36 Chapter XXXIV

Chapter XXXIV: Hero Ranking

-------

Isang mabilis na pagwasiwas ng espada ang ginawa ng binata.

Agad naman umiwas si estevan at mabilis na gumanti nang paikot na atake.

Pero madali lang itong naiwasan ng binata.

Dahil ito sa pag pagaspas ng kaniyang mga pakpak.

Napansin naman ni estevan ang mabilis na pag iwas ng binata kaya naman buong lakas niyang winasiwas paikot ang kanyang espada.

At isang malakas na dagundong ang naganap ng mag salpukan ang kanilang mga sandata.

Bakas sa mukha ng binata na tila walang kahirap hirap para sa kaniya ang pagsalag sa atake ni estevan.

Samantala si estevan naman ay hirap na hirap na sa pag papanatili ng hawak sa kaniyang espada.

Para siyang nakikipag buno sa isang malaking halimaw.

Hahahaha di ko akalain na ang isang hamak na beastman ay magagawang makasabay saakin.

Parang gusto ko nang humanga sa binatang nag mamay-ari ng katawang ito.

Sabi ng binata at walang kahirap hirap na umalis sa pwesto niya kanina.

Nagulat si estevan sa biglaang pag alis ng binata kaya naman naihawi niya pabagsak ang kaniyang espada.

Tumama ito sa sahig at bumaon ito dahil sa lakas ng pagkaka bagsak.

Pero balewala itong hinugot ni estevan at inihanda ang sarili.

Kayong mga beastman makinig kayo!

Ma otoridad na sigaw ng binata kaya naman napatingin si estevan at ganun din si Olivia na kabababa pa lamang mula sa pag kakabaon niya sa pader.

Maging ang mga batang beastman ay narinig ang sinabi ng binata kahit sila ay nasa labas.

Mapanghamak na ngumiti ang binata at maya maya pa ay biglang nag iba ang anyo nito.

Nagbalik ito sa kanina nitong anyo.

Ang binatilyong may Itim na buhok at pulang mga mata.

Wala rin ang mga buntot nito senyales na hindi ito nag hahanap ng gulo.

Sa kasaluyuan ako at ang may ari ng katawang ito ay may mahalagang pinag uusapan.

Maaari kayong makinig pero wag kayong makikialam sa aming usapan.

Sabi nito at maya maya pa ay nagliwanag ang katawan ng binata.

Ang liwanag ay biglang unti unting gumagalaw paitaas na parang umaalis sa katawan ng binatilyo.

Sila estevan ay nagulat sa nangyayari.

Hindi nila alam ang nangyayari pero nakakaramdam sila ng pagkamangha.

Sa katawan ng binata ay may kakaibang nangyayari.

Dahil sa liwanag ay unti unting bumabalik ang tunay na wangis ng binata.

Ang puti nitong buhok na hanggang leeg at ang mga mata nito magkahalong Dilaw at ginto.

At ang nakakapag taka ay ang puting liwanag na nasa kaniyang itaas.

Tumingala ang binata at tiningnan ang liwanag.

Salamat naman at binalik mo saakin ang kontrol saaking katawan.

Sabi ng binata at makahulugang ngumiti.

Ang enerhiyang ito.

1st level Angel Rank.

Nananabik ang binata.

May naramdaman siyang kung anong enerhiya gusto niya itong ilabas at maya maya pa ay may malalaking pakpak ang lumabas sa kaniyang likuran.

(Yun ang nasa media sa itaas)

Ang puting liwanag naman ay mas tumingkad at sa isang iglap ay nagkaroon ito ng porma.

Porma ng isang tao na may itim na buhok.

Ang taong ito ay walang iba kundi si Tsuki Tsukino ang Emperor ng Twilight Continent sa Upper Realm.

Sa wakas at taglay mo na ang lakas ng isang aktual na angel rank.

Mayroon akong idinagdag sa ranking system mo hindi kaya ngayon pangkaraniwang nilalang.

Magagawa mo nang makipag sabayan kahit sa aktual na Demon rank pataas.

Sabi ni Tsuki sa binata.

Kung ganun nagkaroon ng malaking pagbabago sa ranking system maiiba na ang mga pagkakasunod sunod ng ranggo.

Magkakaroon ako ng mga espesyal na ranggo na ako lang ang meron ganun ba? Tanong ng binata.

Oo! Sa madaling salita ikaw lang ikaw na biniyayaan ko ng aking lakas bilang isang "Hero" ang gaya ko ay may basbas ng  Diyos at ikaw naman ay isang apprentice ng isang diyosa.

Marahil ay ibibigay niya rin ito pero uunahan ko na siya.

Sabi ni Tsuki at tila mayroong hinahawi sa hangin.

Ito ang mga status na makukuha mo makikita mo ito sa System na nasa iyong loob.

Sabi ni tsuki kaya naman agad itong sinunod ng binata.

System Command New Ranking System! Maotoridad na sabi ni Zuki sa system.

Ting! System access

Ting! New Ranking View!

Sabi ng system at mayroon nang naririnig na tingin ang binata.

New rank System

Angel Rank 1-10

10,000,000,000,000 - 100,000,000,000,000

New System "Hero" system

Heavenly Angelic Elite Rank 1-10

100,000,000,000,000 -> 120,000,000,000,000,

Heavenly Angelic Master Rank 1-10

120,000,000,000,000 -> 140,000,000,000,000

Heavenly Angelic Epic Rank 1-10

140,000,000,000,000 -> 160,000,000,000,000

Heavenly Angelic Champion Rank 1-10

160,000,000,000,000 -> 180,000,000,000,000

Heavenly Angelic Sky Rank 1-10 200,000,000,000,000 -> 230,000,000,000,000

Heavenly Angelic Legend Rank 1-10 230,000,000,000,000 -> 260,000,000,000,000

Heavenly Angelic Celestial Rank 1-10 260,000,000,000,000 -> 290,000,000,000,000

Heavenly Angelic Rank 1-10 290,000,000,000,000 -> 310,000,000,000,000

Heavenly Angelic Supreme Rank 1-10 340,000,000,000,000 -> 370,000,000,000,000

Heavenly Angelic Lord Rank 1-10 370,000,000,000,000 -> 410,000,000,000,000

Nagulat si zuki sa nilalaman ng system

Ang mga dagdag na ranggo ay mga pantapat sa mga aktual na demon rank.

Hindi siya makapaniwala sa kaniyang naririnig.

Mga stats na siya lang ang meron

Sa ranggong ito ay magagawa niyang maging pinakamalakas.

Tumingin siya kay Tsuki at makahulugang ngumiti.

Nang makita naman iyon ni Tsuki ay nakaramdam siya ng pamilyar na larawan.

Larawan ng dating siya! Bata! Maraming salamat sa pagbibigay buhay ng aking katauhan.

Ang mga munting regalo ko ay sanay magamit mo sa hinaharap.

Maging malakas ka Akyatin mo ang pinaka tuktok.

Ang ranggo ng makakalaban mo sa ika isang daang palapag ay isang Actual na Divine Rank talunin mo siya at Magtungo ka sa mundong pinag mulan ko.

Iligtas mo sa kadiliman ang aking nasasakupan ito ang Huli kong hiling sayo.

At isa pa ang ating isipan ay magiging isa na magkakaroon ka ng mga karunungan na nagmula saakin.

At pagkaingatan mo ang ala ala ng pinaka mamahal kong si Luna.

Sabi ni Tsuki at sa isang iglap ay naglaho ang puting liwanag.

Ting! System access Memory Merged

New Skill acquired

New Profesion acquired

Memories Added

Nang marinig iyun ni zuki ay nagkaroon ng ibat ibang imahe ang mabilis na pumapasok sa kaniyang isipan.

Mga lugar mga kilalang tao

Mga kaibigan mga minamahal at ang babaeng iyun.

Si Luna

Bumuhos ang luha sa mga mata ng binata.

Nararamdaman niya ang paghihinagpis ni Tsuki

Ang wagas na pag ibig sa puso at isipan ni tsuki ay nasa kaniya na.

Pati rin ang samahan ni Dracious at Tsuki ang pagkakaibigan na nauwi sa pag tataksil at sanhi ng kamatayan.

At ang pinamumunuang continente ang mga magandang tanawin mga paboritong lugar mga ala ala na mayroon si Tsuki.

Saya at kalungkutan ang lahat.

Lumipas ang ilang saglit ay tumigil na sa paghikbi ang binata.

Sila Estevan naman ay lumapit sa binata.

Sa wakas nakabalik kana master! Magalang na sabi ni Estevan at lumuhod.

Ganun din ang ginawa ni Olivia

At nang makita naman ng tatlong batang beastman na ayos na ang lahat ay agad silang pumasok sa loob at nagbigay galang sa kanilang master.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-xxxiv_46732545232001236 for visiting.

Maligayang pagbabalik Master Zuki Takigawa

:To be Continued:

Hello everyone nandito na ako nagbabalik hehe! Nag move on lang muna ako kaya hindi ako nakakapag ud.

Nagustuhan niyo ba hehe

Marami kayong aabangan sa mga susunod na chapter.

Mag fofocus na ako sa pagsusulat.

Next chapter :Start:

Next chapter