8 Chapter 8

Kinabukasan sinadya ni Daisy na daanan si Matt sa canteen, pakiramdam nya kasi ay gumagaan ang pakiramdam nya pag nakikita nya ito, hinanap nya ito sa isang babae doon.

" Naku miss kakaalis lang po nya. Hindi nyo po ba nabalitaan pinatanggal po sya ni Sir Francis dito." Wika ng babae. Nagulat naman si Daisy nagmamadali syang umalis at agad pumunta sa opisina ni Francis, naabutan nya itong nakaupo.

" Honey napadalaw ka." Bati ni Francis ng makita sya.

" Bakit mo pinatanggal si Mr. Pagdanganan?" galit na tanong ni Daisy.

" Honey wag naman masyadong mainit ang ulo mo." Pang-uuto ni Francis at lumapit ito sa nobya.

" Sagutin mo ang tinatanong ko." pagmamatigas ni Daisy.

" Let's just say na hindi ako nag-aalaga ng palakihing ahas sa kumpanya ko." sagot ni Francis at tinitigan ang dalaga.

" What are you talking about?" kinakabahang tanong ni Daisy.

" Akala mo ba hindi ko alam, pinupuntahan mo sa canteen ang lalaking yun at lumalabas pa kayo. Bakit hindi mo aminin ngayon na pinagsasabay mo kami!" sigaw ni Francis sa mukha nya.

" Hindi totoo yan. Magkaibigan lang kami."

" Wag mo akong paikutin Daisy!"

" Maniwala ka sakin Francis wala kaming relasyon ni Matt."

" I can't imagine my girlfriend having an affair with that canteen boy. Ganun na ba ako katanga para gaguhin mo?" galit na tanong ni Francis tumulo nalang ang mga luha ni Daisy kahit anong paliwanag nya ay hindi sya pinakikinggan ni Francis.

" Please Daisy iwanan mo na muna ako bago pa may mangyaring masama dito." Pakiusap ni Francis at umalis na si Daisy. Pinagtitinginan si Daisy ng mga ka opisina nya dahil hindi nya mapigilan ang pagtulo ng luha nya kaya nag desisyon sya na maghalf day nalang. Hindi sya makauwi sa kanila dahil ayaw nyang makita ng nanay nya ang itsura nya hindi nya pa handing sabihin dito ang nangyari sa kanila ni Francis dahil alam nya na mapapagalitan sya, botong boto kasi ang nanay nya kay Francis. Walang siyang ibang malalapitan kaya napagpasyahan niyang puntahan si Matt sa bahay nito. Natagpuan ni Daisy ang binata na nakaupo sa ilalim ng puno ng santol at mukhang malalim ang iniisip nito.

" Pasensya na." wika ni Daisy at naupo ito sa tabi ni Matt.

" Pasensya saan?" tanong ni Matt.

" Natanggal ka sa trabaho dahil sa akin." Nalulungkot na sagot ni Daisy.

" Part time job ko lang naman yun at saka wala akong pinagsisihan Daisy." Wika ni Matt. Tinanong ni Matt kung ano ang nangyari sa dalaga, maaga kasi itong umaawas at saka napansin nya na pugto ang mata nito. Kinuwento naman ni Daisy ang pagtatalo nila ni Francis.

" Ikaw ba Daisy may pagtingin ka din ba sa akin?" tahasang tanong ni Matt at hindi naman makasagot si Daisy.

" Siguro." Mahinang sagot ni Daisy matapos ang ilang minutong katahimikan.

" Kung ganon hindi ka sigurado sa nararamdaman mo sakin." Wika ni Matt.

" Ewan ko." sagot ni Daisy.

" Daisy mangako ka na hindi pa ito ang huli nating pagkikita."

" Pangako." Wika ni Daisy at tinaas nito ang kanang kamay. Nang magpaalam na umuwi si Daisy ay gusto pa sana itong ihatid ni Matt pero tumanggi na ang dalaga.

avataravatar
Next chapter