35 Chapter XXXIII

Chapter XXXIII: Transformation

-------

Nasaksihan ng buong pamilya ni Estevan ang karumal dumal na sinapit ni dracious

Hindi sila makapaniwala sa kanilang napanood, kung paano unti unting pahirapan ng binatilyo si dracious nang walang kahirap hirap.

Hindi nila lubos maisip na ganito ka brutal pumatay ang binata.

Makikita ang matinding galit sa mga mata nito.

Mata na puno ng galit.

Si Munting Ophir naman ay hindi rin makapaniwala lalo na ng biglang lumabas ang siyam na buntot sa likod ng binatilyo.

Nag mistulang isang uri ng beastman si zuki na tinatawag na Foxkin

Ang mga foxkin ay mga nilalang na may wangis ng isang Fox at bawat Foxkin ay may mga tinataglay na buntot at ang mga buntot na iyon ang sukatan ng kanilang lakas.

Pero sa mga buntot na lumabas sa likod ng binata ay hindi iyon buntot ng isang foxkin.

Isang minuto na ang lumipas ng mahulog ang ulo ni dracious sa sahig.

Ang kasalukuyang katawan nalang nito ay naglalabas ng kasulasulasok na amoy.

Hindi nila akalain na ganito ang sasapitin ng isang 1st Level Angel Rank sa isang hamak na 10th level celestial rank.

Ang enerhiyang inilalabas ni zuki takigawa ay wala paring nagbabago.

Nananatili parin siyang 10th level celestial rank.

Nag simulang gumalaw ang mga paa ng binatilyo patungo sa bangkay ni dracious.

Lumingon ito sa kanila at ang buong mag anak ni estevan ay nakaramdam ng kilabot sa mapupulang mga mata ng binata.

Para silang sinasakal sa pamamagitan ng mga tingin nito.

Pero napawi rin ang pangamba nila ng ituon ng binata ang tingin nito sa bangkay ni dracious.

Dahan dahang lumuhod ang binata sa bangkay ni dracious at ang mga buntot niya ay mabilis na sinaksak ng paulit ulit ang katawan ni dracious.

Nang masaksihan nila estevan ang ginagawa ng binata ay lalo silang nakaramdam ng takot.

Walang awa, brutal, masahol pa sa isang demonyo.

Kahit ang bangkay ng isang namayapa na ay patuloy parin nitong sinasaktan.

Ang tatlong anak naman ni estevan ay hindi nakayanan ng maruming ginagawa ng binata.

Hindi sila makapaniwala sa mga nangyayari.

Si munting Ophir ay nagtakip ng kaniyang mata at si Alena naman ay niyakap ang kaniyang kapatid at si Recon.

Masyadong maselan ang eksenang ito at hindi kaya ni alena na makita ang karumal dumal na ginagawa ng binatang tumulong sa kanila.

Sa kabilang banda ay may napansing kakaiba si estevan ang ginagawang pag saksak ng binata sa katawan ni dracious ay may iba pang ginagawa ang binata.

Napansin ni Estevan ang balikat nito at halatang kinikilos nito ang kamay.

Lalapitan sana ni estevan ang binata pero ng humarap ito ay nagulat sila.

Ang labi ng binatilyo ay may mga dugo na tumutulo mula sa kaniyang nginunguya.

Hindi makapaniwala si Estevan hindi isang uri ng beastman ang binata kundi isang Cannibal creature.

Isang Ghoul.

....

Nang mga sandaling iyon ay nagkatitigan si estevan at ang binata.

Ikaw mababang nilalang ano tinitingin tingin mo! Sabi ng binata sa nakakatakot na boses nito.

Tila ibang tao ang nasa harap ngayon ni estevan.

Hindi ito ang binatang nag ligtas sa kaniya.

Sino ka? Hindi alam ni estevan kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob na magsalita sa pagkakataon na ito.

Tinatanong mo kung sino ako! Isa ka lamang basura kaya walang kang karapatang malaman ang pangalan ko.

Sabi nito kay estevan habang makikita ang nakakapangilabot nitong ngiti.

Ngiti ng isang demonyo.

Die! Sa isang iglap ay tumilapon si estevan mabuti nalang at naiharang niya kaagad ang kaniyang sandata sa atakeng ginawa ng binata.

Inatake siya ng binata gamit ang itim nitong mga buntot.

Iniiwasan niya ito pero dahil madami ang mga ito ay denedepensahan niya nalang ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang espada.

Si Olivia naman ay naalerto ng biglang pag atake ng binata kay estevan.

Mga bata mag si alis na kayo delikado sa lugar na ito.

Sabi ni Olivia mabilis naman na kumilos si Recon binuhat niya ang bunso niyang kapatid at si alena ay hinawakan ang kamay at lumabas na sa silid.

Hinanda ni Olivia ang kaniyang sarili.

Ngayon ay kasalukuyan na siyang 9th level celestial rank at may technique na siya sa pag gamit ng kaniyang sandata.

Subukan natin ang tigas mo binata.

Sabi ni Olivia at mabilis na sinugod si Zuki.

Nang mapansin naman ni estevan ang pag atake ni Olivia ay napasigaw siya.

Huwag! Sigaw ni Estevan.

Hindi pinansin ni Olivia ang saway ni Estevan at inipon ang kaniyang enerhiya sa kaniyang mga paa at kamao.

Isang mabilis na pag bulusok ang ginawa ni Olivia.

Flaming Iron Fist!! Sigaw ni Olivia at ang kaniyang Armament ay nabalutan ng nagliliyab na apoy.

Palakas ito ng palakas hanggang magkaroon ng malakas na banggaan ang naganap.

Ang banggaan ito ay dahil sa pag harang ng isang buntot ni zuki.

Hindi naman makapaniwala si Olivia tila isang bakal ang buntot na iyun.

Malakas ang atakeng pinakawalan niya pero balewala lang itong denepensahan ng binata.

Dalawang 9th level celestial rank

Magsama kayong mga basura.

Sigaw ng binata at mabilis na sinugod si Olivia.

Isang mabilis na Suntok ang ginawa niya hindi makapaniwala si Estevan sa bilis ng pangyayari.

Agad tumilapon si Olivia sa pader at bumakat ang katawan nito sa pader.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-xxxiii_46732519193757229 for visiting.

Nakaramdam siya ng galit sa sinapit ni Olivia.

Napakapit siya ng mahigpit sa kaniyang espada.

Tumalon siya pabulusok sa binata at iwinasiwas ng malakas ang kaniyang espada.

Clanggggg! Isang malakas na pagtama ng dalawang talim ang umalingaw ngaw.

Sa ngayon ay ginamit ng binata ang kaniyang katana.

Pero sa pagbangga nito sa atake ni Estevan ay walang mahika o soulforce ang dumaloy sa sandata.

Purong physical na atake.

Hmmm iba ka may nararamdaman akong malakas na pwersa sa kaloblooban mo.

Sabi ng binata.

Ang binatang nag mamay-ari ng katawang iyan ang dahilan ng lakas ko.

Sabi ni Estevan at iwinasiwas pa ikot ang kaniyang espada.

Umiwas naman ang binata at maghahanda sa gagawing atake ng magpakawala ng malakas na Shockwave ang espada ni estevan.

A/n: Skill at Move ni Alucard haha.

Nagulat ang binata pero nakabawi din siya ng magawa niyang iwasan ang skill na iyun.

Kung tinamaan siya ng atakeng iyun ay tiyak na naparalisa na siya.

Pero dahil sa kakaibang nangyayari sa binata ay hindi ito nakikitahan ng takot kundi ang pananabik.

Ipapakita ko sayo ang kakayahan ng aking Transpormasyon.

Sabi ni binata at ang kaniyang mga buntot ay nawala at ang kaniyang buhok ay unti unting nagiging kulay puti.

Pero nahinto ang pagbabagong anyo nito sa pagpapalit ng kaniyang kanang mata.

Naging Violet ang kulay ng Kanang mata nito at Pula sa kaliwa.

Ang tenga nito ay humaba at may lumabas na pakpak sa kaniyang likod.

At nagkaroon ng Halo sa kaniyang uluhan.

Masdan mo ang kakayahan ng aking transpormasyon.

Ang pagbabago ng anyo ayon sa kagustuhan ko!! Sabi ng binata kaya naman nakaramdam ng kapangipangilabot na enerhiya si estevan.

Ang mala maharlikang kapangyarihan ang kakayahan na mag bagong anyo.

Ang binatang kanina ay ghoul ngayon ay isang Arch Angel.

Napapalibutan ito ng puting enerhiya.

Ngayon beastman labanan mo ako ng buong lakas mo! Sabi ng binata at nagpakawala ng isang malakas na pag hawi ng kanyang katana.

:To be Continued:

:next chapter Hero Ranking:

Vote and comment

May last 8 chapters pa para sa volume na ito.

Next chapter