32 Chapter XXX

Chapter XXX: 1st floor General Dracious

------

Ilang sandali nalang ay malapit ng dumating ang hukbo ng nagngangalang Dracious.

Marami ang mga ito at halos magkalampagan ang mga ito sa pader ng bawat bahagi ng unang palapag.

Naging alerto silang lahat sa paparating na kalaban.

Habang inaabangan nila ang pagdating ng mga kalaban ay nakaisip ng paraan ang munting dalaga na si Alena.

Nagliwanag ang kaniyang Heaven's Thread at ang sinulid nito ay mabilis na kumalat sa buong paligid.

Gumapos ito sa mga haligi at nagkaroon ng malaking pader na gawa sa sinulid.

Napansin ni zuki ang kakaibang hulma nito at ng kumislap ito ay napantanto niya ang kakahinatnan ng lalapit dito.

Tiyak na magkakapira piraso ang lalapit dito.

Nang makita nila Estevan ang ginawa ng kanilang anak ay namangha sila.

Wala tayong oras para humanga kay ate kailangan nating paghandaan ang malalakas na kalaban.

Sabi naman ni Ophir at hinugot ang kaniyang espada.

Kapansin pansin na hindi pa tama ang pag hawak niya sa sandatang iyon.

Si Recon naman ay hinanda ang kaniyang Golden Spear pinalabas ang enerhiya ng isang 7th level celestial ranker.

Ganun din sila Ophir at Alena.

Ang tatlong batang ito kung sa mundo ng mga adventurer sila nabuhay ay tiyak na kakaingitan sila.

Ngunit dahil dati silang vicious beast ay malayo sila sa mga normal na adventurer.

Nang masaksihan ni Olivia at Estevan ang kanilang mga anak ay nagkaroon sila ng matinding kompyansa.

Mukhang mga anak pa natin ang magpapasikat sabi ni Olivia kay Estevan.

Mukha nga! At dahil ito sa binatang tumulong saatin.

Sabi ni estevan at tumingin kay zuki.

Salamat! Sabi ni estevan kay zuki sa pamamagitan ng kaniyang isipan.

Hindi man niya ito sinabi ng personal ngunit ipapakita niya nalang ito sa gawa.

Ang lakas na meron siya bilang isang 9th level celestial rank ay makakatulong na sa binata.

Hinigpitan niya ang hawak sa kaniyang sandata at ramdam niya ang enerhiyang nakapaloob sa sandatang iyon.

Ilang sandali pa ay nakarating na ang mga vicious beast at nakita nila ang mga sinulid sa paligid.

Hindi nila pinansin ang mga sinulid at deretso lang na sumugod.

Nang makalapit ang unang Limang Vicious beast ay isang pangyayari ang nakapag patigil sa kanilang pag sugod.

Ang limang naunang sumugod ay nagkapira piraso ng sugurin nila ang pader na gawa sa sinulid.

Kinilabutan naman si Zuki sa sinapit ng mga vicious beast.

Kumalat ang nakakasulasok na amoy ng dugo sa paligid.

Ang enerhiyang kumakalat mula sa katawan ng mga nagkapira pirasong vicious beast ay 8th level celestial beast rank.

Nang malaman niya ang ranggong meron ang mga napaslang ni alena ay napansin niya ang unti unting pag taas ng enerhiya nito.

Tumuntong na ito sa ranggong 8th level celestial rank.

Aba aba! Ang tindi nang sandata mo! Sabi ni Olivia at makikita ang pag hanga sa kaniyang anak.

Ngayon ako naman! Sabi ni Olivia at mabilis na umatake sa mga kalaban.

Gamit ang kakaiba niyang bilis ay isang malakas na suntok ang ginawa niya sa isang Gargoyle na may level na 8th level celestial beast rank.

Nang suntukin ito ni Olivia ay nagkaroon ng malakas na pwersa ang nagpataksil rito.

Inatake si Olivia ng iba pang kalaban ngunit agad niyang inatake isa isa ang mga kalaban.

Namangha si zuki sa kilos ni Olivia.

Napakabilis tumama ng mga kamao nito sa mga kalaban.

Sa mga kamao ni Olivia ay nagkakaroon ng kakaibang hugis ng enerhiya sa tuwing tatama ang mga ito sa kalaban.

Hehe! Nagpapasikat si Alena at pati si ina.

Sabi ni Recon at pinaikot ikot ang kaniyang sibat at mataas na tumalon.

Atake lang! Sigaw ni recon at nakuha niya ang atensyon ng mga kalaban.

Agad siyang inatake ng mga ito pero mabilis niyang napapabagsak ang mga ito sa pamamagitan ng mabilis na pag hiwa sa kalamnan ng mga ito.

Ang paraan ni recon sa paggamit ng sibat ay talagang nakakapanibago para sa mga matagal nang gumagamit nito.

Ang bilis sa pag wasiwas at paraan ng pag papaikot niya nito sa pamamagitan ng kaniyang dalawang kamay ay sadyang napakabilis.

Ophir halika rito umatake ka! Sigaw ni alena kay ophir at mabilis itong sumunod sa kaniyang ate.

Ang mga sinulid ni alena ay naging matibay na klase ng sinulid nalawa ang matatalim nitong parte at naging matibay na pang kapit.

Agad niya itong ikinalat sa paligid.

Pinuluputan niya ang isang kumpol ng mga vicious beast ay halos hindi makagalaw ng mga ito.

Nakita ni ophir ang pagkakataon.

Mabilis niyang inatake ang mga halimaw at tinarget ang ulo ng mga ito.

Agad nagsibagsakan ang mga ulo sa sahig.

Hehe! Tapos na dito! Sabi ni Ophir at napangiti si alena.

Estevan! Ginoo zuki mauna na kayo kami na ang bahala sa mga alagad ni dracious.

Sabi ni Olivia at inatake ang isang halimaw dahilan ng pagtilapon nito.

Tara na! Sabi naman zuki at sinundan naman siya ni Estevan.

Balewala naman nilang pinapatay ang mga halimaw na haharang sa kanila.

Sa dulo naman umaatakeng mga halimaw ay may isang lalake ang matatag na nakatayo sa ere.

Pinag mamasdan niya ang dalawang adventurer na mabilis na pinapaslang ang mga alagad niya.

Pamilyar ang aurang inilalabas ng binatang may puting buhok at ganun din ang lalaking beastman.

Si Estevan at Emperor Tsuki! Papaano napunta rito ang emperador ng moon kingdom.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-xxx_45968951301167709 for visiting.

Ang kaniyang balahibo ay nagsitayuan.

Nang makita niya ang binata.

Paaanong nabuhay kapa!

Tsuki Tsukino

Mabilis na binabagtas ni Zuki at estevan ang lugar kung saan nila nararamdaman ang nag iisang nakakataas sa lahat.

Ang nilalang na may lakas ng 1st level Angel Rank.

Arrrrrggggghhhhh! Malakas na sigaw ni Zuki at Iwinasiwas ang kaniyang malapad na Katana.

Medyo naninibago siya sa timbang ng kaniyang sandata pero nakakabisado na niya ito paunti unti.

Tinitipid niya ang kaniyang mana at soulforce para sa paglaban sa nag iisang angel rank.

Maya maya pa ay nakarating sila sa bukas na gintong pintuan at nakita nila ang isang lalaking nakasuot ng itim na roba at may malaking Scythe sa kaniyang likod.

Nang makita naman ito ni Estevan ay kumulo bigla ang kaniyang dugo at gusto nang sugurin ang lalaking lumulutang ngayon sa ere.

Pero pinigilan siya ni zuki.

May napansin si zuki sa mga mata ng nasa harap niya.

Mata ng muling pag haharap.

Sa mga mata ng nasa harap niya ay parang natutuwa itong makita siya.

Maligayang pagdating sa aking teretoryo mga mandirigma.

Ako si Dracious Ang Tatapos sa mga naghihirap ninyong mga buhay.

Pero bago ko gawin yun ay ikinagagalak kong makita kang muli.

Tsuki Tsukino Emperador ng Moon kingdom.

Sabi ni Dracious at kinuha ang kaniyang itim na Scythe.

Kung sino man ang binabanggit mo na Tsuki Tsukino ay nag kakamali ka.

Ang pangalan ko ay Zuki Takigawa at ako ang tatapos sa buhay mo.

Sabi ni zuki at inilabas ang aura ng isang 10th level celestial rank.

:To be Continued:

Sensya na ang lame ng update ko

Broken hearted ang idol niyo eh.

Sisikapin kong makapag update agad sensya na.

Vote and comment

Next chapter