3 Chapter 3: Take a Bite

Chapter 3: Take a Bite

"Guia, wake up!"

Nadidinig ko ang pamilyar na tinig sa aking isip, ngunit ang mga mata ko, ang aking buong atensyon, lahat ay nasa lalakeng nagtatago sa madilim na bahaging iyon. I can barely see him no matter how much I try, but the moment I saw those familiar pair of burning ruby-like eyes, I held my breath as my heart almost stopped from beating.

"It's...It's you..." I said, almost a whisper.

He straightened up on his seat, like an emperor who's about to take over another territory. Damn it. He hasn't spoken another word yet, but my body already shivers with the way he's looking at me with so much precision...and undeniable desire. Those eyes, it was too intense that even blinking would be a great sin.

"Guia! Gumising ka!" Nadinig kong muli ang tinig ni Tiya Olga sa aking isip. Mas malakas na iyon ngayon at sa ilang segundo ay nakuha ng kanyang tinig ang aking atensyon.

"Tiya..." Bulong ko, tila natauhan sa nangyayari. Hindi ba't kanina lang ay halos mamatay ako sa sakit na nararamdaman? Nasa dining room lang ako nang mangyari iyon kaya papaanong...

Am I dead?

"No, not yet." A familiar illegally sexy and masculine voice answered.

Nanlaki ang aking mga mata. "Did you just read my mind?!" Napaatras ako. "Paano mo ginawa iyon? At nasaan ako? Anong ginawa mo sa akin?"

He chuckled sweetly with a hint of tease. "Ah, you ask too much questions. You're making me want to shut your mouth with mine nang manahimik ka."

Muling tumambol nang malakas ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. He's kidding, right?

"Nope." Aniya.

"Tigilan mo 'yan! Paano mo nababasa ang isip ko? How the fuck are you getting into my head?!"

"Ooh, language." He chuckled then crossed his legs in a manly manner. "I think you got it wrong, Guia. I'm not getting inside your head. Ikaw ang nasa isip ko, and darling once you're here, I got access to yours whether you like it or not."

Ikinuyom ko ang aking mga kamao. "Sino ka ba?"

"Do you really wanna know now? Baka hindi mo magustuhan ang mangyayari sa oras na malaman mo na kung sino ako." Tila may babalang nakatago sa kanyang mga salita.

Natahimik ako ngunit ang aking mga mata ay nanatiling nakamasid sa misteryosong lalakeng iyon. Pinaglalaruan ba niya ako? Pero paano niya nagawang dalhin ako sa lugar na ito? I don't believe in magic. Mas lalo namang mas mahirap paniwalaan ang sinasabi niyang ako ang pumasok sa isip niya lalo na at hindi ko pa naman siya kilala.

Pinanood ko siyang abutin ang mansanas na nasa ibabaw ng mesa sa kanyang kaliwa. Hindi niya iyon kinagatan. Hawak niya lamang ito sa kanyang kamay at tila pinagmamasdan habang may kung anong tumatakbo sa kanyang isip.

"Your father keeps being a pain in the ass, you know." He said before finally taking a bite on the apple.

Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "Paano mo nakilala ang papa ko?"

He didn't answer. PAtuloy lang siya sa pagnguya habang nakatingin sa akin at hindi ko nagugustuhan iyon. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya kaya unti-unti na akong nakakadama ng takot. Mali. Kanina pa ako takot, masyado lang akong okupado ng kung anong hindi ko kayang ipaliwanag.

"Did you know that a promise is very sacred? Sa oras na gumawa ka ng pangako, kailangan mo 'yong tuparin anuman ang mangyari."

"Why are you telling me that out of the blue? At hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung papaano mo na--"

"Because you are a product of a broken promise, and if your father won't stop messing everything up, baka tuluyan nang maubos ang pasensya ko sa kanya."

Natigilan ako sa narinig. Anong sinasabi niya?

Umayos siya ng upo at pinunasan ng likod ng kanyang palad ang kanyang mga labi. Even with the little amount of light, I can easily tell that this man is gorgeous, ewan ko lang sa ugali kung papareho sa mukha.

"Anong ibig mong sabihin?" Lakas-loob kong tanong.

He licked his lips. Halos manuyo ang lalamunan ko habang ginagawa niya iyon ngunit hindi ko ipinahalata. For heaven's sake, why the hell am I this attracted with everything he does? Hindi tama ang reaksyon ng katawan ko sa sitwasyon!

Pull yourself together, Guia. Pull yourself together.

"Want a bite?" He offered his apple.

Napalunok ako nang bumaba ang aking tingin sa mansanas na hawak niya ngunit kailangan kong labanan ang epekto niya sa akin. Whatever he's doing to me right now, I can't let him win. Like he said, I am in his head. I should have the control not him.

"Sorry but I prefer answers." Humalukipkip ako at muling nilabanan ang kanyang tingin.

Kumurba ang kanyang mga labi para sa isang makahulugang ngisi. "Tough girl."

Halos tumigil sa pagtibok ang aking puso nang tuluyan siyang humakbang palapit sa akin. I may sound dreamy, but he is by far the most beautiful person I've ever seen. Those thick brows matched perfectly his tousled shoulder-length dark blonde hair that's swaying with his every step. And oh, those narrow pointy nose and thin pinkish lips made him look like someone from the movies whom most girls would be dying to see. From his defined jawline, to his cream complexion and perfect built hiding in his classic black ensemble of suit and tie, he is just too good to be true.

And then there's his ruby-like eyes, dazzling like burning stars in a dark and lonely night. I must really be dreaming of a Hollywood actor...

Tuluyang nakain ng kanyang mga hakbang ang distansya sa pagitan naming dalawa. Napakatangkad niya at kinailangan ko pang tumingala para lang hindi maputol ang pagkakatitig ko sa kanyang mga matang unti-unti akong tinutunaw. Posible ba iyon? Hindi ko na alam. Para na akong nalalasing sa kakaibang sensasyon lalo na nang malanghap ko ang pamilyar na amoy. Oh goodness, that sweet natural scent didn't change. Kasing bango pa rin ng kung paano ko ito naalala.

He slowly lifted his hand that's holding the apple, and without breaking his hypnotizing gaze at me, he touched my lips with the back of his fingers, as if teasing me to take a bite.

"How about this? Why don't you take a bite and I will give you all the answers you want." He whispered, his minty breath lingered in my nose like a forbidden drug.

I tried to keep my thoughts together but his effect on me is just too strong. Paano niya nagagawa ito? At bakit gusto niyang kagatan ko ang mansanas? Inuuto niya ba ako?

He smirked in a playful way that sent shivers down my spine. "You really love asking questions, Guia. It's starting to annoy me."

Napalunok ako at binaba ang tingin sa mansanas. "You said a promise is very sacred. Then promise me." Muli kong binalik ang tingin sa kanyang nagbabagang mga mata. "Promise me that you will do as you said. I'll take one bite and you'll answer all my questions."

His gaze became intense with a hint of amusement. Ang kurba sa kanyang mga labi ay unti-unting lumawak hanggang sa maging isa itong makahulugang ngiti. Nakakatakot...

"I promise, Guia..." He uttered, and I swear I almost heard the devil as he said those words.

Muling bumalik ang aking tingin sa mansanas. Kumakabog nang malakas ang puso ko at ang aking kamay ay nanlalamig nang kunin ko sa kanya ang prutas. Wala nang atrasan ito. Isinara ko ang aking mga mata bago ko tuluyang kinagatan ang mansanas.

Nothing happened on the first few seconds...until I felt a burning sensation in my throat, gushing down to my heart. Nabitiwan ko ang mansanas at hinabol ko ang aking hininga ngunit masyado nang matindi ang epekto ng sakit sa aking katawan. Halos triple ng nadama ko bago ako napunta sa lugar na ito.

Bumagsak ako sa sahig, pilit hinahabol ang aking hininga habang halos mapasigaw na sa sobrang sakit ng aking dibdib. My heart...It felt like it's being crushed, forcing it to stop from beating.

"You...You poisoned me!" Hirap na hirap kong singhal sa kanya.

Tumalungko siya sa aking harap at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok. Hindi ko na magawa pang magpumiglas. Pakiramdam ko ay anumang oras, tuluyan na akong malalagutan ng hininga.

"Sssh. I'll see you on the night of the full moon, and just like I promised, I'll give all the answers you want, Meshka..."

The burning sensation gone worse and my vision went blurry. Is this how dying feels like? Takot na takot ako, ngunit nang tuluyang sumara ang aking mga mata dala ng kawalan ng lakas na lumaban at huminga, tila isang pwersa ang humigop sa akin at nadama ko ang pagyugyog sa aking balikat.

"Guia!" Bulalas ni Tiya bago ako hinatak para yakapin. "Oh thank god. Thank god..." He whispered with a hint of relief.

Pawisan ang aking katawan at nanlalata pa ako ngunit pinilit kong magsalita gamit ang natitira kong lakas. "May...May lalake."

I felt her stiffened. Napakalas siya sa pagkakayakap sa akin at nang magtama ang aming mga mata, bakas ang matinding takot sa kanyang namumutlang mukha. Lumunok si Tiya. "Did...did he offer you an apple?"

Kumunot ang aking noo dala ng pagtataka. "How did you know about the apple?"

Nanlaki ang kanyang mga mata at humigpit ang hawak niya sa aking balikat. "Please tell me you didn't take a bite!"

"I..." Nakagat ko ang ibaba kong labi.

"Shit!" Binitiwan ako ni Tiya at dali-dali siyang tumakbo palapit sa telepono. May tinawagan siya ngunit habang ginagawa niya iyon ay napahawak siya sa tela ng kanyang blusa sa tapat ng kanyang puso. "He finally gave the forbidden fruit. We're too late..."

Nanlaki ang aking mga mata nang makitang napaluhod si Tiya. Mayamaya'y tuluyan siyang bumagsak sa sahig. Dala ng pagkataranta ay halos gumapang ako patungo sa kanya. She was struggling to breathe. Tila nakikita ko sa kanya ang itsura ko kanina matapos kong kagatan ang mansanas.

"Tiya!" Sigaw ko nang tuluyan akong nakalapit sa kanya ngunit tinignan lamang niya ako bago niya itinuro ang nalaglag na telepono. Nadidinig ko ang pagtawag sa kanya ng tao sa kabilang linya kaya kahit na hindi ko na alam ang gagawin ko dala ng takot at pagkataranta, dinampot ko ang telepono at tinapat sa aking tainga.

"He...Hello?"

"Guia..." I heard my Dad, but his voice, he sounded as if he's suffering the same pain. No, worse. Para bang ang kanyang huling lakas ay nilalaan para makausap ako.

Tuluyang nagtubig ang aking mga mata hanggang sa hindi ko na napigilan ang maluha. "Papa, anong nangyayari?"

"Listen to me...Listen to me, Guia." He took in a deep breath. "The vampires...The vampires exist..."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang malakas na pagbagsak kasunod ay ang mga nabasag na gamit. Nanginginig ang aking katawan na hinigpitan ang hawak sa telepono, pilit na nilalakasan ang aking loob kahit na may ideya na ako sa nangyari.

"Pa...Papa?" Halos pumiyok ang aking tinig. Muli ko siyang tinawag habang rumaragasa ang aking mga luha ngunit wala na akong nadinig pang sagot.

Nadama ko ang paghawak ni Tiya sa aking braso, tila sinasabi sa aking ibaba ko na ang telepono. Humagulgol ako nang tuluyan habang si Tiya ay tahimik na lumuluha habang hinahabol ang kanyang hininga.

Oh my god, what have I done?!

"Tiya..." Basag ang tinig kong tawag.

Sumara ang mga mata ni Tiya ngunit nang pigain niya ang aking braso gamit ang natitira niyang lakas, lalo lamang nadurog ang aking puso. "Don't wo...worry, Guia. I will...I will just sleep... Hindi na...kita mapoprotektahan kaya...kaya kailangan mong la...lakasan ang loob mo." She coughed with blood that freaked me out more.

"Tiya, dadalhin kita sa ospital. Wag kang mag-alala dadalhin kita sa ospital." Kumbinsi ko kahit na ang totoo, hindi ko alam ang dapat na gawin.

She flashed a broken smile that tore my heart apart before she said the words I never expected to hear from her.

"I love...you, Guia...Run..." She inhaled deeply. "Run as far...as you can...from them..."

avataravatar