webnovel

Chapter XXI

Chapter XXI. Chaos

ANG buong lakas ni Reiss ay malaki na ang ipinag-kaiba, ang buo nitong lakas ay maikukumpara sa isang 4th level demon rank. Ang lakas na ginising ng nag-iisang heneral ng ikatlong palapag si Grim Blackburn.

Ang magkakapatid na beastman naman ay naalerto sa tindi ng pwersa na inilalabas ng itim na aura ng kanilang kalaban. Ang kalaban na nagpabagsak sa kanilang ikatlong heneral at ito ay walang iba kundi si Clemson Morelock.

Si Recon ay napahigpit nalang ng kapit sa kaniyang gintong sibat. Hindi niya inaasahan na makakakita siya ng ganitong uri ng kalaban, matinding presensya ang kaniyang nararamdaman at ang presensyang ito ang nagpapanginig sa kaniyang mga binti.

Ang taglay na presensya ng dalaga ay ibang iba sa presensya ng ibang naroroon. Puno ng kadiliman ang tinataglay nito, hindi niya alam kung paano naging ganito ang presensya nito, isang presensya na mas madilim kaysa sa babaeng nakalaban ng kanilang pinuno sa ikalawang palapag.

Amg babaeng sinasabi na isang aktwal na demon na may antas ng lakas ng isang 10 level demon rank. Ang presensya nito ay puno lamang ng kalungkutan. Ang kadiliman na nilikha ng kalungkutan sa puso ng isang nilalang ang puso ng isang tunay na nagmamahal.

Si Munting Ophir naman ay napaseryoso nalang ng tingin sa babaeng lumulutang sa kanilang harapan. Ang babaeng ito ay nag lalabas ng purong itim na enerhiya at kakaibang pakiramdam ang epekto ng presensya nito sa kaniyang Sistema. Para siyang dinadala ng ng presensya nito sa kailaliman ng karagatan kung saan siya'y nalulunod at unti unting nauubusan ng hininga.

Si Alena naman ay pinagmasdan lamang ang babaeng nasa kanilang harapan. Hindi siya naaapektuhan ng presensya ng kanilang kalaban, dahil ito sa sinulid na nakabalot sa kaniyang katawan. Ang "Beastial Armor", isa sa epekto ng kasuotan na gawa sa sinulid na ito ay ang protektahan siya sa kahit anong uri ng presensya ng kaniya mga kaharap.

Isa itong epektibong kakayahan ng kaniyang Beastial Armor, sa tuwing suot niya ito ay dinadag-dagan nito ang taglay na kakayahan ni Alena. Laking pasasalamat ni Alena na ang sandatang Heaven's Thread ang kaniyang piniling pangunahing sandata.

At sa tulong ni Zuki Takigawa ay mas naunawaan niya ang pag gamit sa sandatang ito, ang Heaven's Thread o mas kilala bilang ang Death String's, ang sandatang hindi kayang talunin ng kahit anong uri ng sandata.

Natuto na si Alena ng ilan sa mga technique na nakapaloob sa kaniyang sandata at ito ang "Heaven's Thread Art" ang technique na ito ay kinabibilangan ng Beastial Armor ni Alena. Base sa postura ng batang beastman ay maihahalintulad ang kaniyang anyo sa isang BEAST KNIGHT.

Ang Beast Knight ay isa sa tawag sa mga mandirigmang nabibilang sa mga malalakas na indibidwal mula sa lahi ng mga Beastman, at ang lahi ng mga beastman ay nahahati sa maraming uri ng kalahating tao at kalahating hayop.

At ang tatlong magkakapatid na beastman ay nabibilang sa Fanged Sabertooth Clan, ang mga nabibilang sa angkan na ito ay ang mga kalahating tao at kalahating sabertooth. Ang angkan na ito ay may taglay na pisikal na lakas, bilis at tibay ng kanilang mga panga.

Matalas rin ang kanilang pang-amoy at malayo ang naaabot ng kanilang pandinig. Ang angkan na ito ay malapit na kamag-anak na Blazing Tiger Clan at ang mga meyembro ng angkan na ito ay ang mga kalahating tao at kalahating tigre.

Dahil ang mga Sabertooth ay ang isang bersyon ng mga tigre mag kapareho ang kanilang mga balahibo, tenga, mata at buntot subalit magkaiba sila ng mga ngipin. Dahil ang ngipin ng isang sabertooth ay kayang kumagat sa kaaway nito sa napakadaling paraan.

At ito ang matibay na panga nito na mas mag papabilis ng pag kagat ng isang sabertooth sa target nito.

Samantala sa lugar kung saan naroroon sina Zuki at Grim ay walang humpay parin ang pag papalitan ng mga ito ng pisikal na atake. Nag papalitan ang dalawang ito ng napaka mapanirang suntok na halos sumisira sa kanilang kinatatayuan.

Ang kasalukuyan nilang pwesto ay ang gitna ng hukay na ginawa ng kanilang walang hupaw na pag atake sa isa't isa. Pareho silang nasasabik sa pakikipag laban. Ang matinding labanang ito ang mas na papalala ng kundisyon ng ikatlong palapag.

Para itong guguho dahil sa sunod sunod na pagsabog na likha ng atake ng dalawang pinaka malakas na mandirigma sa mag kabilang panig. Ito ay sina Zuki Takigawa at si Grim Blackburn.

Si Zuki ay makikitaan ng kakaibang ekspresyon sa kaniyang mukha. Ang kaniyang mga ngiti ay hindi malalaman kung dahil ba ito sa tuwa o may iba itong kahulugan. Si Grim naman ay makikitaan din ng ngiti sa kaniyang labi at mapapansin ang ngiting may malisya nito.

Ngiti ng isang nilalang na handang gumawa ng kasamaan, handa si Grim na pumaslang at ang pangunahin niyang biktima walang iba kundi ang binatilyong kalaban niya.

Nag tagpo muli ang kanilang mga kamao, nagkaroon ng malakas na pagyanig at malakas na hangin sa kanilang kinatatayuan. Ang lalim ng hukay na kanilang kinaroroonan ay umaabot ng labing anim na metro na ang lalim.

Ang suntok nayun ay puno parin ng lakas ng dalawa. Hindi makikitaan ng pagod ang mga ito, bagkus ay habang tumatagal ay mas lalo silang lumalakas. Ang mga atake ni Zuki ay hindi na niya pinipigilan pa. ikinuyom niya ng maigi ang kaniyang kamao at panadaloy sa kaniyang mga ugat ang pinagsamang mana at soulforce sa kaniyang kaliwang kamao.

Ang kaniyang kaliwang kamao ay biglaang naglabas ng purong itim na liwanag. Nang Makita naman iyun ni Grim ay naguluhan siya sa kaniyang kalaban. Papaano na ang kalaban niya ay nagtataglay ng dalawang elemento.

Ang elemento ng liwanag at kadiliman. Ang dalawang elemento na ito ang labis na ikinabigla ni Grim. Isang misteryo para sa kaniya ang pagkakaroon ng dalawang elemento ng binatilyo. Ang kaliwang kamao ni Zuki ay nabalutan ng itim na liwanag. Nagmistula itong itim na apoy sa kamao ng binata. At mabilis na isinuntok ito sa mukha ni Grim.

"Dark Element: Dark Fist!" sigaw ng binata at ang kaniyang kamao na tumama sa mukha ni Grim ay mas lalong kumalat ang itim na liwanag. Nagkaroon ng malakas na pagsabog paitaas. Dahil doon ay nagkaroon ng makapal na usok sa paligid ng hukay.

Lumipas ang ilang sigundo ay mayroong isang pigura ang tumilapon paitaas. Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa kisame sa pwestong iyon ng palapag. Unti unting nawawala an gang makapal na usok sa paligid at makikita ang hindi kalakihang pinsala sa kisame.

May isang lalake ang nakabaon roon at mukhang nawalan ng malay. Ang lalakeng ito ay mayroong itim na buhok at itim na kasuotan. Ang lalakeng ito ay walang iba kundi si Grim Blackburn.

Samantala sa pwesto naman kung saan naroroon ang magkakapatid na beastman ay kasalukuyan silang nakikipag laban kasama ang kanilang ama laban sa babaeng naglalabas ng itim na enerhiya. Si Estevan nga'y hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Ang kaniyang mga atake ay hindi gumagana sa kaniyang kalaban. Sa pamamagitan ng maliit nitong patalim ay nagagawa nitong salagin ng walang kahirap hirap ang kaniyang sandata. Ang kaniya namang mga anak ay sinusuportahan siya laban sa ibang mga mandirigmang naroroon.

Si Alena ay napakuyom ng kaniyang kamao, ang sinulid na nakabalot sa kaniyang katawan ay nababalutan ng puting enerhiya ang kaniyang Beastial Armor ay kaniya pang pinalalakas. Para sa kaniya ay hindi pa ito sapat upang kalabanin ang pinakamalakas nilang kalaban.

Nagagawa lang makasabay ng kaniyang ama sa kalaban dahil sinusuportahan niya ito gamit ang kaniyang sinulid. Samantala si Feiya naman ay nakatayo lamang habang sa kaniyang tabi ay naroroon si Clemson habang ginagamot ito ng isang kasapi sa kaniyang pangkat.

Ang kaniyang mga mandirigma ay eksperto sa larangan ng mahika at ilan lamang sa mga ito ang may kakayahan na mag pagaling ng mga pinsala. Habang siya naman ay bumabawi ng nakunsumong lakas kanina.

Ang paglalabas niya ng maraming enerhiya kanina ay isang malaking sugal kanina. Ibinuhos niya ang buo niyang makakaya upang sukatin ang buong lakas ng kaniyang kalaban, subalit hindi niya iyun nagawa. Kaya naman ginawa niya nalang ang lahat ng kaniyang makakaya at inilabas pa nga nito ang kaniyang espada na gawa ng kaniyang mahika.

Samantala si Freda naman ay kasalukuyang nakikipag laban kay Drebon, nang gagalaiti siya sag alit dahil sa sinapit ng kaniyang tauhan na si Malark, si malark ay isa sa mga pinag kakatiwalaan niyang tauhan ang pinaka malapit sa kaniya at palagi niyang kasama sa bawat laban.

Ang kaniyang buong katawan ay nababalutan ng purong puting liwanag, ang kaniyang enerhiya ay mabili na dumadaloy sa kaniyang dal'wang espada. Nabalutan din ang mga ito ng puting liwanag dahilan upang ang kaniyang mga pag-wasiwas ay mas lalong bumilis.

Nang mangyari yun ay napaatras si Drebon dahil sa lakas at bilis ng mga atake ng kaniyang kalaban, ang bilis at lakas ng bawat pagtama ng mga ito sa kaniyang kalasag ay ramdam niya ang napakabigat na pwersang dala dala ng mga atakeng iyun.

Isa lamang siyang 7th level Angel Rank at ang babaeng kaniyang kaharap ay isang 10th level Angel Rank, at higit sa lahat ay magaling ito sa larangan ng espada lalong lalo na ang pag-gamit ng dalawang mahahabang espada.

Maririnig sa buong paligid ang pag langingit ng ibat ibang sandata, senyales na nagkakaroon ng madugong labanan sa bahaging iyun ng palapag. Marami ang mga nagkalat na katawan ng mga nauna nang namatay sa digmaang ito.

Ang sahig ay hindi na makikitaan ng kalinisan sapagkat ang makikita na lamang rito ay ang bakas ng nagaganap na kaguluhan sa ikatlong palapag. Mayroong mga bahagi ng katawan ang nakakalat lamang at marami rin ang mga nagkalat na sandata na may bahid nang dugo ng bawat mandirigmang namatay sa palapag na ito.

Ang kaguluhang nagsimula ng pagtapak ng dalawang indibidwal sa ikalawang palapag, ang pagsisimula ng mga ito ng kaguluhan at ang pag papasimula ng digmaan ng nagngangalang Azad. Ngunit sa kabila ng lahat ang digmaang ito ay malapit nang matapos.

Sa bahagi kung saan naroroon si Zuki Takigawa ay kasalukuyan itong nababalutan ng Itim na aura, ang itim na aura na ito ay mabilis na lumalabas sa kaniyang katawan. At ang kasalukuyang antas ng binata ay unti unting umaangat.

Si Zuki Takigawa ay sinusubukan nang abutin ang susunod na antas. Ang antas ng isang ganap na demon ranker. Ang 1st level demon rank….

Next chapter