1 The History

Third Person P. O. V.

Isang napakaaliwalas na araw sa mundo ng mga taga other world ang buwan ng Agosto. Ang buwang ito ay ang araw ng tagsibol sa kanilang mundo.

Sa unang araw ng tagsibol ang mga puno, halaman at mga bulaklak ay nagniningning na tila bituin sa kalangitan.

Ngunit may isang agaw pansin sa lahat--ang puno ng kagandahan. Ang malagintong sanga nito ay nagniningning at ang mga dahon nito ay berdeng berde na kumikinang pa at ang iba ay nagkukulay rosas.

Ang punong ito ay isa sa matatandang bagay sa mundo. Mahigit sampunglibo na ang tanda nito. Nakatayo ang puno sa kaharian ng Gnomes nations--isang napakalawak na isla. Napakalaki ng puno na halos sakop nito ang malaking bahagi ng isla. Ang puno ding ito ang nagsisilbing kastilyo ng mga elves--namumuno sa nation.

Sa buong mundo may ibat-ibang nation na bumubuo. Fire nation, water nation, air nation at earth nation sila ang apat na pangunahing nation. Ngunit sa bawat nation ay hindi maiiwasan ang rebelyon. Kung kayat may mga nagtatag ng sarili nilang nation although kinikilala naman nila kung saang pangunahing nasyon sila nabibilang may iba nga lang namumuno sa kanilang lugar. Hindi din naman sila gumagawa ng mga bagay na ginagawa ng mga rebelde. Kaya lang sila tinawag na rebel nation ay dahil timiwalag sila at nagsarili.

Isa sa mga pinakamalakas na rebeldeng nation ang Gnomes nation. Mahigpit ang kanilang nation sa suguridad, walang pang taga ibang nation ang nakapasok sa kanilang teritoryo. Hindi sila nakikialam sa mga usaping pandaigdig. Malakas ang kanilang nation dahil naninirahan ang ibat-ibang uri ng mga elemento ng apoy, tubig, hangin at lupa. Gnomes lang ang tawag sa kanilang nation dahil gnomes ang nagtatag dito. Ang mga Gnomes nation ang nagrebelde sa pinakamalakas na nation sa buong daigdig--ang whiteland nation. Nagrebelde sila dahil sa kinasasangkutang kaguluhan ng Whiteland nation matagal na panahon na ang nakalipas.

Ang whiteland nation ang pinakamakas,pinakamaka-pangyarihang nation sa lahat. Sila din ang may pinakamalawak na teritoryong nasasakupan. Ngunit sila din ang may pinakamagulong nation sa lahat dahil maraming nagnanais mahangad ng kanilang nation. Maraming beses na itong nasangkot sa ibat-ibang klase ng digmaan at nananalo din naman sila dahil sa mga malakas na pinuno at itinakda samahan mo pa ng tulong sa mga ibat-ibang nation maliban sa Nation ng Gnomes na walang pakialam.

Samantal, ay may isang babaeng naglalaro sa isang malawak na kapatagan malapit sa kanilang palasyo ng White Kingdom. Ang batang babae ay nasa edad limang taong gulang.

Masaya syang tumatakbo habang hinahawakan ang mga ibat-ibang uri ng bulaklak. Ito ang araw na pinakahihintay ng bata dahil ito ang unang araw ng tagasibol at pagtubo ng mga bagong sibol na bulaklak.

Nang napagod na ang bata ay nagpahinga sya sa nag-iisang puno sa itaas ng bural. Sumilong sya sa puno at naupo sa malaking ugat nito.

Pinagmamasdan nya ang kapatagan mula sa kinauupuan nyang ugat ng puno sa may burol. Napakaganda ng tanawing pinagmamasdan nya. Mga bulaklak na nagkikisalapan dahil sa may mga patak ng tubig na bumabalot sa bawat bulaklak na nasisinagan pa ng bagong gising na araw. Samahan pa ng hangin na dinuduyan ito para tuloy silang nagsasayaw pati nga mga bagong tubong damo ay nakikisama rin.

Iniba naman nya ang direksyon ng kanyang mata patungo sa kanyang likod. Makikita naman nya doon ang napakagandang tanawin ng dalampasigan. Nakikita nya ito ng malinaw kahit nasa mahigit isang kilometro ang layo nito sa kanyang kinaroroonang burol. Kung sabagay may kataasan din ang burol na kanyang kinaroroonan. Napakaganda ng mala gintong buhangin sa dalampasigan nagkikislapan din ito dahil sa sinag ng araw. Ngunit sa lahat ng napakagandang kanyang nasilayan may iisa lang ang nakaagaw ng kanyang pansin--ang isla ng Gnomes

Mula sa kinaroroonan ng batamg babae tanaw nya ang isla kahit napakalayo nito at ang karagatang pumamagitna sa kanilang lugar mula sa isla ng Gnome.

Namamangha sya sa isla dahil sa napakalaking puno na malapit ng makaabot sa kalangitan. Well hindi naman sa kalangitan exaggerated din minsang mag-isip ang batang babae. Napapalibutan kasi ng ilangparte ang puno ng ibat-ibang hugis ng ulap kayat nasabi nya na abot ang taas ng puno ang kalangitan.

"Kailan kaya ako makakapunta dyan? " tanong ng bata sa sarili.

"Hindi tayo pwedeng makapunta dyan bunso hanggat walang pahintulot ng kanilang pinuno." Wika ng bagong dating na lalaki sa kanyang likuran sabay upo. Kasing edad nya lang ang batang babae.

"Kuya!! " malumanay na wika ng batang babae na may pagkagulat at pagkasabik sa kanyang tinig at expresyon.

"Nakakamangha ang lugar na iyon hindi ba?" Turan ng batang lalaki na nakaturo pa ang hintuturo nya sa Isla. Tumango tango lang ang batang babae sa kanya.

"Alam mu ba na dating sakop ng kaharian natin ang lugar na yan." Wika ng batang lalaki sa kapatid.

"Pero bakit sila nagsarili sa ating nation kuya?" Curious na tanong ng babae

"Ewan ko" sabay kibit balikat ng lalaki. "Pero maraming sabi-sabi na ayaw nila sa pamumuno natin, meron ding pag-aagawan ng teritoryo, meron din nagsasabi na nagsarili sila dahil ayaw nila ng gulo. Diko alam kung anong totoo basta ang alam ko wala pa akong alam. "

"Kuya naman eh! Kainis to kala ko kung ano na binibiro mo lang pala ako" medyo inis na wika ng bata.

"Just lighten the mood lil sis masyado kang seryoso" tawa tawang sambit ng kuya sabay tayo "tara na baka hinahanap na tayo nina mama"sabay lahad ng kamay sa kapatid. Tinanggap naman ito ng kapatid at tumayo na rin sa tulong ng kuya. Ngunit natigilan ang babae ng may naramdamang kakaiba.

"Teke kuya!!!"sabi ng babae na akmang tatalikod na ang kuya.

"Bakit?" Takang tanong naman nito sa kapatid.

"Nararamdaman mo ba iyon kuya?" Kinakabahamg tanong nito.

"Wala. Wag mo nalamang pansinin iyon baka gut..." Hindi na nya naituloy ang sasabihin ng biglang nagdilim ang kalangitan kasabay ng sunod sunud na pagkidlat mula sa kanilang palasyo. Bahagya pa silang napatalon dahil sa pagkagulat.

Nagkatinginan ang dalawa at tinignan nilang sabay ang kanilang palasyo. Kinilabutan ang dalawa dahil may isang parte ng kanilang palasyo ang pinalibutang ng itim at puting usok matapos ang pagkidlat.

"MAMA!!! PAPA!!! "Sabay na sigaw ng dalawa ar tumakbo patungo sa kanilang palasyo.

Sakabilang dako, sa palasyo ng white kingdom ay nagkalat ang mga patay na kawal at tagasilbi sa palasyo.

"Sino ka? Ipakita mo ang iyong anyo" kinakabahang tanong at utos ng reyna.

"Bwaaaaaaaahhhhh!!!!" Isang nakakatakot na halakhak ang bumalot sa buong palasyo mula sa usok.

Natigilan naman ang dalawang magkapatid dahil sa napahindik balhibong tawa mula sa kanilang palasyo.

Kinabahan naman ang hari at reyna dito kung kayat mas lalo pa nilang nilakasan ang puting awra na bumabalot sa kanilang katawan na nagsisilbi itong harang sa anu mang pag-atake.

"Nakakalungkot namang isipin na di na ako kilala ng hari't reyna ng whiteland kingdom hahahaha!!!" Wika ng usok na unti-unting nag-aanyong tao.

"Oh!! my!! god!! Xyperia?" wika ng reyna nagulat na gulat.

Nakakatakot ang anyo nito pati ang itim na awrang bumabalot dito. Kung nakakatakot ang anyong usok nito pwes mas nakakatakot ang anyong tao nito ngayon. Although maganda ito at may kaputian nakakaintimidate naman ang kasuotang pandigma nito samahan pa na itim na mga labi, Mahaba pero nakakatakot na pilikmata, itim na itim ang eye shadow nito na pumalibot pa sa buong mata nito nag mistulan tuloy eyebugs na tila hindi nakakatulog ng ilang buwan, nakakatakot din ang mga itim na itim na mata nito na nagliliyab na parang apoy itim na usok nga lang at ang nagispiral na sungay nito na akala mo unicorn baliw nga lang.

"Exactly!!! Hahahaha!!! The one and olny Xyperia your younger prettty sister hahahahaha!!!" Wika ni Xyperia.

"Ha? HINDI.. patay ka na patay kana pa-paanong buhay kapa? Naiiyak na wika ng reyna.

"Ako patay? hahahah satingin nyo ganon nalang kadaling mamatay ang isang Xypria hahahaha pwes nagkakamali kayo hahahahaha!!!" Tawa tawang sabi nya.

"Hindi ito maari!!"sigaw ng reyna sabay bato ng puting enerhiya patungo kay Xyperia. Ngunit bago pa man matamaan ng puting enerhiya si Xyperia ay tumigil ito at naging itim na enerhiya sabay balik nito sa reyna

Nagulat naman ang reyna ngunit nailagan naman nya ito. Tumama ang itim na enerhiya sa ibang bahagi ng palasyo kung saan sila naglalaban naglikha naman ito ng pagsabog at nasira ang parteng natamaan. Hindi lubos akalain ng reyna na ganon na kalakas si Xyperia at nagagawa na nya ng ganung kadali ang pag atake nya at ginawa pang doble ang lakas nito.

"O bat parang gulat na gulat kayo hindi bat naka..... Oh!!!!"

"Mama!! Papa!!naputol ang pagsasalita ni Xyperia dahil sa biglang pagdating ng dalawang bata.

"Looks like this gonna more exiting is'nt?" Wika nya sabay nakakalokong ngisi nya.

Maslalo namang kinabahan ang hari't reyna dahil sa pagdating ng kanilang dalawang anak.

"Mga anak anong ginagawa nyo dito. Umalis na kayo BILIS!!" Sigaw ng reyna sa mga anak.

"Ma, Pa, sino po sya?" Tanong ng batang babae imbes na umalis at sundin ang utos ng magulang.

Ewan ba nya kung bakit ayaw nyang umalis. Kahit pa natatakot sya sa babaeng kaharap nya ay lakas loob parin nya itong tinitigan. Tila kasi nakita nya na ito kung saan hindi nya lang malinaw. Kayat lakas loob nyang tinanong ang mama nya para makumpirma kung sya ba ito.

"BWAAAAAAAAAAHHHHHH" Isang napakalakas na tawa ang pinakawalan ni Xyperia mula sa kanyang bibig.

Akmang lalapit na ang hari para kunin ang mga anak nya ngunit naunahan sya ni Xyperia na biglang nag-anyong usok.

Pinalibutan ng usok na Xyperia ang dalawang bata at ilang sandali ay nag-anyong tao na si Xyperia na sakalsakal nya na ang dalawang bata.

"Bitiwan mo sila Xyperia. Please parang-awa mo na wag sila"pagmamakaawa ng hari at reyna sa kanya. Tinawan nalang ni Xyperia ang dalawa. Ngunit sa hindi nya inaasahan ang sunod na nangyari, hindi na nya napansin ang puting bolang enerhiya na nilikha ng batang lalaki. Ipinatama nya ito kay Xyperia, natamaan sya sa kanyang muka. Nabitawan nya ang lalaki dahil sa pagkabigla nahilo lang sya ng ilang sandali at nakabawi din agad. Agad naman na naglikha ng itim na enerhiya si Xyperia at ipinatama ito sa batang lalaki. Natamaan ito sa tyan, malakas iyong enerhiya na pinakawalan ni Xyperia dahil sa pinaghalong galit at inis mabuti nalamang at nakagawa ang batang lalaki ng puting harang na awra sa katawan kayat hindi namatay. Nagsuka ng maraming dugo ang batang lalaki sabay ng pagkawala ng malay nito. Agad namang nilapitan ng kanyang mga magulang ang bata upang gamutin. Ginamit ng reyna ang healing magic nya upang gamutin ang bata. Nababalutan ngayon ang bata ng puting kapangyarihang habang nagpapagaling.

Samantala tawa ng tawa naman iton si Xyperia habang pinagmamasdan ang walang malay na bata habang hawak hawak ang batang babae na kaninapa umiiyak dahil sa nangyari sa kanyang kuya na maaring mangyari rin sa kanya.

"Oh hi there little brat looks like your parent forgot you" nang-aasar na wika ni Xyperia sa bata. Dito na nilingon ang kani pang umiiyak na hari't reyna.

"Om my god.."gulat na wika ng reyna.

"ANAK" sigaw ng hari

"Bitawan mo sya Xyperia. Please. Ako na lang. Ako nalang ang saktan mo wag ang mga anak ko." Pagsusumamo ng reyna. Halos mabaliw na sya kanina sa nangyari sa anak na lalaki pero ngayon mababaliw na talaga sya at hindi nya alam ang gagawin. Halos madurog ang puso nya sa nakikitang paghihirap ng kanyang mga anak.

Biglang natigilan si Xyperia dahil sa isang malakas na enerhiya ang kanyang nararamdaman na paparating. Pamilyar ang napakalakas na enerhiyang ito sa kanya just like the old days when she was a kid.

"Bitawan mo ang apo ko Xyperia" isang nakakatakot at nakakapahindik balahibong boses ang umalingawngaw sa buong lugar ng labanan. Nabuhayan naman ng loob ang hari't reyna dahil sa pagdating ng tulong ng pinakamalakas na magic user sa daigdid--ang ama nila Xyperia at Reyna Isabelle.

Saglit namang natigilan si Xyperia dahil sa taong kararating palamang. Nakaramdam naman sya ng takok mula dito. Alam naman kasi nya na wala pa syang laban mula rito kung kayat binitawan nya ang bata.

Ngunit sadyang tuso itong si Xyperia bago pa makatakbo ang bata ay tinapakan na nya ang anino nito dahilan para hindi makagalaw ang bata. Muling namuhay ang kaba ng kanyang mga magulang dahil sa ginawa ni Xyperia sa kanya.

Gumawa si Xyperia ng napakalaking bolang itim na sing laki ng tripleng gulong ng ten wheeler truck. Para itong itim ne bersyon ng araw dahil pinapalibutan ito ng tila nagliliyab na raya nito.

Akmang ibabato nya ito pero natigilan sya dahil sa ginagawa ng reyna. She is now performing the old magic of defense and ofense. Ang lumang mahikang ito ay ang pinakamalakas na mahikang pananggalang o pamprotekta sa isang bagay o tao. Mahirap gawin ang mahikang ito at wala nang sinumang may alam kung paano ito gawin kahit pa ang kanilang ama. Kayat labis na pagtataka at pagkamangha ang nararamdaman ngayon ng kanilang ama kung bakit at kung paano nalaman ng anak ang ganitung uri ng mahika. Ngunit ang pagkamanghang nararamdaman nya kanina ay biglang naglaho dahil sa nabasang libro tungkol sa mahikang iyon na kailang isakriprisyo ang buhay ng sinumang magtatangkang gawin ang lumang mahikang iyon.

Taka namang pinagmasdan ni Xyperia ang reyna kung ano naman ang ginagawa nya dito. Bahagya syang nakaramdam ng kaba ngunit isinawalang bahala na nya lamang ito.

Hindi na sya nagdalawang isip na ibato ito sa bata. Natakot naman ang matandang lalaki na baka mapahamak ang kanyang apo kung hindi pa natapos ang gingawang ritual ng anak na reyna.

Ilang sandali pa lamang ay nagkaroon na nga matinding pagsabog na halos ikasira ng buong palasyo ng White Kingdom. Naramdaman naman ng buong mundo ang nangyaring pagsabog na kinatakot ng lahat dahil sa pagkawala ng matinding pwersa mula sa palasyo. Matapos ang pagsabog na iyon puros usok na lamang ang makikita. Nagawa namang protektahan ng matanda ang hari't reyna pati na ang anak nitong lalaki ngunit bigo syang protektahan ang apong babae dahil medyo malayo pa ito at umaasa syang baka magtagumpay ang kanyang anak na reyna sa ginagawang ritual ngunit nagkamali sya. Nang wala na ang usok ay makikita ang napakalaking pinsala na gawa ng matinding pwersang pinakawalan ni Xyperia.

Nakadapa naman ang matanda, ang hari at ang anak na lalaki na kagigising lang. Hirap nahirap na tumayo ang hari at ang matanda dahil sa lakas ng impact ng pagsabog kahit malakas pa ang harang na ginawa ng matanda.

Napaluha nalang sila dahil sa pagkawala ng kanilang dalawang pinakamamahal na babae sa pamilya. Pati ang batang lalaki ay nakisabay narin.

Halos magdalamhati ang lahat ng nilalang sa buong mundo dahil sa pagkawala ng kanilang nag-iisang pag-asa....

avataravatar