5 Chapter 5

Kinabukasan pagpasok ng dalaga ay may white roses sa cubicle office nya. Kaagad naisip ni Daisy na si Francis ang naglagay ng flowers, baka peace offering sa kanya ng boyfriend nya. Kaagad niyang binuksan ang card. Ito ang nilalaman ng card.

Daisy,

Magkita tayo sa Kaimo Restaurant mamayang six ng gabi. Iintayin kita. Salamat.

Walang lagda kung sino ang nagpadala pero naniniwala si Daisy na kay Francis galing ang card. Pagkaawas sa trabaho ay excited si Daisy na pumunta sa Kaimo Restaurant bitbit pa niya ang flowers na parang kinikilig pa din. Nagulat siya ng nakita nya si Matt nakatayo ito sa may veranda ng restaurant. Naka long sleeves si Matt at mukhang fresh na fresh. Poise na poise na umakyat si Daisy sa kinaroroonan ni Matt. Para syang isang prinsesang tinatahak ang daan patungo sa hindi kilalang nilalang.

" Akala ko hindi kana darating." Nakangiting bati sa kanya ni Matt.

" Ikaw pala ang nagpadala ng white roses?" wika ni Daisy.

" Oo pasensya kana, sinadya kong hindi magpakilala."

" Lagi mo nalang ako sinusupresa."

" Halika maupo na tayo?" aya ni Matt. Walang ibang tao sa taas ng restaurant maliban sa kanilang dalawa.

" Bakit dito pa? Mahal ang pagkain dito diba?" tanong ni Daisy.

" Treat ko naman eh."

" Kahit na, baka maubos na sweldo mo kaka treat mo sakin." Pag-aalala ni Daisy sa binata.

" Don't worry dati akong cook dito kaya may discount ako." Sagot ni Matt.

" Talaga? Eh di magaling ka pala magluto?"

" Minsan sumama ka sakin pagluluto kita ng Linguini Seafood in Marinara Sauce, specialty ko yon." Pagmamalaki ni Matt sa dalaga.

" Oo ba chef." Biro ni Daisy kay Matt at nagtawanan ang dalawa.

" Para saan nga pala ang dinner na to?" Tanong ni Daisy ng kumakain na sila.

" Naisip ko lang, siguro ang boring maging girlfriend ni Sir Francis."

" Paano mo nasabi?"

" Seryosong tao si Sir Francis, madali syang magalit at masyadong sensitibo."

" Wala kang karapatang sabihan sya ng ganyan." Mataray na sagot ni Daisy.

" Bakit hindi mo aminin na mahirap syang mahalin, hindi kayo bagay." Prangkang sabi ni Matt nasaktan si Daisy sa sinabi ng kausap kaya nasampal nya ito.

" I'm sorry nabigla lang ako." Wika ni Daisy at tumulo na ang luha nito.

" I'm sorry din." Wika ni Matt.

" Ano ba talagang gusto mo mangyari?" tanong ni Daisy.

" Gusto ko lang sabihin na kung napapagod kana sa kanya andito lang naman ako." Wika ni Matt at nag-aya na itong umalis. Inihatid nya si Daisy sa bahay nito at agad na ding umalis.

To be continued....

avataravatar
Next chapter