15 Chapter 15

Pagkagaling sa bahay ni Francis tumuloy ang magkasintahan sa Los Baños sa isang up and down na bahay sila pumasok.

" Bakit mo ako dinala dito?" tanong ni Daisy.

" Maganda ba?" nakangiting tanong ni Matt.

" Oo bakit?"

" Yung naipon kong pera binili ko to, itong ibaba gagawin kong restaurant tapos yung taas yun ang bahay ko." Wika ni Matt.

"Bakit pa eh may bahay ka naman sa San Pablo ah?"

" Plano ko kasi yung bahay ko sa San Pablo dun kuna patitirahin sina mama mo tutal kay Francis na yung bahay nyo diba?"

" Kasama talaga pamilya ko sa plano mo?"

" Oo naman wala nakong pamilya kaya pamilya ko na sila, tara sa taas." Wika ni Matt. Umakyat sila sa taas at pumasok sa isang kwarto doon.

" Gusto kong itira dito ang future wife ko." wika ni Matt. Tumalikod si Daisy ayaw nya kasi ipahalata na kinikilig sya dahil alam naman nya na sya ang tinutukoy ni Matt ni future wife.

" Will you marry me?" tanong ni Matt at may dinukot itong maliit na box sa bulsa nya.

" Ha anong sabi mo?" pagbibingi bingihan ni Daisy malakas kasi ang hangin noon.

" Ang sabi ko magpakasal na tayo!" mas nilakasan ni Matt ang sinasabi nya. Humarap si Daisy sa kanya nakita nya ang box na nakabukas na may lamang magandang singsing.

" Binigay to sakin ni Papa nung nabubuhay pa sya sabi nya ibigay ko to sa babaeng papakasalan ko." wika ni Matt.

Isinuot nya ang singsing kay Daisy na kanina pa pinipigilan ang sobrang kilig.

" Papakasal kaba sakin?" tanong muli ni Matt.

" Oo naman." Masayang sagot ni Daisy. Niyakap sya ni Matt sa sobrang tuwa.

" Pwede ba kitang halikan?" bulong ni Matt.

" Ha?"

" Sabi kasi din kasi ni Papa kailangan daw ang halikan ang babaeng pagbibigyan ko ng singsing na to, walang hanggang pag-ibig daw ibig sabihin non." Wika ni Matt.

" Sige." Mahinahong sagot ni Daisy at pumikit ito. Kasabay ng pagpasok ng hanging nagmumula sa bukas na bintana ng kwarto naramdaman ni Daisy ang pagdampi ng labi ni Matt.

THE END.

avataravatar