pero sabi ni Ma'am Heart susunduin ka na lang daw po nila mamayang alas-singko para sabay-sabay po kayo pupunta" sabi ni Manang

Piste! Mamaya pa pala eh! Tanginang yan! Nakasimangot akong pumunta sa kusina at kumain na lang, nag ring nanaman ang cellphone ko at dahil nadala ako kanina tiningnan ko yung caller I.D

Zachit sa ulo

"Oh? Ano nanaman?"

— Naka ligo ka na ba dude?

"Alangan"

— Share mo lang

"Gago nag tanong ka 'di ba!"

— Chill ka lang, palamig ka muna HAHAHAHAHA! punta ka dito sa mall ngayon na

"Baket? Papalibre nanaman kayo? Gago! Pass ako!"

— Tangek may pera din kami! Tingin mo samin! Sadyang nag titipid lang talaga!

"Ang sabihin mo naubos yang pera nyo kase kakapusta nyo kung sino mananalo sa ml!"

— Geez bro ez ka lang! HAHAHAHAHAHA! Pumunta ka nalang kung ayaw mong kaladkadin pa kita, eleven oc' lock

"Sa laki ng muscle kong to, baka ikaw makaladkad ko"

— Hangin-

Di ko na tinapos ang pagsasalita nya at pinatay ang tawag, 'buti na lang naka bihis na ako! Napaka advance ko talaga!

Kinuha ko yung wallet at shades ko bago lumabas ng kwarto, buti na lang casual 'tong suot ko! Sumakay ako ng sasakyan ko at nag drive papunta sa mall.

Nakita ko sila Zach sa may entrance ng mall, nag park muna ako sa parking lot bago lumapit sa kanila

"Oh, nandito na ang golden child!" Pang aasar ni Zach

"Mukha ba 'kong child?" Pabiro ko s'yang inuntok ko sya at tumawa bago kami pumasok ng mall at tumingin-tingin ng mga damit

"Oh? Ano walang punishment si Adonis? Nanuntok ah!" Sabi ni Pyke

"Tumigil ka dyan baka pabayadan ko sayo yung utang mo!" Pagbabanta ko

"Joke lang bro ito naman" sabi nya at nanahimik na lang

"Aj samahan mo nga 'ko may bibilin lang ako!" Sabi ni Calix, sumunod naman ako sa kanya ngunit napasimangot nung pumasok sya sa cosmetics shop

"Dude bakit dito? Babae ka na?" Natatawa kong tanong

"Gago, may bibilin lang akong regalo" pagtanggol nya sa sarili

"Regalo? May jowa ka na?" Tanong ko ulit

"Sira, para sa, sa nanay ko 'to! Puta ka" sabi nya at natawa naman ako, kumuha sya ng lips stick at kinuskos sa kamay nya?

"Baliw, sa bibig yan!" Onti nalang talaga mahihimatay na ko kakatawa

"Alam ko! Alangan namang ipahid ko to sa bibig ko! Tanga neto" galit na sya! HAHAHAHA! kumuha pa sya nung bote na may lamang kulay beige sa loob, alangan namang sa labas edi natapon 'yon

"Tangina ano na naman yan?" Tanong ko at kinuha sa kanya yung babasaging bote

"Foundation yan" sagot nya naman habang kinukuskos-kuskos yung sa gilid ng kamay nya

"Bakla amputa" sabi ko at binalik sa kanya yung bote habang tawang-tawa, kinaltukan nya naman ako at inis na naglakad papunta sa cashier

"Punishment bro" sabi ko

"Tumigil ka, ikaw nga nakakaligtas! Oh bayaran mo muna" sabi nya at inabot sakin yung mga kinuha nya, napasimangot naman ako at tumingin sa kaniya

"Gago ka, kaya pala sinama mo ko dito!" Inis na sigaw ko

"Bayaran mo na lang, sa susunod babayaran kita! May kasama pang chix" nang aasar na sabi nya, sinipa ko sya sa tuhod at binayaran na lang yung kinuha nya, di daw mag papa-libre anong tingin nila sakin ATM machine! Napaka laking scam amputa

Nauna na kong lumabas sa shop at hinanap sila Zach tumingin naman ako sa likod at nakita sa Calix na sumusunod sakin, napaka bait ko, ako na nag bayad concern pa ko sa kaibigan ko!

"Ayun sila oh" turo ni Calix sa isang shop, nakita ko sila Zach na nag babatuhan ng sapatos

Sira ulo talaga

-

Nasa party na kami ngayon nila Mom, nakangiti lang ako hanggang matapos ang event, tutal sanay naman na 'ko dahil only child lang ako, ako lagi ang sinasama nila Mom kapag may ganitong mga event.

Himiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame, nakangiti lang ako pero yung pagod ko sobra na! Pero ayos na din kase may mga Model 'don, mga chix!

Maya-maya lang ay naligo na ako at nag suot ng boxers pag tapos ay humiga na ako at nag ML na lang

"Retreat! Retreat!" Sigaw ko sa inis

Bwisit ang bo-bobo ng mga kakampi ko! Kesa mag paka-chill eh nainis lang ako! Di ko na tinapos dahil alam ko namang talo na kami! Base na yung inaatake! Kaya nanood nalang ako sa YouTube ng mga favorite vloggers ko

Kinabukasan ay ginising nanaman ako ng nag ri-ring ko na cellphone! Napatakip ako ng tenga ko dahil nasa tabi lang ng ulo ko yung cellphone kasi nakatulog ako kagabi

Tiningnan ko muna yung caller ID bago ko sagutin, syempre nga nadala na ako kahapon at nakahingin na din ng tawad kay Mom! Ayaw ko namang sabihin nya wala akong modo!

Cal cheese

Si Calix, sinagot ko yung tawag at pumikit na lang ulit. Bakit ba kasi kailangan sa umaga pa tumawag!

— Adonis dude!

Biglang sigaw nya, napa-busangot ako at inilayo ang ulo ko sa cellphone, bwisit! Umagang-umaga ang ingay!

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-prince'-princess_19072527206300305/prologue_51197425460766027 for visiting.

"Ano ba! Di mo kailangan sumigaw!"

— Ay, sorry naman! HAHAHAHAHA!

"Happy ka?"

— Happy sayo, yieee

"Bakla talaga"

— Gago, punta ka dito sa may San Martin! Inom tayo shake!

"Ayaw ko puta baka burautan nyo nanaman ako!"

— Ulol, may pera kami! Legit na to!

"Bayadan nyo muna ko!"paniningil ko

— Parang di naman best friend

"Anong oras?"

— mga Twelve!

"Twelve ko kayo sisingilin?" Pagbibiro ko

— Gago hindi! Twelve tayo mag ki-kita kita!

Tumawa na lang ako bago patayin yung tawag, kahit gaano ka-buraot yang mga yan importante sila sakin.

-

Nandito na naman ako, napapalibutan ng mga buraot at gunggong sanay naman na ko sa ganito eh, pero di ko tanggap! Ako lagi ang nabuburautan! 'di bale sana kung iba eh, pero hindi!

"Oh Aj baka naman e-libre mo kami ng shake" Sabi ni Calix

"Gago! May pera kayo 'di ba! Tangina netong mga to, makaalis na nga lang!" Sabi ko sabay tayo at akmang aalis na

"Hoy-"

"Hoy! Pinoy ako!" Pag putol ni Zach, kinaltukan ko naman sya pero dahil nga mabait ako, di ko nilaksan kaya di gano masakit

"Oh nangaltok! Punishment! Punishment!" Sigaw ni Pyke

"Ulol! Punishment pa nga" Napasapo ako ng noo ko dahil sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga to! Umupo na lang ako sa couch at tinignan sila ng masama

"Rules is Rules dude! Pag nanakit ka may punishment!" Sabi ni Adrian, alam kong di titigil 'tong nga to kaya pumayag na lang ako kahit labag sa loob ko!

"Ano bang punishment?" Tanong ko sa kanila, saktong tumunog yung bell senyas na may pumasok sa Shop

Yung ngiti ni Zach at Calix mala-demonyo, kaya kinabahan agad ako! Nag bulungan sila na para bang sang-ayon sipa sa isa't isa!

"Ayun dude" turo ni Zach 'don sa babaeng naka-upo mag isa sa couch

"Kausapin mo 'yan, makipag kaibigan ka, kulitin mo!" Sabi naman ni Calix, nag sigawan yung iba na para bang walang iba sa loob ng shop, nung sinaway sila nung guard doon lang sila tumahimik!

"Gago! Kayo kaya gumawa!" Sabi ko

"Hindi! Dude punishment mo yan! Nung una pinapalagpas ka namin! Pero di na ngayon!" Sabi ni Pyke, pinakita ko muna middle finger ko sa kanila bago pumunta doon sa table nung babae, nag dadalawang isip pa ako kaya tumingin ako doon sa table namin, nakita ko silang nag tatawanan! Bwisit, may araw din tong nga 'to sakin!

Umupo ako sa tabi ng babae at pinatong ang ulo ko sa kamay kong nasa lamesa, parang nagulat pa sya sa ginawa ko!

Susuntukin nya na sana ko pero hinawakan ko yung kamay nya! Maya-maya lang ay inalis nya ang kamay nya sa kamay ko at hinawakan ng mahigpit yung bag nya! Anong tingin nya sa'kin? Magnanakaw!?

"Hoy kalma, di kita nanakawan 'no! 'di naman ako masamang tao" Sabi ko sa kaniya!

Kita kong tinitignan nya ko na parang sinusuri nya ako! Alam ko namang gwapo ako, pero kailangan pa 'bang ipa-mukha sa akin 'yon?

"I don't care and I don't asked so leave me alone!" Sigaw niya, wow! Englishera!

"Grabe, gusto ko lang makipag makipag usap tas ganyan na reaction mo! tsaka wag ka ngang sumigaw dami ng nakatingin oh" sigaw ko sa kanya

"I don't care, I don't even know you" nakasimangot na sabi nya! HAHAHA! inis na!

"Sinabi ko bang kilala mo ko?"

Natatawang pambabara ko sa kanya

"N-no" nakasimangot pa din na sabi nya "I'm just stating the fact and I don't talk to strangers"

"Eh bakit nakikipag usap ka sakin ngayon? Englishera amp" umirap sya at natawa naman ako

"So what, it's none of your business anymore" gigil na sabi nya

"Di ka marunong mag tagalog?" Tanong ko, alam kong naiirita na sya pero wala akong paki! Ang sarap nya kasing asarin!

"I can! Just leave me alone" sigaw nya at biglang tumingin sa lamesa namin, nag tatawanan sila Adonis at vini-video naman kami ni Pyke! Bwisit

Hindi ako umalis at tumingin na lang ulit doon sa babae, tumingin din sya sakin at inirapan nanaman ako!

"Irap pa nga, wag ka umirap baka mamaya mahulog yang mata mo" pananalot ko sa kanya!

"Wow, Nakabingwit agad ng kayamanan sis!" May biglang nagsalita sa harap namin kaya tumingin ako doon

Babae din, at may hawak na order ng mga shake! Para sa kanilang dalawa lang yan? Ang dami naman, napabalik yung tingin ko doon sa babae nang mag salita ito

"Move" sabi nya

"Or else?" Pag hahamon ko

"Or else I'm going to twist your ear and bring you to your friends" matapang na sabi nya! So kaya pala tumingin sya sa table namin kanina! Napangiti pa tuloy ako lalo! Matalino!

"Move" pag ulit nya

"Dalin mo nalang ako sa mga kaibigan ko, I will be glad if you do" sabi ko na malakas ang loob at hindi natatakot sa pananalot nya, alam ko namang mahihina mga babae kaya wala lang saakin to!

"Hey lods- ano pala pangalan mo?" Tanong nung babaeng bigla nalang sumulpot

"Adonis, Adonis James San Diego" sagot ko

"Ah okay, Kung ako sayo bro shu shu ka na kung ayaw mo ma twist twist yang hear hear mo" Sabi nya na ikinatawa ko naman

Shu shu? Twist twist? Hear hear? Mga babae talaga ngayon oh!

"Let her then" matapang na sabi ko

"I gave you a chance, get ready it'll hurt a little" sabi nya at hinawakan ang tenga ko, hawak lang? 'di ba? Sabi ko sa na! Di sya malakas mamingo-

"Aray! Aray!" Sigaw ko ng bigla nya 'kong pingutin at kinaladkad hinawakan ko yung kamay yung kamay nya para sana tanggalin yun sa  tenga ko pero sinipa nya ko sa may-! Shit! Sobrang sakit!

May mga staff na lumapit saamin para sana pigilan 'tong babae! Pero...

"Hey don't worry, I know him and we're just having a little fun" ngumiti pa sya bago tunalikod! Know me? Little fun!? Putangina kanina nga halos sapakin nya na ko! Binato nya ako kay Adrian at sinabing

"Here, He asked for company and I just gave it to him"

゚.*・。゚。・*. ゚