7 Chapter 7

Kinabukasan sinadya ni Daisy na daanan si Matt sa canteen.

" Anong order mo?" seryosong tanong ni Matt.

" Hindi ako oorder tatanong ko lang kung anong oras ang labas mo?" tanong ni Daisy.

" Alas singko pwede nakong umuwi."

" Kung ganon intayin moko umawas, pwede mo bakong ipagluto ng specialty na sinasabi mo?"

" Ofcourse." Natutuwang sagot ni Matt.

Katulad ng napag usapan inintay ni Matt si Daisy. Pumunta sila sa grocery pagkaawas para bumili ng ingredients sa recipe ni Matt. Sa bahay ni Matt sila tumungo para magluto.

" Pasensya kana sa bahay ko medyo luma na at madumi pa, medyo busy kasi ako kaya hindi ko na naaayos." Nahihiyang wika ni Matt ng pumasok sila sa loob.

" Okay lang nasaan nga pala ang parents mo?" tanong ni Daisy.

" Wala na akong parents. Mag-isa lang akong anak. Bata pako ng namatay si Mama tapos si Papa naman two years ago namatay na din kaya mag-isa lang ako sa bahay."

" Ganon ba sorry ha?" wika ni Daisy naawa sya sa binata dahil ulila na pala ito. Tiningnan nya ang mga family pictures sa salas. Yung iba ay nung baby pa si Matt buhat sya ng nanay nya habang nakaakbay ang tatay nya sa nanay nya at yung iba naman ay nung lumalaki na ito dalawa nalang sila ng tatay nya sa picture.

" Napansin ko lang masyado atang malawak tong lupain nyo." Wika ni Daisy lumabas kasi sya habang nagluluto si Matt at nakita nya na sobrang lawak ng bakuran nito.

" Namana kasi to ni Papa sa magulang nya. May Kapatid pa si Papa kaso matandang dalaga naman, sa Batangas na nakatira. Kaya ako na namamahala dito." Sagot ni Matt.

" Teka Daisy bakit mo ba ginagawa to? May boyfriend ka pero sumasama ka sakin kahit na alam mo na gusto kita." Seryosong wika ni Matt.

" Binibigyan ko lang ng pagkakataon ang sarili ko na kilalanin ka." Paliwanag ni Daisy.

" Okay let me introduce myself. Ako si Matthew Pagdanganan twenty seven years old, anak ni Josie at Arthur Pagdanganan. Dati akong cook sa Kaimo Restaurant nagresign ako dahil madami pako gusto matutunan. Nag invest ako sa catering services at event coordinator din ako, nag sideline ako sa canteen ng company nyo para kapag free time ko may ginagawa ako." Pagpapakilala ni Matt.

" Alam mo nakakatuwa ka napaka honest mo, sinasabi mo talaga kung ano nasa isip mo." Wika ni Daisy sa binata habang pinapa nood ito magluto.

" Ganito talaga ako hindi ako nahihiya kung ano ako at totoo lahat sinasabi ko." paliwanag ni Matt. " May gusto ka bang malaman?" tanong nito.

" Ang nilalaman ng puso mo." Nahihiyang sagot ni Daisy.

" Tumingin ka nga sa mga mata ko. Sa tingin mo ba nagsisisnungaling ako? Hindi ko sinasadyang mahalin ka at wala nakong pakialam kung may boyfriend ka na." wika ni Matt. Niyakap ni Matt ang dalaga naawa sya sa dalaga dahil alam nyang naguguluhan ito sa nararamdaman nya ngayon. Hindi maintindihan ni Daisy ang nararamdaman nya ngayon feeling nya ay nasa tamang tao sa sya ng oras na yon. Parang ayaw na nya kumalas sa pagkakayakap ni Matt. Pagkatapos noon ay kumain na ang dalawa, nagustuhan ni Daisy ang specialty ni Matt nag-uwi pa nga ang dalaga. Hinatid pauwi ni Matt ang dalaga.

To be continued....

avataravatar
Next chapter