4 Chapter 4

Nang magising si Daisy ay nasa bahay na siya, naandun ang kapatid niya.

" Anong nangyari?" tanong ni Daisy sa kapatid niya.

" Lasing na lasing ka kagabi ate."

" Ha? Pano ako nakauwi?"

" Inihatid ka ni Kuya Francis ate tapos umalis din agad sya." Kwento ni Fatima.

" Si Francis ang naghatid sakin? Sigurado ka ba?" nagtatakang tanong ni Daisy.

" Oo ate sya nga."

Tanghali na ng magising sya buti nalang at wala silang pasok. Gusto nyang tanungin si Matt kung ano nangyari pero wala syang contact nito hindi naman nya mai tanong kay Francis dahil baka mapagalitan pa sya nito at saka masama pa din loob nya dahil pinabayaan sya nito sa party.

Nang mag lunes na, pagkadating nya sa kumpanya si Matt agad ang hinanap nya sa canteen pero hindi nya ito makita.

" Ah miss nasaan si Matt?" tanong nya sa counter sa canteen.

" Si Mr. Matthew Pagdanganan po ba? May event po sya kaya wala ngayon." Sagot ng cashier.

" Ganun ba sya salamat nalang." Hindi maintindihan ni Daisy kung bakit bigla syang nalungkot ng hindi makita ang binata. Si Francis ay hindi din nya nakita ng araw na yun marahil ay busy sa mga meetings nya saka sanay naman siya na hindi ito nakikita kahit iisang company lang sila. Five thirty ng hapon ng lumabas sya sa opisina pauwi na sya noon, laking gulat nya ng matanawan nya si Matt sa labas.

" Oh Matt anong ginagawa mo dito, sabi nila nasa event ka daw." Tanong niya.

" Tapos na yung event ko kaya naisip kong puntahan ka." Nakangiting sagot ni Matt. " Kain tayo, treat ko." aya ni Matt sa isang burger house sila tumuloy.

" Matt ano nga palang nangyari sa party nung isang gabi?" nahihiyang tanong ni Daisy.

" Lasing na lasing ka, tapos sinabi mo na nasusuka ka kaya sinamahan kita sa restroom, pagkatapos mong sumuka yumakap ka sakin." Seryosong kwento ni Matt.

" Talaga? Niyakap kita?" tanong ni Daisy na namumula na sa sobrang kahihiyan.

" Oo niyakap mo ko tapos sabi mo nahihilo kana kaya binuhat na kita. Inihiga kita dun sa bench sa garden tapos sinabi ko sa guard na hanapin si Sir Francis kasi sobrang lasing kana. Iniwan na kita ng nakita kong parating na si Sir Francis." Kwento ni Matt.

" Sorry ha naabala tuloy kita ng gabing yun."

" Ayos lang sakin yun."

" First time ko lang maglasing ganun pa nangyari, nakakahiya tuloy sayo."

" Kalimutan mo na yon, kumain na tayo naaamoy ko na ang burger."

Pagkatapos nila kumain inihatid na ni Matt ang babae sa bahay nito.

To be continued...

avataravatar
Next chapter