1 Wanted Bride-To-Be...

Sa bulwagan ng kaharian ng Stonasia, makikita ang isang Prinsipe na nakikipagtalo sa kanyang amang Hari dahil pinipilit siyang ipakasal sa isang babae na hindi nya gusto. Ito ay si Crown Prince Alexander of Stonasia. Dalawamput-tatlong taong gulang at napaka-gwapo! Ngunit isang babaero! Kaya naman ganoon na lang ang kanyang pagtanggi na magpatali dahil hindi pa sya handang bitawan ang kanyang kalayaan.

"Kamahalan, wala naman pong ganyanan! Hindi po talaga kami pwede ni Lady Antella." Pilit na pagmamakaawa ng babaerong si Prince Alexander sa amang Hari.

"Kung inyong mamarapatin, hayaan nyong ako ang pumili ng aking mapapangasawa. Sinabi ko naman sa inyo at sa mahal na Reyna at ipinangako ko sa aking sarili na ang papakasalan ko lamang ay ang babaeng mahal ko, katulad mo pinakasalan mo ang inang Reyna dahil mahal mo." Sabay dugtong niya, nagbabakasakali na mabola ang mahal na hari at pagbigyan sya sa kanyang kahilingan.

Lalong naging desperado ang babaerong si Crown Prince Alexander ng marinig niya ang sagot ng Amang Hari ng Stonasia.

Hindi pa siya handang magpatali kahit na kanino pa man. At lalong hinding hindi sya patatali sa tomboy na si Lady Antella, magbibigti na muna sya bago ito mangyari.

"Mayroon kang isang linggo upang magdala ng kasintahan sa aking harapan. Kailangang ito ay aking maaprobahan at kung hindi ay magpapakasal ka kay Lady Antella. Nasa edad ka na upang magkaroon ng tagapagmana at iyan ay iyong gagawin at kung hindi..." Panakot na utos ng mahal na Hari.

Tumalikod sa asar si Prince Alexander para hindi makita ng amang hari kung gaano sya naapektuhan sa mga pangyayari.Ipinagpatuloy pa rin niya ang pagmamakaawa sa amang Hari.

"Ngunit kamahalan ... bata pa po ako upang magpakasal at isa pa hindi ko po mahal si Lady Antella. Pakiusap lang po! Bawiin mo ang iyong pag-uutos at hayaan mo muna akong tamasahin ko ang aking pagkabinata. Kapag handa na ako, ako mismo ang magdadala sa iyo ng isang pinakamagandang babae sa buong mundo na maaring sumunod na Reyna ng Stonasia. Pangako! "

"Hindi! Hindi ko na kayang tiisin pa ang iyong pamumuhay na isang pagkababaero. Dapat ka ng magpakasal, kung hindi ay tatangalan kita ng korona! Naiintindihan no ba?!" Sabay talikod ng mahal na Hari at umalis ng bulwagan.

Hindi namalayan ni Prince Alexander na wala na pala siyang kausap. Sige pa rin ang kanyang pagmamakaawa.

"Ngunit Kamahalan ... Ama !!!" Hindi natapos ni Crown Prince Alexander ang kanyang sasabihin niya, dahil ng humarap siya, nakita nya na umalis na pala ang mahal na Hari sa bulwagan.

"Sh*t! paano ba ito? mukhang seryoso yata ang mahal na hari, papaano ako makakalusot nito?" bulong nya sa sarili.

Hindi malaman ni Crown Prince Alexander kung ano ang kanyang gagawin. Atras abante habang nag-iisip ng paraan upang makalusot sa utos ng amang Hari. Nang wala talaga siyang maisip kahit anong gawin niya, tumingin siya sa kanyang alalay na si Pierre.

"Narinig mo ang iniutos ng mahal na Hari, halika at maghanap tayo ng babaeng maipapakilala sa mahal na hari na kasintahan ko. Kahit na sino pa ito o kahit saan pa siya nagmula, wala akong pakialam basta tigilan lang nila ako.

"Tara, umalis na tayo dito at simulan na natin maghanap. Walang mangyayari kung tatayo lang tayo dito" wika ni Prince Alexander kay Pierre habang nagsimula na siyang lumakad palabas ng palasyo.

Habang siya ay naglalakad palabas, ang gwapo niyang mukha ay nakasimangot. Nasa malayo ang kanyang isip dahil hindi niya alam kung saan at kung paano siya makakahanap ng kasintahan.

Si Peirre naman ay sunod sunuran lang sa likuran niya ng bigla na lang itong napatigil at sumigaw.

"Kamahalan, mayroon po akong isang ideya. Pagsasangguni ni Peirre.Bakit hindi tayo kumuha ng uupahang babae na maaaring magpanggap at gagawin mong pansamantalang kasintahan. Para magkaroon pa tayo ng oras at pansamantala kang tigilan ng mahal na Hari." sabi ni Pierre habang ang kanyang mga mata ay kumikislap sa kanyang iminungkahi.

"Hmmm, hindi iyon masamang ideya. Ngunit saan tayo dapat pumunta upang makahanap ng ganyang babae? Kailangan ay manggaling sa malayong lugar, iyong hindi madaling mapuntahan." Aniya ni Prinsipe Alexander.

"Bakit hindi tayo pumunta sa Asia maraming magagandang babae doon at malayo ito dito sa kaharian... Kailangan natin ay yung magaling magpanggap at isa pa ay matalino at maganda. Alam ko na! Pilipinas! Doon tayo pupunta!" Excited na iminungkahi ni Pierre.

===

Samantala, sa isang lugar sa Tondo Manila sa Pilipinas...

"Sigurado ka ba sa trabahong ito? alam mo naman na kailangan na kailangan ko ang pera at nag-iipon ako para sa pang-bayad ko sa kolehiyo. Malapit na ang pasukan, pero wala pa sa kalahati ang naiipon ko." wika ni Alexa sa pinsan nya na si Andrea.

"Of course naman! Kelan ba naman kita binigyan ng maling impormasyon. Dalian muna at baka mamaya eh' kumuha ng iba iyon. Perpektong perpekto pa naman ang trabahong ito para sa iyo maniwala ka sa akin. Basta pag dating mo doon, kung ano ang ipagawa sa iyo, wag kang tumangi. Naiintindihan mo ba?" tanong ni Andrea

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-president's-daughter-%5Btagalog%5D_16987037505033605/wanted-bride-to-be..._45599267091434794 for visiting.

Napatigil si Alexa sa ginagawa niyang pagbibihis, bago humarap siya sa pinsan. "Insan, wag kang mag-alala hinding hindi kita ipapahiya sa kontak mo. Kilala mo naman ako, basta pera at hindi masama ang aking gagawin, game ako. Kaya wag kang mag alala okay!"

Ngumiti lang si Andrea sabay tumayo at niyakap ang pinsan ng mahigpit. "Alam ko naman, kaya lang hindi ko maiwasan na hindi ka pagsabihan kasi VIP ang client na ito at alam mo na?"

"Oo na! VIP na! promise, gagawin ko ang lahat ng magagawa ko upang hindi ka magsisi na ibinigay mo ang trabaho na ito sa akin, imbes na ikaw ang pumunta. Salamat, insan!" kumawala si Alexa sa yakap ng pinsan at mabilis na tinapos ang pagbibihis upang maka alis na sya.

Ilang sandali pa ay handa na siyang umalis, yumakap muli siya kay Andrea bago.

"Wish me luck!" Sabay mabilis na umalis habang ang ganda ng ngiti sa kanyang mga labi...

Walang kaalam alam si Alexa na dito niya may isang pagkakamali sa impormasyon na ibinigay sa kanya ni Andrea. Ito ay malalaman niya pag dating niya sa hotel kung saan siya ay papunta na...

Next chapter