webnovel

One

"So, bakit po kayo hindi nagkatuluyan?"

Mahigpit akong napahawak sa tanong ng isang Highschool Student sa akin. Ang sabi niya ay may interview silang kailangang i-pass bukas bilang isang project sa isa nilang subject.

Sakto namang palabas ako ng office kagabi nang salubingin nila ako para i-interview. Tumanggi naman ako pero kailangan na raw nilang makahanap dahil ie-edit pa ang video at gagawan ng portfolio. Rushed sila dahil kaka-sabi lang din daw sa kanila kahapon nang uwian. May puso naman akong tao kaya sumige na lang din ako kaya ngayon, nasa isang store kami sa labas ng campus nila.

"Its just that... maybe, we're not really meant to be together." sagot ko sa tanong ni Holy, ang nagi-interview sa akin ngayon.

Tumango-tango naman siya bago muling i-scan ang notebook niya para sa mga tanong.

"Hoy Dexter! Saan na ba dito nakasulat 'yung nga tanong?" kunot-noo nitong sambit kay Dexter na may hawak na camera.

"Nasa one whole 'yung iba. Wala diyan sa notebook!" sigaw nito pabalik kay Holy na dumoble ang kunot ng noo.

"Nasaan iyong one whole? Bilisan mo! Nakakahiya kay Ateng!"

Natawa na lamang ako habang tinitignan silang dalawa. Naaalala ko tuloy iyong mga panahon na estudyante pa ako. Ganitong-ganito rin ako.

"I-pause mo nga muna 'yan!" sabi ni Holy na ngayon ay hinahanap ang papel na pinaglagyan ng tanong sa bag niya.

"Okay na 'yan. Ie-edit din naman." tamad na wika ni Dexter at saka lumapit kay Holy upang tulungang maghanap ng papel.

Apologetic na ngumiti sa akin si Holy. "Ate, sorry po a. Natigil tuloy." Natawa na lamang ako bago saglit na tumango. "Take your time. Off ko naman ngayong araw."

Pumangalumbaba ako sa mesa habang tumingin sa labas. Dinig ko pa ang pag-aaway nilang dalawa kaya naman mahina na lamang akong natatawa.

Marahan kong pinikit ang mga mata ko habang pinapakinggan ang 70s na tugtugan sa speaker ng coffee shop kung nasaan kami ngayon. Hindi ko maiwasang ipikit ang mata ko habang dinadama ang nakaka-relax na melody nito.

"Kasya pa lima!" napapikit ako sa sigaw ni Manong kundoktor habang nakalambitin sa pintuan ng bus, nagtatawag ng pasahero.

Galing kaming Quiapo Church at tanging ito na lamang ang masasakyan. Para na kaming sardinas dahil siksikan na ang loob. Tinignan ko si Lola na nagbabasa lamang ng bible, hindi alintana ang init na mayroon ngayon.

Matanda na siya at hirap na ring maglakad kaya naman sinamahan ko siyang magsimba rito. Siya ang pina-upo ko sa vacant chair ng ordinary bus habang pinili ko na lamang tumayo.

"Maling-mali na nag-jacket ako." sermon ko sa sarili ko.

Humigpit ang kapit ko sa magkabilang upuan dahil baka ma-out of balance ako. Sakto namang nagsipasukan ang mga pasahero kaya mas lalong nasiksik.

"Iyong mga nakatayo, magsigilid! Kasya pa 'yan!" sigaw ng kundoktor.

Kagagaling ko lang sa simbahan. Ayokong magmura parang awa mo na.

"Wait! Sasakay ako!"

Malapit lang ako sa pinto ng bus kaya naman narinig ko ang pagsigaw ng isang lalaki pero hindi ko fully na makita dahil may dambuhalang tao ang nakatayo sa harap ko.

"Weyt daw! May sasakay na pogi!" sigaw muli ng kundoktor sa bus driver kaya muling huminto ang bus.

Mukhang naka-sakay na rin siya kaya kinatok ni Manong kundoktor ang pole ng bus, senyales na umandar na.

"Apo, nangangawit ka na ba?" tanong ni Lola sa akin bago isara ang bible na kanina ay binabasa niya.

Ngumiti lamang ako sa kaniya. "Hindi po 'la. Mainit lang."

Tumango siya. "Naka-jacket ka pa kasi. Bayaan mo, bababa naman sa Tandang Sora iyang mga 'yan."

Napatango na lamang ako sa sinabi ni Lola kahit na hindi ko naman talaga alam ang mga lugar na sinasabi niya. Bahay-school lang ako at hindi gala. Minsan nga, pinagdududahan ko pa kung tama ba ang address ng bahay namin.

Traffic kaya mas lalong dumagdag ang init. Nangingitata na rin ako dahil sa pinaghalong usok at pawis, isama mo pa ang buhok kong hindi nakatali.

Pinaypayan ko ang sarili ko nang magawi sa lalaking sumakay kanina na nakatalikod sa akin habang naka-hawak sa pole ng bus ang tingin ko.

May earphone siyang nakapasak sa kanan niyang tainga habang nagi-scroll siya sa cellphone niya. Pansin ko rin ang tangkad at ang pagiging mestizo nito. May black bandana siyang suot na sakto sa messy niyang buhok. Nakasuot siya ng isang black leather watch na may nakatatak na baybayin character. Nakasuksok din sa bulsa ng pants niya ang kaliwa niyang kamay habang kanan naman ang ginagamit niya pang-scroll.

Hindi ko man makita ang mukha niya ay pansin ko naman ang pagiging matangos nito. Napabaling ang tingin ko sa reflection ko sa salamin ng bus, napasimangot ako. Kung ano naman kasing ikina-ayos niya ay siya namang ikina-haggard ng itsura ko. In short, gwapo siya, ang pangit ko.

Panay lamang ang sulyap ko sa kaniya. Mukha namang hindi niya napapansin dahil focused lamang siya sa screen ng cellphone niya. Pansin ko pa ang pag-ngiti niya sa tuwing may nababasa siya na sa tingin ko ay convo.

Ahh. Taken na.

Napanguso na lamang ako. Kagagaling ko lang simbahan pero ang landi ko na.

Gaya ng sabi ni Lola, magsisibabaan ang mga pasahero kapag Tandang Sora na. Halos madami ang bumaba kaya naman nagka-bakante na. Umupo ako sa tabi ni lola habang sa kanan naman si Boy Bandana umupo. Apat na upuan ang pagitan mula sa pwesto namin, kaya malaya ko siyang natitignan.

Ang ano naman kung magsisinungaling ako na ni minsan ay hindi ako na-attract sa mga mala-aphrodite o adonis na nilalang. Tao rin naman ako. Alam niyo iyong feeling na parang nama-magnet ka dahil sa itsura nila kaya panay sulyap ka. Ganoon.

Lumingon sa gawi ko si Boy Bandana kaya naman napaiwas ako ng tingin. Tinignan ko ang likod ng upuan sa harap ko nang mapansin ang ilan sa mga vandal.

Iilan sa nakalagay ay ang nakasulat na 'Mukhang ewan uupo dito.' Napatingin ako sa taong naka-upo sa harap ko nang sumide view ito ng tingin at muntik na akong bumunghalit ng tawa nang mapansin na naka-suot ito ng Manny Pacquiao na mask.

Tinakpan ko na lamang ang bibig ko at pigil na humagikgik.

Kakasimba ko pa lang pero ang dami ko ng kasalanang ginawa.

Sinita ako ni Lola sa tabi ko kaya naman tumahimik na ako. Muli akong sumulyap kay Boy Bandana na ngayon ay busy sa pagtingin sa bintana ng bus. Pansin ko ang pagsalubong ng kilay nito bago mabilis na bumaling sa akin.

Napayuko ako nang dahil doon at saka tinignan ang rosaryo ni Lola. Patawarin nawa ako.

Maya-maya pa ay huminto na sa last destination ang bus which is sa Litex. Hinawakan ko ang kamay ni Lola nang palabas na kami ng bus. Kailangan pa naming sumakay ng jeep pa-SM Fairview para bumaba na lamang sa Center Mall pero mukhang siksikan din sa jeep dahil madami-dami ang naga-abang.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid habang hinahanap ang taong tinitignan ko kanina sa bus.

"Nasaan na si Boy Bandana?"

Sayang. Mukhang wala na siya.

"Ito 'yung papel o!" napabalik ako sa ulirat ko nang sumigaw si Dexter. "Naka-ipit lang sa notebook mo hindi mo pa makita." reklamo nito.

Napakamot na lamang si Holy dahil doon. "Sareh okay? Sarrreh." anito na nagpatawa sa akin.

"Saan na nga ba ulit tayo?" tanong ko sa kaniya. Muling lumapit si Dexter sa camera habang umayos naman ako ng upo.

"Ito na ateng. Next question na." sabi nito at tinignan ang papel. "Saan mo po siya unang nakita?" sambit niya bago tumingin sa akin.

Napangiti ako habang inaalala ang pasimple kong sulyap sa kaniya sa bus noong araw na iyon. Tumingin ako sa dalawang estudyanteng nakatingin din sa akin.

"Bus. Along C-5 after naming magsimba sa Quiapo ni Lola. Doon ko siya unang nakita." sabi ko at kinuwento ang full details.

Tumango-tango si Holy. "Base po sa mga sinabi niyo, ang lakas maka-story ng first encounter mo sa kaniya." anito kaya naman natawa ako. "Oo nga 'no?"

Natawa rin siya nang dahil doon. "Move na po tayo sa next question. Kailan po ang first meet ninyo? Iyong pareho niyo nang nakita or nakausap iyong isa't-isa?" magalang niyang tanong kaya naman napahinto ako.

"First time na nag-usap kami..?" mahina kong ulit sa sinabi niya.

"Okay lang naman po kung hindi niyo na maalala. Lipat na lang po tayo sa susunod na tanong."

"No. Okay lang." pigil ko sa kaniya kaya naman tumango na lamang siya. "First meet namin?" sabi ko pa ulit at bahagyang nag-isip.

"February 14. Valentine's Day." aniko at muling ni-reminisce ang araw na 'yon.

Next chapter