18 Chapter XVII

Chapter XVII: Rena

Sa kastilyo ng buwan makikita ang isang dalaga at isang nilalang na nanonood ng laban mula sa kanilang malaking magic crystal at sa repleksyon nito ay makikita ang masalimoot na kalagayan ni zuki o mas kilala ngayon bilang tsuki.

Ang kalagayan ni tsuki ay talaga namang napaka sama para sa katayuan ngayon ng binata.

Ang itsura ngayon ni tsuki ay malayo ng una siyang sumabak sa laban, ngayon ay halos puno na ng sugat ang katawan nito, may namamaga ng parte ng katawan ni tsuki, sunod sunod ang ginagawang atake ng Lava troll at sa lakas ng atake nito ay halos mapasuka ng dugo ang binata.

Makikita sa bolang crystal ni selene ang lahat ng ito, tila siya'y nabahala sa mga nangyayari.

Ang kakayahan ng kaniyang estudyante ay masyado niyang pinuwersa at saka niya lang napagtanto na ang ranggo ng lakas ni tsuki ay malayo sa isang 5th level Epic Beast Rank.

Tama! ang impormasyon na alam niya sa halimaw na ito, at sa ranggo ngayon ni tsuki ay nasa mababa itong larangan.

Dahil para kay selene ang antas ng kasalukuyang lakas ni Tsuki ay isang 5th level Profound Rank.

Ang ang agwat ng magkaibang antas na ito ay langit at lupa ang pagitan.

Lumingin si selene sa nilalang na nasa kaniyang tabi.

Ngayon na Rena Iligtas mo si Tsuki sa kamatayan niya! Maautoridad na saad ni selene at sa isang kisap mata ay naglaho ang nilalang na iyon.

Tsuki Pov

Blaggg!!! Guaaak!  Uggghh!!! Sunod sunod na daing ko  sa mga atake saakin ng Lava troll.

Hindi ko maintindihan, hindi pa sapat ang lakas ko hindi ko magawang lumabas sa halimaw na nasa harapan ko.

Ang lahat ng skill na nilalaman ng mga technique ko ay nabalewala dahil sa pagkasira ng aking ispada.

3rd person pov

Nasira ito sa mga pag atakeng ginawa sa kaniya ng halimaw.

Ang ispada na mismong ang kaniyang guro ang nagbigay ay nasira ng halimaw na nasa kaniyang harapan.

Walang kapatawaran ang ginawa ng halimaw pero sa pagkakataong ito siya ang dehado.

Wala siyang laban dito! Sa ngayon ay nag babadyang umatake ang halimaw at makikita sa katawan nito ang nag liliyab na lava na halos bumulwak mula sa katawan nito patungo sa buong paligid ng lugar ng pinag lalabanan.

Ang skill na ito ay ang Vulcano Roar! At ito ang skill na halos magpabagsak sa kaniya at ngayon ay kailangan niya muling sumugal ang mabuhay sa kamay ng halimaw sa kaniyang harapan.

Tsuki Pov

Ito na parating na siya!

Sabi ko at inihanda ang sarili ko para umilag sa atake niya.

Gaya nga ng aking inasahan ang skill niyang ito ay tatama lamang sa dereksyon kung saan niya ito inasinta.

Nailagan ko ito pero hindi parin ako nakatakas sa impact ng skill na meron siya.

Tumilapon agad ako at gamuntikan ng mahulog sa kumukulong lava.

Tsk! Kaasar! Bakit ganito wala akong magawa!

Kailangan ko parin lumaban hindi pwedeng ganito nalang ako! Sa isang nilalang palang na ito ay matatalo na ako paano pa kaya sa ibang halimaw na makakaharap ko.

Dali dali akong bumangon at pinulot ang putol na ispada ko at tanging hawakan nalang ito at manipis na bahagi nalang ng talim nito ang makikita.

Sa madaling salita isa na itong patapon na bagay.

Wala na itong magiging epekto sa kahit ano!.

Bahala na! Mamatay kung mamatay! Sigaw ko at pinalibutan nang mana ang buong katawan ko.

Hindi ako magpapatalo basta basta! Lang! Sigaw ko at mabilis na tumakbo paabante! Nag liliwanag ang aking sandata at inisip na mayroon paring talim ito.

Phantom Blade Flash... Wind Fang!!!! Sigaw ko at inihawi ng napakalakas ang aking sandata at dali daling mayroong malaking kulay orange na enerhiya ang lumitaw at derektang tumama sa lava troll.

Nagkaroon ng pagsabog! Sa kinaroroonan niya pero tinutoy ko lang ang galaw at gagawin ko na ang sunod na atake.

Phantom Blade Inverted Cutter!!!

Impartation Unsheathing Feather Slash!!!

Dragon Hammer Flash!!!!

Sunod sunod kong atake at walang akong inaksaya na sandali at inilahad ko sa ere ang aking kamay at nagpalabas ng malaking apoy at ibinato ito sa kalaban.

Sa tagal ng panahon na hindi ko nagamit ang skill nayun ay mas lalo itong lumakas.

Nagkaroon ng malakas na pagsabog at alam ko na ang sunod kong gagawin.

Ito pa tanggapin mo!!! Sigaw ko at ang aking enerhiya ay mas nagiging marahas...

Umaalon ang aking mana at nag handa sa marahas na atake!

Ultimate Unsheathing Radiant Night War Storm!!! Sigaw ko at pinakawalan ang pinakamalakas kong atake!

Nagkaroon ulit ng pagsabog at bumulwak ang lava paangat pero agad akong nakaiwas salamat sa mana manipulation nagagawa kong iwasan lahat ng lava.

Nang magawa kong makailag ay agad akong lumapag sa lupa na sa tingin ko ay 5 metro ang layo sa kalaban.

Napatingin ako sa sandata ko! Ang katana ay gawa sa Orange na liwanag at ramdam na ramdam ko ang mana at ang matinding pag kunsumo nito.

Tatayo na sana ako ng biglang nanginig ang tuhod ko! Lagot! Bakit ngayon pa!

3rd person pov

Agad bumagsak ang katawan ni Tsuki matapos ang kaniyang mga pag atake.

Ang ginawa niyang iyon ang dahilan kong bakit halos masimot ang kaniyang mana kaya agad bumigay ang kaniyang katawan.

Lingid sa kaalaman ni Tsuki ay mayroong nilalang ang pinanonood siya simula ng muli siyang lumaban ng hanggang katapusan.

At ang nilalang na ito ay may wangis ng isang lobo may asul na mga mata at itim ang paligid nito

Mayroon itong balahibong may kulay na dilaw at puti at may pares na itim na bahagi ng yin yang symbol sa mga braso nito at ang tig tatlong daliri sa mga kamay nito.

Sa unang tingin ay para itong isang simpleng nilalang na naghahanap ng pag lilibangan ngunit mayroon itong misyon na kailangan sundin.

Ang nilalang na ito ay may gintong aura ang kalidad na enerhiya na inilalabas niya ay nag dudulot ng matinding pangamba sa lahat ng vicious beast sa buong lugar na ito.

Ang nag iisang nilalang na nakatungtung sa 1st level Divine Rank ay ang nag iisang nilalang na ito.

Ang alagad ng goddess of the moon na si selene walang iba kundi si Rena o mas kilala noon nasi Vixi

Tama ang nilalang na ito ay ang noong si Vixi na matagal nang pinanonood ang pagsasanay ng binata.

Si Rena ay unti unting bumaba mula sa ere at masamang pinagmasdan ang lava troll.

Napapansin ang biglaang pagkagalit ng Epic beast na ito ng makita niya si Rena na halos hindi niya madama ang kahit kaunting enerhiya mula sa kaharap niya.

Tila nabahala ang halimaw kaya bigla itong tumalon ng mataas upang dumistansya.

Tila nag iba ang kilos nito simula ng dumating ang nilalang na si rena.

Isa kang lapastangan para saktan ng husto ang estudyante ng aking master ngayon lasapin mo ang parusa na ipaparanas ko sayo!.

Sabi ni Rena at Itinapat ang kaniyang kaliwang kamay at nagpakawala ng Gintong enerhiya at mararamdaman mula rito at  napakarahas nito.

Nag korte ito pabilog at paikot ikot ito.

Tikman mo ang atake ko! Bigkas ni Rena at pinakawalan ang marahas na Bola ng enerhiya at kasing bilis ng kidlat ay agad itong tumama sa halimaw.

Agad tumilapon ang lava troll at sumabog nang pagkalakas lakas, kaya yumanig ang buong paligid! At gumuho ang Mga batong nasa likuran ng nito.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-xvii_45967161927190067 for visiting.

Sa madaling salita ay gumuho ang bahagi ng bundok! At bumulwak ang napakaraming lava! Ang bundok ng Flame Voild Mountain.

Ang mga nilalang na naninirahan dito ay nagsilikas dahil sa pagkawasak ng lugar na kanilang tahanan.

Makikita naman si Rena na agad lumapit sa walang malay na katawan ni Tsuki, agad siyang lumipad kasama si Tsuki at mabilis na lumipad patungo sa Kastilyo ng Buwan.

:2 months later:

Makikita ang katawan ni Tsuki sa isang silid na kung saan ay maraming mga likido ng ibat ibang kayamanan ang nakapaligid.

Ang mga ito ay ang mga Top tier Recovery pills na may kakayahang gamutin ang mga malalang sugat sa katawan ng pasyente.

Ang kalagayan ngayon ni Tsuki ay malapit ng mag hilom at hinahantau nalang ang muli nyang pag gising.

:to be continued:

Next chapter