28 Chapter XXVI

Chapter XXVI: Tower Of Doom

----

Kasalukuyang lumilipad sa napakalawak na karagatan ng mga kayamanan sila selene at zuki.

Kapansin pansin ang hindi magkamayaw na ekspresyon ng binata.

Hindi siya makapaniwala na ganito ang itsura ng Mystical Astrad mirror.

Ang paraisong hindi makikita sa ibang pang mundo.

Napansin din ng binata ang napaka yamang enerhiyang nakakalat sa paligid.

Ang hangin, damo at ibat pang may buhay ay mayroong mayamang kalidad ng soulforce.

Ngayon lamang siya nakadama ng ganitong uri ng soulforce.

Naisin man niyang huminto para magsanay ay hindi niya magawa dahil may gustong ipakitang lugar ang kaniyang guro.

Kasalukuyan silang lumilipad patungo sa timog na bahagi ng Mystical Astrad World.

Ang tawag ni selene sa lugar na ito ay ang Doom Valley dahil sa kakaibang pangyayari sa lugar na ito.

Dahil sa Doom Valley nakakulong ang karamihan sa mga mababangis na Vicious Beast na makikita sa iba't ibang Realm.

Ang Doom Valley ay mayroong Limang Bahagi.

Ang Timog na bahagi ng Doom Valley ay ang Valley Of Flames kung saan naninirahan ang mga halimaw na mayroong elemento ng apoy.

Ang mga halimaw na naninirahan sa Valley of flames ay tumataas sa Sky Rank hanggang Demon Rank kung saan mahirap makipagsabayan dahil lahat ng halimaw ay nagagawang makalipad.

Napantanto ng binata kung bakit sinabihan siya ng kaniyang guro na tumuntong sa Celestial rank upang magawang makasabay sa mga halimaw na naninirahan sa lugar na ito.

Itinuro din ni selene sa binata ang ibat ibang bahagi ng doom valley.

Ang Valley of Waves na makikita sa Hilagang bahagi kung saan makikita ang napakalawak na Karagatan pero hindi ito basta basta dagat dahil naninirahan dito ang mga mapanganib na vicious beast na may ranggo Celestial Hanggang Divine Rank.

Kaya naman napaka mapanganib ng mga naninirahan sa Valley of Waves.

Sa silangan bahagi ay naroroon ang Valley of light kung saan makikita ang mga Celestial Rank hanggang Angel Rank ang mga ito ay nakakagamit ng elemento ng liwanag kung saan maaaring maging malakas na pwersa ng mahika o pang gagamot.

At sa kanluran makikita ang Dark Valley kung saan makita ang mga demon rank na may kakaibang kakayahan.

May kakayahan silang hindi Makikita

Sa ibang mga nilalang.

Ang mapangwasak na kakayahan ng mga demon rank ay sadyang mapanganib kahit sa mga Divine hanggang Supreme ranker.

Pero sa gitna ng Doom Valley ay napatingin ang binata.

Maari bang magtanong master! Ano ang lugar na iyon.

May nararamdaman akong marahas na enerhiya sa lugar na iyon.

Sumbong ng binata.

Pero imbis na sagutin ni selene ang kaniyang katanungan ay binigyan lamang siya nito ng makahulugang ngiti.

Ang Lugar na iyan ang Tower Of Doom ang lugar na iyan ang sentro ng lahat ng nilalang na naninirahan sa doom valley.

Ang tower of doom ay isang bilanguan kung saan nakakulong ang mga pinaka mababagsik na Vicious Beast.

Ang Tower Of Doom ay may Isang daang palapag ang mga ranggo ng mga vicious beast ay nakahanay sa kaniya kaniyang silid.

Ang bawat palapag ay mayroong limangpung silid kung saan nakakulong ang mga halimaw.

Ngunit may isang silid na naiiba sa bawat palapag at ibig sabihin nun ay iyon na ang pinuno sa mismong palapag na iyon.

Ang mga pinuno ay mismong General.

Katulad ito ng mga Numbered beast na nakalaban mo ang mga general ay may bilang isa hanggang isangdaan.

Kung mamagagawa mong matalo ang lahat ng mga nasa loob ng Tower Of Doom ay makakatanggap ka saakin ng magandang Regalo.

Sabi ni Selene sa binata.

Ang binata naman ay nakaramdam nang excitement.

Pero napantanto niya ang presensyang nararamdaman niya sa lugar na iyon.

May mga nilalang na mag malakas sa kaniya na naroroon.

Kailangan niyang mag ingat sa mga ito.

Pero naalala niya ang mga salitang binanggit sa kaniya ni Rena.

Malaki pa ang pinagkaiba nilang dalawa.

Dito palang nag sisimula ang kaniyang pakikipag sapalaran.

Ang kaniyang Buhay laban sa mga mababangis na halimaw ay nalalapit ng maganap.

Zuki! Halika muna saglit!at mag bigay galang! Pag tawag sa kaniya ni selene.

Agad siyang lumapit sa kaniyang guro at tumuhod bilang pag galang.

Simula ngayon ay binabasbasan kita sa paggamit ng mga kayamanan sa mundong ito.

Hahayaan kitang magpalakas sa lugar na ito ng mahabang panahon ibinibigay ko ang Kontrata ng pag mamay ari ng Mystical Astral Mirror.

Sabi ni selene at gulat na gulat na tumingin ang binata kay selene.

Ngunit master ang Mystical Astral Mirror ay Hindi katanggap tanggap na mapunta saakin.

Isa lamang akong tagasunod mo master.

Sabi ng binata na puno ng pag galang.

Hm! Huwag mo masyadong babaan ang iyong moral Zuki ang kasalukuyang ikaw ay malayo na sa isang basura may kakayahan kanang makipag digma sa mga malalakas na halimaw.

Sa ngayon ay may sasabihin ako sa iyo at marahil ito na din ang huli nating pagkikita.

Sabi ni selene kaya naman may namuong katanungan nanaman sa isip ni zuki.

Anong ibig niyong sabihin master? Huling pagkikita bakit may problema ba.

Tanong ng binata kaya selene.

Hmm! Kung gusto mong malaman sige  sasabihin ko na.

Limang taon mula ngayon ay may Limang Malalakas na nilalalang ang susugod saakin para kunin ang aking buhay kailangan kong maghanda sa darating na digmaan.

Ang mga parating ay isang grupo mula sa mythical Realm na hinahanap ang mga titan diety na kagaya ko.

Gusto nilang ubusin ang lahat ng Titan Diety na nabubuhay at bilang ako'y isang titan at may titulong Goddess of the moon at mas kilala rin ako sa Tawag na Luna.

Kailangan kong ihanda ang aking hukbo kasama na sila Rena at Torah at maging ikaw.

Kailangan mong maghanda dahil ito ang mission ko.

Ang ingatan ang binatang nasa propisiya.

Sabi ni selene at lahat ng kaniyang binanggit ay nagkaroon ng maraming katanungan sa binata.

Isang digmaan limang taon mula ngayon.

Isang Hukbong pandigma at propisiya.

Sa dami ng mga pumasok na impormasyon sa kaniyang isipan ay medyo sumakit ang kaniyang ulo.

Paano ako makakatulong? Tanong bigla ng binata.

Kung paano ka makakatulong! Hmm? Sabihin ko nalang na maaari kang makatulong saakin sa isang kundisyon.

Kailangan mong magpalakas dito.

Kailangan mong mapaslang ang lahat ng halimaw na naninirahan sa Doom Valley.

Ang misyon na ito ang hamon ko sayo!

Sa loob ng limang taon kailangang makatungtung kana sa pinakamataas na ranggo.

Ang mythic Rank! At sa pagtapak mong yun ay matutuklasan mo ang walang hanggang ranggong nahihintay sayo.

Sabi ni selene at ang kaniyang kamay ay nababalutan ng puting enerhiya.

Sa malayong parte ng Mystical Astral Mirror ay may Limang Armaments ang biglaang nagsi liparan at mabilis itong tumutungo sa kinaroroonan nila Selene at Zuki.

Nagulat naman ang binata sa biglaang paglitaw ang limang armaments at higit sa nagpagulat sa kaniya ay ang mga liwanag na lumalabas sa mga armaments.

May pauna akong regalo sayo Zuki takigawa

Ang limang Armaments na ito ang pauna kong regalo sayo.

Ang mga ito ay mga Top-Tier Angelic Armaments

Maaari mo nang magamit ang mga ito.

Holy Light Armor

Holy Light Pants

Holy Light Gloves

Holy Light Boots

Holy Light Sword

Sabi ni selene at may sinabi pa siya na kakailanganin ng binata.

Ang mga armaments nayan ay mas lalakas pa ayon sa mismong gagamit ng mga ito.

Ang mga angelic Armaments ay mas lumalakas sa mga Celestial at mga Angel rank at kung susumain ay magandang pansimula ito diba.

Isang kagamitan na magagawang protektahan ka at mapalakas sa sarili mong paraan.

Ngayon maaari mo nang magamit ang mga ito.

Binabasbasan ko ang mga iyan para sayo.

At isa pa! Pahabol ni selene at nadako ang kaniyang mga kamay sa kwintas na suot niya.

Ang hugis nito ay mahihahalintulad sa buwan.

🌙

Ito ang Twilight Necklace makakatulong iyan sayo! Lucky charm.

Sabi ni selene at bigla niyang niyakap ang binata.

Sana'y magawa mo ang lahat ng ito.

Aasahan ko ang pagbabalik mo! Sabi ni selene at sa isang iglap ay bigla siyang naglaho.

Nang maglayo siya ay agad namang isinuot ng binata ang mga angelic Armaments.

Ang mga armaments ay may magkahalong puti at dilaw.

Nababagay sa kaniyang postura at kasalukuyan niyang ayos.

Nang maisuot niya ang mga armaments ay mapapansing pormado ang kaniyang kasuotan.

Para lamang nakasuot siya ng normal na kasuotan pero kung papansinin ang kaniyang holy light armor ay may mga matitigas itong mga parte.

Isinuot na niya ang puting sapatos

At puting gloves.

Pinagmasdan niya naman ang kwintas na binigay sa kaniya ni selene.

Master makakaasa ka mapapakinabangan mo ako sa digmaan.

Sabi ng binata at hinawakan ang bago niyang sandata.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-xxvi_45967383906541932 for visiting.

Hindi na ito kagaya ng nakasanayan niyang ispada dahil medyo makapal na ito at kakaibang materyales ang ginamit rito.

Ngunit ng iwasiwas ito ng binata ay nakaramdam siya ng kasanayan.

Hindi na din masama.

Sambit ng binata at tiningnan niya ang Tower Of Doom at napatingin siya sa unang palapag.

Sisimulan ko na ang paglilinis.

Sabi ng binata at sa isang iglap ay nasa ibaba na siya at nasa harap na ng itim na pintuan.

Ang pintuan na ito ay napakalaki senyales na malalaking halimaw ang nasa loob nito.

Ito na yun! Sabi ng binata at buong lakas nang loob siyang pumasok sa unang palapag.

:to be Continued:

A/n: hello everyone

Nagustuhan niyo ba

Abangan niyo ang mga susunod na chapter.

Aabangan niyo talaga ang mga magaganap kaya naman suportahan niyo padin ako ah at para sa mga iba.

Di ko na kayo papansinin hahayaan ko nalang na puro positive ang matanggap ko at maipakita ko na kaya ko.

At isa pa pag pasensyahan niyo na kung mga mga maling grammar hindi ako ganun kagaling na manunulat pero gagawin ko lahat ng magagawa ko para mapasaya ko kayo.

Hintay kayo sa next update.

Next chapter