31 Chapter XXIX

Chapter XXIX: 1st floor General Army

----

Ang binatang si zuki takigawa ay isang binata na nag mula sa normal na mundo.

Walang mahika, at walang pakikipag sapalaran.

Isang araw ay ang kaniyang pamamaalam sa kaniyang mga kasamahan at guro sa paaralang kaniyang pina pasukan.

At nang kaniyang pag-uwi ay isang hindi inaasahang kaganapan ang bumago ng kaganapan sa buhay ng binata.

Siya ay napunta sa mahiwagang mundo na puno ng mahika at lakas.

At sa mundong iyun ay nakilala niya ang diyosa ng buwan na si selene.

Ginabayan siya nito upang maging pinakamalakas.

At sa kasalukuyan ay nasa mahiwagang daigdig siya na tinatawag na Mystical Astrad Mirror at sa hilagang kontenente ay makikita ang doom valley at sa sentro nito matatagpuan ang Tower Of Doom.

At sa unang palapag ay makikita si zuki at ang pamilya ng vicious beast na ngayon ay pamilya na ng mga mandirigmang Beastmans.

Sa ngayon ay isa isang nagpakilala ang bawat isa sa mga beastmans.

Ang unang nag pakilala ay ang batang beastman na si Ophir

Ang batang si Ophir ay batang nasa edad sampung taong gulang lamang at mararamdaman kay munting Ophir ang lakas ng isang 7th level celestial rank.

At sa batang kaanyuan niya ay siya ang pinaka malakas sa kanilang magkakapatid.

Ikinagagalak kong makilala ka munting Ophir! Sabi ni Zuki kay munting Ophir.

Nang marinig naman ni Ophir ang sinabi ni zuki ay nahihiya siyang nagpasalamat.

Nagpasalamat siya dahil sa pag ligtas ng binata sa kaniyang ama.

Kuya Zuki! Ako naman po si Alena sabi ng batang babae na nasa edad na katorse at kapansin pansin na ang lakas niya bilang 7th level celestial rank pero mas mababa ang enerhiyang inilalabas niya kesa kay Munting Ophir.

Ikinagagalak ko rin na makilala ka Alena! Sabi ni zuki at nginitian ang munting dalagita.

Ako naman si Recon sabi ng batang lalaki na nasa edad desisais na at maramramdaman dito ang lakas nang isang 7th level celestial rank at ang aura nito ay nakikipag kiskisan sa aurang inilalabas ni Munting Ophir.

Mukhang nag kokompetensya palagi si Recon at si munting Ophir.

Habang natutuwa si zuki sa magkapatid na sina Recon at Ophir ay nakuha ang atensyon niya ng magsalita ang mag asawang beastmans.

Ako nga pala si Estevan at ito naman ang Asawa ko si Olivia.

Maraming salamat sa pagligtas mo sa aking buhay.

Sabi ni estevan at lumuhod siya sa harapan ng binata.

Nang lumuhod si estevan ay agad ding lumuhod si olivia at ang kaniyang mga anak.

.

Nang mapagtanto ni zuki ang ginagawa ng mga ito ay agad niya itong pinatayo.

Hindi siya sana na iginagalang siya ng lubos.

Marami salamat sa inyong pagpapasalamat tinatanggap ko itong karangalan.

At isa pa salamat dahil pumayag kayo sa alok ko.

Sabi ni zuki kila estevan at kumumpas siya sa hangin at sa pamamagitan ng God's creation ay Nagkaroon ng maayos na kasuotan sila Estevan.

Ang kanilang kasuotan ay hindi nalalayo sa mga normal na damit.

Ngayon ay kaaya aya na silang tingnan hindi kagaya kanina na wala silang saplot.

Ginoong Estevan nais kong mag bigay ng handog para sa inyo.

Sabi ng binata at ang Ragnarok's Greatsword ay lumipad papunta sa kamay ni zuki.

Nais kong iregalo sa inyo ang mga Celestial armaments na mayroon ako.

Sabi ni zuki at nang sabihin niya ang salitang Celestial armaments ay napanganga sila.

Ang mga celestial armaments ay mga pambihirang Armaments na tanging makikita lamang sa Divine Realm.

Mga Celestial armaments seryoso ka ba sa sinasabi mo? Tanong ni esteven.

Totoo ang sinasabi ko ang mga celestial armaments ay ihahandog ko sa inyo bilang regalo sa pagsama saakin.

Sabi ni Zuki sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay ay sa ibat ibang bahagi ng Mystical astrad mirror ay lumipad ang ibat ibang celestial armaments.

Marami ang mga ito sapat na para pamilian.

Nang masaksihan naman ito ng pamilya ni Estevan ay mayroon silang napagtanto.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-xxix_45968922326911359 for visiting.

Ang kakayahang ito ang kakayahan ng tagapangalaga ng Mystical Astrad Mirror.

Lumipas ang ilang segundo ay nagsidatingan ang daan daang celestial armaments at halos kumislap ang mga mata ng pamilya ni  estevan.

Agad silang namili ng mga armaments.

Kapansin pansin na karamihan sa mga ito ay Low-tier at Mid-tier Armaments at tanging ang dalawang Top-tier armaments lamang na nasa kamay ni zuki ang nasa loob ng silid.

Sa kabilang banda naman ay nagtitipon ang mga vicious beast sa gintong silid.

Hanapin ang pamilya ni Estevan patayin sila kasama ang binatang nagtataglay na lakas na 10th level celestial rank.

Sabi ng isang lalake at agad siyang sinunod ng mga ito.

Ang kaniyang autoridad ang siyang sinusunod ng mga vicious beast pero isang pamilya ang hindi niya mapasunod at ito ang pamilya ni estevan ang pamilya ng sabertooth.

Sa silid kung saan naroroon sila zuki ay nakikita niya ang malaking pagbabago ng mga kasuotan nila esteven at nang mga anak niya.

Si Estevan ay may suot na puting Leather armor at leather pants.

Kagaya ito ng unang kasuotan ni zuki ng una siyang tumapak sa mahiwagang daigdig.

Sa mga sandata naman ay magkakaiba ang meron sila.

Ang sandata ni Esteven ay ang nagmula mismo kay zuki ang Ragnarok's Greatsword.

Ang kay Olivia naman ay ang Ragnarok's Puncher.

Nang isuot ito ni Olivia ay napakagaan ng pakiramdam niya parang kaya niyang durugin ang lahat nang kalaban niya.

Ang mga bata naman na sila Recon Alena at Ophir ay nakapamili na rin at ang kay Alena ay ang Heaven's Thread.

Ang sandata na ito ay isang sinulid na kayang makapag pahinto ng pagkilos o pumatay.

Delikado ito kung magagamit ng maayos.

Ang kay Recon naman ay isang sibat na may ginto talim sa gilid at asul na simbolo sa gitna nito.

Ang Trinity Golden Spear

Ito ay delikado ring sandata kong magagamit ito ng maayos tiyak ang malalapit na kamatayan ang aabutin ng sino mang makakalaban.

Tumingin naman si zuki kay munting Ophir.

At nagulat siya nang piliin nito ang isang katana.

Nakuha ni munting ophir ang atensyon ni zuki.

Mukhang mahilig ka sa ganitong sandata munting Ophir.

Sabi ni zuki at tiningnan niya ang kalidad sandata ni Ophir.

Ang Black Phantom Sword.

Ang pangalan ng espadang ito ay nalalapit sa isa niyang technique.

Hehe syempre naman po kuya! Sabi ni  ophir at itinuro ang espada ni zuki.

Tingnan niyo oh! Pareho kami ng sandata ni kuya.

Tuwang tuwang sabi ni Ophir.

Kaya naman napangiti si zuki at mga magulang ni ophir.

Habang naghahanda sila estevan at zuki ng may naramdaman silang paparating.

Naalerto naman sila estevan at Olivia.

Hindi sila maaaring magkamali.

Hinahanap na sila ni Dracious.

Si zuki naman ay agad nag handa ng maramdaman niya ang aura ng mga paparating.

Karamihan sa mga ito ay 8th level celestial beast rank at mayroong isang mas umagaw ng atensyon niya.

Isang 1st level Angel Rank

Ang nakakapag taka ay hindi ito isang vicious beast kundi isang adventurer.

Mukhang enteresante ang magaganap.

Sabi ni zuki at hinintay ang pagdating ng isang hukbo ng mga kalaban.

:To be Continued:

Sensya na namali ako ng title

Haha

Next time pala ang pala ang tunay na laban haha.

Next chapter