1 Chapter 1

Si Daisy ang magandang empleyada ng Lin Hao Company, simple lang si Daisy at hindi sya sanay makipag plastikan sa mga sosyal nyang office mate. Si Francis ang matangkad na four years steady boyfriend ng dalaga. May kaya ang pamilya ni Francis katunayan nasa ibang bansa ang parents nya at sa tiyuhin nya ang kompanyang pinag tatrabahuan nila ni Daisy. Perfectionist si Francis, gusto nya laging nasa ayos ang lahat ng bagay, pintasero din ang binata at mainitin ang ulo nito. Ang pagka pasensyosa  lang ni Daisy ang nagdadala ng relasyon nila.

" Daisy hindi kita masasabayan mag lunch mag lunch out kami ni Tito." Wika ni Francis sa girlfriend nya.

" Ano pa bang magagawa ko." Pagtatampo ni Daisy.

" Mauna na ko, see you later I'll pick you up at seven pm sa house nyo. Don't forget birthday ni Lola kaya dapat presentable ka mamayang gabi. Sige na bye na." sabi ni Francis at umalis na ito.

" Alam mo Daisy buti nakakatagal kapa dun sa boyfriend mo, aba eh bihirang bihira mo makasama samantalang iisang kumpanya lang naman kayo nag wowork." Wika ni Ely habang nakapila sila sa canteen sa loob ng company. Si Ely ang nagiisang kaibigan ni Daisy sa company nila, ito lang kasi ang katulad nya na hindi pasosyal  sa katrabaho nya.

" Busy kasi siya saka when you love someone willing kang magsacrifice." Paliwanag nya sa dalagang kaibigan.

" Sus eh kamartiran na yang ginagawa mo." Asik pa ni Ely.

" Ah Miss? Ano pong order nila?" tanong ng lalaki na nasa counter.

" Ah…. One large chicken, chopsuey, one plain rice and one pineapple juice, magkano lahat? Tanong ni Daisy.

" One hundred ten pesos po lahat." Sabi ng lalaki at ngumiti siya sabay kuha ng bayad at saka inihanda ang order. Nakangiti ulit ito habang inaabot ang order nya.

" Bago ka dito?" tanong nya sa lalaki.

" Yes Miss, kahapon lang po ako nagsimula." Sagot ng lalaki at umalis na sa pila si Daisy. Ang hindi alam ni Daisy na ang lalaki na yon unang tingin palang sa kanya ay labis ng humanga dahil sa kanyang kasimplehan at kagandahan.

" Daisy cute yung nasa counter noh?" wika ni Ely nung nasa table na sila.

" Medyo." Sagot ni Daisy at kumain na sila.

To be continued....

avataravatar
Next chapter