6 Chapter 6

" Saan galing ang future wife ko?" tanong ni Francis ng pumasok sya sa loob ng bahay. Laking gulat ni Daisy ng makita ito, hindi nya inaasahan na nasa bahay nila ito. Lumapit si Francis at humalik sa noo ng babae, parang nairita si Daisy ng tinawag sya nitong future wife.

" Nag dinner kami ni Ely." Pagsisinungaling nya.

" Kanino galing ang white roses na bitbit mo?" tanong muli ni Francis.

" Binili ko, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Daisy, ngayon lang nya naalaala na may hawak nga pala syang bulaklak, kumuha sya ng vase at inilagay doon ang bulaklak at dinala nya yun sa kusina habang nakasunod sa kanya si Francis.

" Bumili ako ng pagkain para makapag dinner tayo ng family mo kaso kumain kana pala." Pagtatampo ng binata.

" Kumain na kayo." Sabi ni Daisy at inilabas isa isa ang mga dalang pagkain ni Francis at isa isang isinalin sa lagayan.

" Im sorry honey, galit kapa ba sakin? I miss you." Pagsusumamo ni Francis at yumakap ito sa kanya. Hindi maintindihan ni Daisy, kung dati ay kinikilig sya kay Francis bakit parang naiirita na sya sa presensya nito. Naiisip nya ang sinabi sa kanya ni Matt kanina at naguguluhan na sya ngayon. Tinawag na ni Daisy ang pamilya nya para kumain, sya naman ay hindi na kumain dahil busog na siya at wala talaga syang gana. Nang nagpaalam si Francis para umuwi ay agad syang umakyat sa kwarto nya para magpahinga.

Kinabukasan ay kinausap ni Daisy si Ely, simula kasi ng maging empleyada sya sa company na yon ay si Ely na ang naging taga payo nya at sabihan ng mga problema.

" Gusto mo ba si Matt? Mahal mo pa ba si Sir Francis?" tanong ni Ely matapos magkwento ni Daisy.

" Hindi ko na alam, nahuhulog na ata ang loob ko kay Matt. Bago palang kaming magkakilala pero parang sa kanya ko nakikita ang lahat ng katangian na hinahanap ko kay Francis." Sabi ni Daisy.

" Makikipag break kana kay Sir Francis?" tanong muli ni Ely.

" Parang hindi ko kaya, minahal ko si Francis ng apat na taon at nanghihinayang akong i give-up ang relasyon namin." Wika ni Daisy.

" Pero kailangan mo pumili between the two of them."

" Inaamin ko hindi na ko masaya kay Francis pero hindi ko pa masyadong kilala si Matt baka magsisi ako sa huli."

" Alam ko na, ang mabuting gawin mo ay kilalanin mo muna si Matt tapos saka ka mamili sa kanilang dalawa." Payo ni Ely.

" Kung kanino ka masaya dun ako." Dugtong pa ni Ely at yumakap sa kaibigan.

To be continued...

avataravatar
Next chapter