37 Chapter XXXV

Chapter XXXV: Start

------

Ang mga naganap sa unang palapag ng Tower of doom ay naging isang malaking parte sa buhay ni Zuki takigawa.

Ang pag alam niya sa nakaraan niyang buhay bilang si Tsuki na isang emperador sa nakaraan nitong buhay.

Ang pagkakaroon ng mga personal na alagad at mga bagong propesyon na nakuha niya.

Ang lahat ng ito ay naganap sa ika unang palapag ng Tower of doom

Isang pangyayaring nakatatak na sa isipan ng binata

Sa ngayon ay malaya nilang binabagtas ang isang masikip na daan patungo sa ikalawang palapag.

Lumabas ang maliit na daanan na ito kani kanina lamang at agad naramdaman ng binata ang kakaibang enerhiya mula sa dulo ng daanan na ito.

Isang 1st level Angel beast rank

Kung ang pamilya naman ni estevan

Ang makikiramdam ay hirap sila sa paraang ito.

Wala silang maramdaman dahil hindi pa sila tumatapak bilang aktual na Angel Rank.

Sila'y mga hamak na Celestial Ranker palang at ang kanilang master ay isa nang ganap na angel ranker.

Pero sa kabila ng lahat ay natutuwa sila dahil malaya na sila sa wakas at gagawin nila ang lahat para sa master nila.

Sa ngayon ay nalalapit na sila sa tarangkahan ng ikalawang palapag.

Lumalakas narin ang mga haling hing ng mga vicious beast kaya naman naging alerto silang lahat.

Hindi na ito pakikidigma sa mga hamak na Celestial Rank ito'y laban sa mga angel beast ranks.

Si zuki ay tuluyan nang inilabas ang kaniyang aura at hindi ito basta basta aura niya.

Kundi isang skill na kakakamit palang niya.

Ang skill na ito ay ang Berseker Aura.

Ang skill na ito ay nagpapataas ng kalidad ng aura ng isang adventurer.

Magagawa nitong umakit ng 3rd level angel beast rank pataas.

Wala siyang pakealam kung matataas na ranggo mang ang makakaharap niya.

Dahil ngayon para na lamang silang mga basura para sa binata.

Nang makalapit na silang lahat sa tarangkahan sakto nang pag harang ng isang daang mga 1st level Angel beast ranks at sampung 2nd at limang 3rd level angel beast ranks.

Nag iba ang expression ng binata.

Mas naging marahas ang aurang kaniyang inilalabas.

Nakakaramdam ng takot ang ibang angel beast ranks dahil sa aurang inilalabas ng binata.

Pero mas pinaninindigan nilang kaya nilang patayin ang isang 1st Level Angel Rank lamang.

Unang umatake ang isang malaking halimaw kay zuki takigawa.

Tiningnan lamang ng binata ang halimaw na umatake sa kaniya.

Hindi siya nakakaramdam ng takot at kaba.

Hindi siya natatakot sa isang 3rd level angel beast rank.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kaniyang espada at sa isang simpleng pag wasiwas ng kaniyang espada ay isang kagulat gulat na pangyayari ang naganap.

Nakaramdam ng matinding panganib ang lahat ng vicious beast.

Sa isang atake lang nagawang mapaslang ng isang hamak na 1st level Angel Rank ang isang 3rd level angel beast rank.

Hm! Yun lang ba parang ang dali naman.

Sabi ng binata at mabilis na sumugod sa mga 2nd at 3rd level angel beast ranks.

Sila Estevan naman ay agad umatake sa mga ordinaryong Angel beast rank.

Madali nilang napapatay ang mga ito dahil magkakasama silang lumalaban.

Habang ang binatang si Zuki ay nagagawang lumaban sa mga matataas na ranggo.

Sa ngayon ay malapit na siyang tumapak sa susunod na ranggo.

Wala siyang pakealam ngayon sa mga bangkay ng mga vicious beast.

Hindi siya enteresante sa mga ito.

Kaya naman pinapaslang niya ang bawat humarang sa kaniya.

Hindi siya nag sasayang ng mga skill sa mga ito.

At purong pisikal na lakas ang kaniyang pinapakita.

Si alena naman ay pinuluputan ang mga kalaban niyang vicious beast.

Ang pag gamit niya sa kaniyang Sandata ay maayos na.

Nakokontrol na niya ito bilang pang atake at depensa.

Si munting Ophir naman ay ginagaya ang mga atake ni zuki.

Habang pananonood niya ang paglaban ng binata ay mas na eenganyo siyang sundan ang yapak ng kaniyang master sa pag gamit ng espada.

Pinupuntirya niya ang ulo ng kaniyang mga kalaban at nagtatagumpay siya sa pag paslang sa mga kalaban.

Si Recon naman ay mabilis na pinapaslang ang mga nakakalaban niya.

Sa lumipas na sampung minuto ay halos pitongput walo na ang napaslang ng grupo ni zuki.

Sa ngayon ang kaniyang ranggo ay hindi parin umaakyat bilang 2nd level Angel Rank.

Alam niyang mahirap magpataas ng level lalo na ngayon na isa na siyang angel rank.

Pero wala siyang balak na mag aksaya ng oras kailangan niyang matapos ang kaniyang misyon sa lugar na ito.

Wala siyang pakealam kung malalakas ang mga nasa itaas na palapag.

Lalaban siya hanggat mayroon siyang lakas.

Sa ngayon ay mayroon nalang siyang apat na kalaban.

Nagawa niyang mapatay ang limang 3rd level angel beast rank at iba pang 2nd level Angel beast rank

Ang kasalukuyang itsura ng binata ay napakadungis.

Naliligo siya sa mabahong dugo ng mga vicious beast.

Pero kahit ganun ay walang kahit anong pinsala siyang natamo.

Maayos parin ang aura niya at ayos pa ang pag hinga.

Nang tumuntong siya sa ranggong ito ay maraming pagbabago ang naramdaman niya sa kaniyang soulforce.

Mas lumawak ito at tila isang Dagat ng soulforce ang kaniyang soulforce coil.

Napakarami pero hindi sobra

Ganito ang soulforce niya.

Mahaba habang pagsasanay pa bago niya maabot ang susunod na ranggo.

Dahil sa ngayon hindi na siya pangkaraniwang adventurer.

Siya ang apprentice ng diyosa ng buwan at reincarnation ng pinakamalakas na hero ng Twilight Continent at dating emperor na si Tsuki tsukino at siya ay si Zuki takigawa.

Ang adventurer na nagmula sa normal na mundo at napunta sa mahiwagang daigdig para bumuo ng matinding pakikipag sapalaran.

Dito palang nag sisimula ang lahat

Ang mahirap na bahagi ay malayo pa.

Mahaba pa ang kaniyang panahon para mag sanay.

At magagawa niya lang ay mag palakas at pagyamanin ang kaniyang karanasan.

At maging karapat dapat bilang Disipolo ng diyosa ng buwan.

Total concentration

Moon Breathing Technique

8th form: Majestic Moon Slash

Sigaw ni zuki at isang mabilis na atake ang kaniyang ginawa.

Ang skill na ito.

Ang skill ni tsuki tsukino.

Namana na niya ang skill nito ang Moon Breathing Technique.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-xxxv_46732570464934372 for visiting.

Bumagsak ang apat na vicious beast at wala nang buhay.

Makikita ang takot ng mga natitirang vicious beast.

Takot sa kamatayan! Gusto nilang umalis ngunit may mga sinulid ang pumipigil sa kanilang pag galaw.

Isang masaklap na katotohanan nalang ang nag hihintay sa kanila at iyon ang agarang kamatayan.

Ang buong pamilya ni estevan ay pagod na pagod matapos nang pakikipag laban sa grupo ng mga halimaw.

Hindi nila akalain na magagawa nilang matalo ang lahat ng mga kalaban.

Sa ngayon lahat sila ay mga 10th level celestial rank at isang malaking oportunidad na ito sa kanila.

Salamat sa binatilyo na dahilan kung bakit nila ito natatamasa sa ngayon.

Samantala sa isang silid ay makikita ang isang babae na nahihiwagaan sa mga nangyayari.

Paano niya natalo ang aking mga alagad

Ang isang Hamak na 1st level Angel Rank at mga 10th level celestial rank niyang mga alagad.

Nakakabilib man pero kailangan niyo na agad mawala hahahaha.

Sabi ng babae at hinanda ang kaniyang laruang latigo.

Mas mabuti ito mag kakaroon ako ng mga bagong alipin.

HAHAHAHAHAHA!

:To be Continued:

A/n: hello everyone hehe gaya ng pinangako ko yes nakapag update ako.

Salamat sa mainit na pag suporta niyo saakin at maraming salamat kasi hindi kayo nag sasawa saakin.

Asahan niyo na mas gagalingan ko pa sa susunod.

Next chapter: the Sadist General

Vote and Comment

Next chapter