39 Chapter XXXVII

Chapter XXXVII: Invincible

----

Sa ngayon ay naka ipon na ng 700 magic Crystal si Zuki.

Ang kayamanang ito ay nakalagay sa isa niyang interspatial ring.

Hmm sapat na muna ito sa ngayon! Sabi ng binata at tumingin kila estevan.

Abala ang mga ito sa pakikipag laban.

Nag lakad siya sa isang espasyo.

Naupo siya sa ginta at inilabas ang marahas niyang enerhiya.

Nagulat naman si Estevan ng maramdaman ang marahas na enerhiya ng binatilyo.

Ang binata na kanina'y abala sa pag kuha ng mga kayamanan ay biglang naupo sa isang espasyo at inilabas ang kapangipangilabot na aura nito.

Napunta sa binata ang atensyon ng lahat ng Vicious beast sa paligid niya

Dahil ang kaniyang pwesto ay kitang kita at maaaring atakihin siya basta basta ng mga ito.

Mayroong mga vicious beast ang agad sumunggap kay zuki takigawa.

Nang mapansin naman ni alena ang kilos ng halimaw ay kaagay niyang ikinumpas ang kaniyang mga daliri at mabilis na pinuluputan ng kaniyang sinulid ang halimaw.

Napangisi naman si Zuki sa mabilis na pag depensa ni Alena.

Hindi niya akalain na mabilis nitong mamamaster ang Sandatang Heaven's Thread.

Sa sandaling kumpas lamang ng mga daliri nito ay agad agad susunod ang mga sinulid nito at maaari nang gawin ng gumagamit ang kahit ano sayo.

Maging Puppet o pigain hanggang mamatay o pag pirapirasuhin.

Tumingin naman si zuki sa kinaroroonan ni Recon habang ito ay abala sa gamit nitong sibat.

Alam niyang hindi basta basta ang paggamit ng Sibat kapag nasira ang hawakan nito ay tiyak na ang katapusan ng gumagamit nito.

Pero dahil sa pisikal na lakas ng isang beastman ay balewala lang ito kay recon.

Nagagamit niya ng maayos ang gintong sibat at ang bawat haharap o haharang sa kaniya ay tiyak na namamatay.

Tumingin siya kay Ophir at napangiti ito sa pulidong pag gamit nito sa katana.

Hindi ito nakakagamit ng mga skill dahil baguhan palang ito.

Kaya naman nagkaroon siya ng ediya para turuan si munting ophir.

Ituturo niya rito ang Phantom blade technique

Na ibinigay sa kaniya ng kaniyang master na si Selena.

Tumingin din siya sa mag asawang Olivia at estevan.

Dahil sa pag pigil ng mga ito sa kaniya noong si Tsuki ang gumagamit ng kaniyang katawan.

At ngayon nais na niyang siya na mismo ang tumapos sa tumatagal na laban.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at binalikan ang mga ala ala.

Mga ala ala noong siya ay nasa cursed dungeon siya.

Ang nga astig na skill na meron siya sa mundong iyon na tiyak na yayanig sa mundong ito.

Ting! Obtained New Title [Vampire King]

Ting! Obtain new skill

Death Claw

Cursed Bite

Sink eye

Shadow

Seeker blood

Blood bind

Bloodlust

Bloody step

Dark bullet

Dark Flare

Dark fist

Blue Flame

Sonic Leap

Moon Blade Dance

Dark Barrier

Blessing

Emperior's Flame

Fist of Destruction

Ice Cyclone

Ice Spike

Snow Storm

Frozen fist

Eternal Blizzard

Frozen Field

Frozen Flame

Flame Strike

Flame Pillar

Pyro Wave

Blazing Field

Flame Salamander

God speed

God Judgement

God's Flame

God's Fury

Sunod sunod ang pag pasok ng mga impormasyon ng bawat skill sa isipan ni zuki takigawa.

Ang mga skill na dati nang nabura ay ngayon nag balik sa kaniya.

Idinilat niya ang kaniyang mga mata at kuminang ang puti niyang mga mata.

Iginalaw niya ang kaniyang kaliwang palad at mayroong itim na enerhiya sa sa bawat daliri nito.

Dark Element!!!! Dark Bullet!!!!

Sigaw niya at limang magkakasunod na pagtama ng itim na enerhiya ang tumama sa katawan ng isang vicious beast.

Nagulat ang mag anak ni estevan ng masaksihan ang atakeng ginawa ni Zuki takigawa.

Ang atakeng iyun ng binata ay gumawa ng matinding pinsala sa katawan ng isang vicious beast.

At ito ay ang pinigilang halimaw ni Alena.

At ngayon ang ibat ibang parte ng katawan nito ay bumagsak sa sahig at tumatagas mula rito ang sariwang dugo nito.

Nang masaksihan naman ito ng ibang vicious beast ay nakaramdam sila ng matinding panganib.

Panganib na ngayon lamang nila nadama.

Rarrrrrrrrrw! Sigaw ng ibang mga vicious beast at nagsimula na silang mag si atrasan.

At karamihan sa mga vicious beast ay  unti unting namamatay dahil sa pag atake nila estevan.

Si Zuki takigawa naman ay unti unting tumayo mula sa kaniyang pwesto at hindi kagaya kanina ay mas lalong lumakas ang enerhiyang nanggagaling sa kaniya.

Ice Element!!!!! Frozen Field!!! Sigaw ni zuki takigawa at inilapat niya ang kaniyang kanang palad sa sahig.

Nagkaroon nang malamig na klima.

Nakaramdam ng panganib sila estevan at walang ano ano'y tumalon sila lahat para ilagan ang papalapit na atake ng binata.

Isang mabilis na malawakang atake ang ginawa ng binata

Sa isang iglap ay nag yelo ang sahig at lahat ng nilalang na nakatapak sa sahig ay nabalutan ng napakatigas na lipak ng yelo.

Nagulat ang buong mag anak ni estevan dahil sa nangyari.

Sa isang atake lang nagawang gawing istatwa ng yelo nang mga halimaw.

At ang may kagagawan nito ay si Zuki takigawa.

Nanatiling nakalutang sila estevan habang pinag mamasdan ang binatilyo na malayang naglalakad sa nagyeyelong sahig.

Mapapansin ang pag kislap ng puti nitong mga mata.

Puro puti ito na tila nang aakit sa sobrang liwanag.

Pero sa kabila ng mga nag kikislapang mga mata ay ang napakabigat na aurang kaniyang inilalabas.

At dahil sa aura niya ay napahinto ang lahat ng mga nasa loob ng isang silid.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-xxxvii_46916351293452703 for visiting.

Maging ang isang babae na ngayon ay nababalutan ng Mainit na likido.

Hmmmm! Papalapit na sila! Sabi ng babae at itinarak ang kaniyang punyal sa isang babae na wala nang malay.

Ang babaeng ito ay wala na ang kaniyang mga daliri sa kamay at paa at putol na ang mga tenga at nagkalat ang bawat piraso ng ngipin nito sa sahig at ang pinaka karumal dumal ay ang mga mata nitong nakalagay na sa isang garapon.

....

Habang gulat na gulat sila estevan sa mga pangyayari si zuki naman ay makikitaan ng pagkagalak.

Sa wakas at nabalik na ang mga skill ko! Sa lakas ko ngayon ay tiyak ang lakas nito dati ay mas lalakas pa ngayon.

May pumasok na ediya sa kaniyang isipan at itinapat niya ang kaniyang palad sa mga istatwang vicious beast.

Naglimanag ang kaniyang palad at Kasabay nito ay ang pag bigkas niya sa Skill na gagamitin niya.

Ice Element!!! Ice Spike!!! Sigaw niya  at agad nagsilitawan ang napakaraming Natatalim na tipak ng yelo na sumaksak sa mga nagyeyelong vicious beast.

May alingawngaw na narinig ang binata mula sa system.

You level up

You level up

You level up

You level up

Napangiti ang binata sa sinasabi ng system

Ngayon siya ay isa nang aktwal na 6th level Angel Rank

At kayang kaya niya nang lumaban sa isang ordinaryong demon rank.

Nang maramdaman ito ng babae sa isang silid mababakas ang makahulugang ngiti sa kaniyang labi.

Kahanga hanga isang hamak na 2nd level Angel Rank ay umakyat patungo sa 6th level Angel Rank.

Enteresante! Sabi ng babae at tiningnan ang kaniyang mga kamay.

Mga kamay na balot ng sariwang dugo ng babae na kaniyang pinaglaruan at pinatay.

Siya si Saylsia ang ikalawang heneral na matatagpuan sa tower of doom.

:To be Continued:

A/n:

I'm very sorry sa napakakupad na update ko pasensya na talaga huhu!

Masyadong strict ngayon mga parents kaya ito Awat sa telepono.

Basta sisikapin ko makapag update

Kada isang linggo.

Pasensya na talaga at mag ingat lagi

Laging mag suot ng face mask para laging safe sa covid 19.

Next chapter