9 Chapter 9

Pagdating ni Daisy sa bahay ay naabutan niya ang kanyang ina sa salas.

" Galing dito si Francis kanina." Seryosong wika ng ina ni Daisy.

" Ano pong sabi?" tanong nya alam nyang alam na ng ina nya ang nangyari sa kanila.

" Hindi ko alam kung anong pinakain sayo ng canteen boy na yon para magkaganyan ka." Galit na wika ng mama nya.

" Mah wala kaming ginagawang masama ni Matt." Pagtatanggol ni Daisy sa sarili.

" Gusto ni Francis na magpakasal na kayo sa lalong madaling panahon." Wika ng mama nya.

" Anong sinagot mo mah?" kinakabahang tanong ni Daisy.

" Pumayag ako." kampanteng sagot ng mama nya.

" Bakit ka pumayag mah?" naiinis na tanong ni Daisy dahil hindi man lang sya tinanong ng mama nya kung handa na ba sya mag-asawa.

" Daisy nang magkasakit ang Papa mo nakiusap ako kay Francis na pahiramin ako ng malaking halaga pumayag sya kapalit ng titulo ng lupa natin. Inilihim ko sa inyong magkakapatid para hindi na kayo mag-alala. Hanggang sa namatay ang Papa mo hindi na natin nabawi ang titulo. Kung tutuusin pwede tayo palayasin ni Francis anytime dahil sa kanya na ang bahay at lupa natin. Isipin mo nalang kung hindi ka pumayag na magpakasal sa kanya baka sa kangkungan na tayo pulutin. Mag-isip ka Daisy si Francis ang kailangan ng pamilya natin, hindi sapat ang kinikita mo sa opisina para tustusan ang pangangailangan nating lahat, nagaaral pa si Fatima tapos ang kuya mo may pamilya na pero satin parin umaasa." Mahabang paliwanag ng ina. Hindi makapaniwala si Daisy sa narinig sa kanyang ina kung bakit gustong gusto nitong makasal sila ni Francis. Tinalikuran nalang ni Daisy ang kanyang ina at nagkulong sa kanyang kwarto. Nakatulugan na niya ang pag-iiyak.

Kinabukasan maaga syang ginising ng kanyang mama, nasa salas daw si Francis at gusto syang makausap. Naiinis man ay pinilit parin nyang harapin ang lalaki.

" Anong ginagawa mo dito?" naiinis nyang tanong kay Francis.

" Nakiusap ako kay kuya na ayusin ang kasal natin baka sa isang buwan matuloy na." seryosong wika ni Francis. Hindi na umimik si Daisy dahil ayaw nyang mapagusapan ang kasal. " Pasensya na biglaan yata ang naging desisyon ko, natatakot kasi ako na maagaw ka sakin." Dugtong pa ni Francis.

" Gusto mo ng kape?" pag-iiba ni Daisy sa usapan nila.

" Hindi na aalis din ako agad, marami pa akong aasikasuhin bukas ng alas siete ng umaga susunduin kita pupunta tayo ng Baguio para magkasarilinan tayo pagbalik natin gaganapin na ang engagement party natin." Wika ni Francis humalik ito sa pisngi ni Daisy at umalis na.

Kinahapunan inihanda na ni Daisy ang mga dadalhin nya patungong Baguio hindi sya excited pero naisip nyang mabuti na din yun tutal wala na din naman syang magagawa. Maya maya pa ay naisipan nyang tawagan si Ely ito lang kasi ang nakakagaanan nya ng loob maliban kay Matt. Ikinuwento nya ang mga nangyari at ang lahat ng nalaman nya sa mama nya.

" Hays paano na si Matt?" tanong ni Ely.

" Hindi ko alam, kung kelan naman na napatunayan kong mahal ko na si Matt saka naman nangyari to."

" Magpapakasal ka ba kay Francis?" seryosong tanong ni Ely.

" Wala akong choice malaki ang maitutulong ni Francis sa pamilya ko." praktikal na sagot ni Daisy.

" Yan tayo eh, pwede ba Daisy unahin mo muna ang sarili mong kapakanan hindi yang puro nalang pamilya mo." Naiinis na wika ni Ely. Naisubsob nalang ni Daisy ang mukha sa kanyang mga palad habang hindi na mapagilang umiyak, naiinis sya sa sitwasyon nya.

To be continued...

avataravatar
Next chapter