10 Chapter 10

Saktong alas singko ng hapon ng mag ring ang telepono ni Daisy.

" Hello."

" Hello Daisy si Matt to." Wika ng lalaki sa kabilang linya, parang tumigil naman ang mundo ni Daisy ng marinig ang boses ni Matt.

" Paano mo nalaman ang number ko." nagtatakang tanong ni Daisy.

" Si Ely gumawa ng paraan na makuha ang contact number ko, kinausap nya ko. Sinabi nya lahat sakin ang nangyari sayo, alam ko nadin ang tungkol sa kasal kaya hiningi ko sa kanya ang number mo." Paliwanag ni Matt.

" Bukas aalis kami ni Francis pupunta kami ng Baguio." Malungkot na sabi ni Daisy.

" Kung ganon magkita tayo mamayang alas otso ng gabi iintayin kita sa park." Wika ni Matt.

" Hindi na pwede Matt, ikakasal na ko hindi na ko pwede makipagkita sayo." Sagot ni Daisy.

" Kahapon nangako ka sakin na hindi pa yon ang huli nating pagkikita, gusto kong tuparin mo ang pangako mo." Paninindigan ni Matt. Biglang naalala ni Daisy ang usapan nila kahapon sa ilalim ng punong santol. Naisip nya na pumayag nalang para makapag paalam na din sa binata.

" Sige darating ako." Wika ni Daisy at pinutol na ang tawag.

" Ate sino yung kausap mo? " tanong ni Fatima na nakikinig pala.

" Si Matt yun Fatima huwag mo sanang isumbong kay mama ang narinig mo." Pakiusap ni Daisy sa bunsong kapatid.

" Wag kang mag-alala ate walang makakaalam ng pinag-usapan nyo." Sagot ni Fatima.

Nang mag aalas otso na ng gabi nagpaalam si Daisy sa kanyang ina na kailangan nya umalis dahil may usapan sila ni Francis pero lingid sa kaalaman ng ina ay si Matt ang katatagpuin niya.

" Buti nakadating ka." Wika ni Matt ng makita ang dalaga.

" Bakit mo pa kasi ako pinapunta dito?" tanong ni Daisy.

" Gusto ko lang itanong ng personal kung bakit magpapakasal ka sa kanya." Wika ni Matt.

" Kailangan eh." Malungkot na sagot ni Daisy.

" Kelan ang kasal mo?"

" Sa isang buwan, bukas siguro naming paguusapan pag punta namin ng Baguio." Paliwanag ni Daisy.

" Kapag sumama kasa kanya mamamatay ako." Malungkot na wika ni Matt at tumalikod na ito ayaw nya kasi makita ni Daisy ang pagtulo ng luha nya.

" Ganoon mo ba ako kamahal?"

" Higit pa sa akala mo." Sagot ni Matt nahalata ni Daisy na umiiyak ito dahil sa tono ng boses nito.

" Ako ba Matt, ipaglalaban mo?" seryosong tanong ni Daisy at yumakap ito sa likod ni Matt.

" Ipaglalaban kita kung sasama ka sa akin." Wika ni Matt. Hindi sumagot si Daisy naisip nya kasi ang kanyang ina, tyak na sasama ang loob nito sa kanya pati nadin ang bahay nila, wala silang titirahan pag hindi natuloy ang kasal nila ni Francis.

" Sinasabi ko na nga ba ako ang hindi mo kayang ipaglaban." Wika ni Matt. Kinalas nito ang pagkakayakap ni Daisy sa likod nya at lumakad na ito papalayo. Parang gusto sumabog ang puso ni Daisy ng makitang papalayo si Matt.

" Matt sandali, sasama ako sayo."wika ni Daisy at lumapit sa binata.

To be continued...

avataravatar
Next chapter