51 Chapter VIII

Chapter VIII: Clemson Morelock

----

PATUNGO si Clemson sa Silid kung saan niya nakitang nag sasanay sila Zuki at munting Ophir.

Dahil Doon din nagmumula ang marahas na enerhiyang kumakalat sa buong palapag.

Nag kakaroon na ng bitak bitak sa mga pader senyales na lumalaki na ang pinsalang natatamo ng palapag dahil sa kagagawan ng mga dayo.

Kaya naman mas binilisan niya ang kaniyang pag lipad at nang dumating siya sa lugar ay nagulat siya sa tindi ng labanang nagaganap.

Si Zuki ay walang humpay na nakikipag palitan ng atake sa isang babae.

Napansin niya ang Itim na Enerhiya na Bumabalot rito kaya naman nakumpirma niya na itoy mas malakas ng di hamak sa kaniya.

Napatingin naman siya sa mag anak ni Estevan nakita niya ang pag aalala ng asawa nitong si Olivia sa anak nitong si Ophir.

Anak may masakit ba sayo? Tanong ng Ina ni Ophir kaya naman nagtaka siya sa nangyari sa bata.

Papasok na sana siya ng biglang Mapasigaw si Munting Ophir.

Aray ko!!! Ang Sakit!!!! Sigaw nito na umalingawngaw sa buong paligid at nagpahinto sa nag lalabang si Zuki at ang Babaeng Nababalutan ng Itim na enerhiya.

Bumangon si Munting Ophir sa kanlungan ng kaniyang kapatid na si Recon.

Nang makabangon si munting ophir ay napakunot naman ang noo ni Clemson.

Ang Aura ng Batang Paslit.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-viii_49572687919502452 for visiting.

Hindi Aura ng isang 10th level Celestial Rank kundi Aura ng isang 3rd level Angel Rank.

Nag uumapaw ang enerhiya iyun ni Munting Ophir.

Ramdam na ramdam ni Clemson ang unti unti pang pag taas ng enerhiya ng batang paslit.

Agad itong tumayo at tiningnan ang paligid.

Anong nangyayari Ina tanong ni munting ophir sa kaniyang ina

Anak! May mga kalaban mula sa ikatlong palapag.

Sabi ni Olivia sa anak nito at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ophir ang kaninang pupungay pungay na itsura ay napalitan na ng ekspresyon ng isang nilalang na sasabak sa isang digmaan.

Tumingin si Ophir sa Lalakeng nasa kaniyang harapan

Nakita niya ang malapad na ngiti nito sa mukha.

Sa Lawak ng Ngiti sa mukha mo akala mo mananalo kana Panget! Pwes nag kakamali ka ng Pinasok!!!.

Sigaw ni Munting Ophir kaya naman Nawala ang ngiti sa mukha ng lalakeng nasa harap niya.

Ang Lakas naman ng Loob mo para Sumigaw saaking harapan Kutong Lupa! Sagot ng Lalake at akmang mag sasalita pa ng biglang ngumisi ng may pag yayabang si Munting Ophir.

Wala akong pakealam kung anong Itawag mo saakin TATANG! ang Gusto ko lang Mawala ang Malawak mong Ngiti sa Mukha mong nakatago sa Maskara!!

Sigaw ni Munting Ophir at Mula sa kung saan ay isang Katana mula sa kung saan ang biglang lumipad patungo sa kamay ni munting ophir.

Iyun ay ang Katana ni Zuki.

Mapapansin sa katanang hawak ni munting ophir ang maliit na lamat.

Ngayon na!!!! Sigaw ni Munting Ophir ang umalingawngaw sa buong silid.

Napatingin sa Direksyon ni munting ophir si Zuki at maging si Clemson.

Nakaramdam ng matinding panganib si Clemson.

Huwag!!!! Malakas na Sigaw ni Zuki para kuhanin ang atensyon ni munting ophir ngunit pasugod na ito sa kalaban.

Nang makita ni Clemson ang Pag sugod din ng kaharap nito doon niya naikuyom ang kaniyang kamao.

Mayroong kakaibang enerhiya ang biglang bumalot sa buo niyang katawan dahilan para ang kaniyang mga mata ay maging kulay pula at ang kaniyang buhok ay umangat na tila alon.

Tumakbo siya ng mabilis at sa isang iglap ay nasa Gitna na siya ng Dalawang malapit ng magsalpukan.

Isang Suntok ang kaniyang binitawan dahilan para mapunta sa kaniya ang atensyon ng lahat.

Nagulat si Azad sa pag dating ni Clemson

Kaya naman tinanggap niya ang masakit na suntok mula sa kamao nito.

Bahagya siyang napaatras dahil sa suntok na natamo niya.

Ngunit hindi pa man siya nakakabawi ay isang malakas na suntok sa Sikmura.

Dahilan para sumuka siya ng dugo.

Hindi niya maunawaan kung paano siya sumuka ng dugo nang biglang may kung anong pwersa ang tumulak sa kaniya dahilan para tumilapon siya at tumama sa pader.

Nagulat si Zuki ng makita ang kakaibang galaw na ginawa ni Clemson.

Hindi na ito ang Clemson na nakaharap niya kasama ang namayapang si Saylsia.

May kakaibang Enerhiya ang bumabalot kay Clemson at pamilyar sa kaniya ang Enerhiyang iyun.

Pareho sa Enerhiyang Inilalabas ni Natalia ang Vampire Queen.

Habang pinag mamasdan niya si Clemson ay naramdaman niya ang pagsugod ni Fumi sa kaniya.

Isang mabilis na wasiwas ng karit ang agad tumama sa kagune ni Zuki.

Kaagad nakadepensa si Zuki sa kabila ng kaniyang panonood kay Clemson.

Nagkaroon siya ng Interest kay Clemson at may gusto siyang subukan para rito.

WAG MO AKONG MALIITIN!!!! sigaw ni Fumi at Ang Itim na enerhiya na bumabalot sa kaniyang katawan ay lumipat sa Karit na hawak nito.

Doon ay nabatid ni Zuki na Hindi Ordinaryong Atake ang Binabalak Gawin ni Fumi.

Kaya naman wala na siyang nagawa kundi mas palakasin ang Enerhiyang kaniyang inilalabas.

Ang puting liwanag na bumabalot kay Zuki ay hindi Normal na Aura ng Isang Angel Ranker.

Ito ay Aura ng isang Angelic Legend Rank

Tama Aura ng isang Angelic Legend Rank nalagpasan na niya ang mga ranggong Angelic Elite, Master, Epic, Champion at ang kasalukuyan niyang Ranggo ay 4th Level Angelic Legend Rank.

O ika limang Ranggo bago maging isang Ganap na Demon Rank.

Ngunit sa kabila ng lahat ang Buong Kakayahan ni Zuki ay hindi na kayang Sabayan ng isang Ordinaryong adventurer lamang.

Ang makakatapat lamang sa kaniya ay ang mga niregaluhan ng Kakaibang Kakayahan.

Kakayahan na tanging mga Piling Hero lang ang Nakakagawa.

Isang Mala delubyong banggaan ng Dalawang Pwersa ang naganap.

Ang Sahig na kinatatayuan ni Zuki ay nagkabitak bitak hanggang sa Lumubog na ang kaniyang mga paa.

Sa kabila ng banggaan ay makikita sa mukha ni Zuki ang kapangi pangilabot na ngisi.

TAPOS NA AKONG MAKIPAG LARO SAYO! sabi ni Zuki at walang ano ano'y hinablot ang Paa ni Fumi at walang kahirap hirap na iniikot sa ere si Fumi at malakas na ibinato sa pader.

Nagkaroon ng malakas na pag yanig dahilan para umabot ang pag yanig sa ikatlo hanggang ikalimang palapag.

Mapapansin ang mga Atungal ng mga Vicious beast sa bawat kulungan sa ibat ibang palapag.

Nararamdaman nila ang matinding panganib na dala dala ng biglaang pag yanig.

Samantala napahinto sa pag atake si Clemson kay Azad.

Si Azad ay kasalukuyang sugatan dala dala niya ang mga pinsala na natamo niya mula kay Clemson.

Hindi siya makapaniwala na mapipinsala siya ng isang 4th Level Angel Rank samantala isa siyang 8th Level Angel Rank.

Halos Apat na Ranggo ang pagitan ngunit hindi siya makapalag sa binatang nasa kaniyang harapan.

:To Be Continued:

Hello Everyone

Sorry kung now lang ako nag ud

Marami kasi ako problema eh pasensya na talaga.

Vote and Comment

Next chapter