2 Chapter 2

Beep! Beep! Beep! Sunod sunod na busina ng kotse sa labas ng bahay ni Daisy.

" Ate nasa labas na si Kuya Francis!" tawag ni Fatima kay Daisy. Si Fatima ang bunsong kapatid ni Daisy. Agad lumabas ng kwarto si Daisy, nagpaalam sa ina at kapatid bago nagmamadaling pumasok sa loob ng kotse ng kasintahan.

" How do I look?" tanong ni Daisy sa nagiintay na boyfriend.

" My God Daisy! What the hell are you wearing?!" naiinis na tanong ni Francis. " Hindi ba dati ko pa sinasabi sayo na red ang favorite color ni Grandma kaya hiniling nya na magsuot ng red gown lahat ng girls na aattend ng party nya, why are you wearing that simple black long dress?!" galit na wika ni Francis.

" Eh eto lang kasi ang formal dress ko." sagot ni Daisy.

" Okay, ang mabuti pa dumaan muna tayo sa dress shop at sana nag make-up ka man lang kahit konti para hindi ka namumutla." Wika pa ni Francis.

" Hindi na kailangan." Naiinis na din si Daisy bigla nalang nag ring ang cellphone ni Francis.

" Hello tita, sorry we'll be there in thirty minutes, please tell Grandma Happy birthday, thanks, bye." Wika ni Francis sa kausap sa phone.

" See tumawag na si Tita hinahanap na daw ako ni Grandma wala na tayong oras para palitan pa yang suot mo." Lalong nainis si Francis. Wala silang imikan habang nasa byahe. Ganun talaga si Francis palagi nyang pinapagalitan ang girlfriend nya, hindi nalang umimik si Daisy dahil kanina pa nya gusto umiiyak.

" Hola hijo!" salubong ng matandang babae pagkapasok nila sa malaking bahay at yumakap ito kay Francis. (using Spanish word)

" Happy Birthday Grandma, I brought beautiful gifts for you." Pambobola ni Francis sa matanda.

" Gracias." Sagot ng matanda. Napatingin ito sa kasamang babae ni Francis. (using Spanish word)

" Grandma this is Daisy, my girlfriend." Pagpapakilala ni Francis kay Daisy.

" Happy Birthday po." Nahihiyang bati ni Daisy at ngumiti sya sa matandang babae. Tiningnan sya ng matanda mula ulo hanggang paa at halatang nagtataka ito dahil naiiba ang suot ni Daisy, pinilit naman nitong ngumiti sa dalaga.

" Ca va?" muling tanong ng matandang babae kay Francis. (using French word)

" Tres bien, merci Grandma!" sagot ni Francis at nagusap pa ang dalawa gamit ang iba't ibang language na tinuro kay Francis ng lola nya noong bata pa siya. Dati kasing lumaban ng Miss Universe ang lola nito kaya kahit matanda na ay maganda padin ito. Hindi naman maintindihan ni Daisy ang pinag-uusapan ng dalawa. Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay naupo ang magkasintahan sa isang table sa loob. Naiinip man si Daisy ay hindi nya magawang kausapin ang nobyo. Isang babae ang lumapit sa kanila.

" Francis! Kanina ka pa ba?" tanong ng babaeng lumapit sa kanila.

" Yes tita."

" May supresa nga pala ako sayo." Natutuwang sabi ng babae.

" Ano po yun?"

" Nasa taas si Janna." wika ng babae kay Francis. " She's very excited to see you." Dugtong pa nito. Lingid sa kaalaman ni Daisy si Janna ang childhood sweetheart ni Francis. Kakauwi lang nito sa Pilipinas galing sa ibang bansa. " Please puntahan mo muna sya at kanina ka pa nya iniintay, andun sya sa taas." Wika ng babae.

" Excuse me Daisy may pupuntahan lang ako, kumain ka muna dito, babalik din ako agad." Pagpapaalam ng binata at umalis na ito. Naiwan naman mag-isa si Daisy sa table, naghintay sya ng naghintay pero ang tagal bumalik ni Francis, parang gusto na nya umalis sa sobrang inis niya sa boyfriend.

To be continued...

avataravatar
Next chapter