8 Chapter VII

Chapter VII: Dangerous

3rd Person POV

Arrghhh! Ang lakas ng loob mong bumalik rito Lunox! Galit na sabi ng isang nilalang    sa kaniyang tauhan.

King Develon patawarin mo ako dahil marami saaking mga kasamahan ang napatay ng taong yun ngunit maganda naman dahil napaslang parin namin ang Prinsesa ng Iraven kaya naman wala na silang pag asang makapag summon ng Hero.

Sabi ng tauhan niyang nagngangalang lunox.

Pero king develon ako'y nagtataka dahil sa taglay na lakas ng taong nakaharap ko di kaya isa siyang hero.

Sabi ni lunox kaya naman mapapansin ang galit na expresyon ni king Develon.

Ikaw narin ang nagsabi na patay na ang prinsesa at wala na silang kakayahan na makapag summon ng hero kaya naman paano mo nasasabi na may naisummon na sila na Hero.

Sabi ni King Develon at Tinadyakan si Lunox.

Makikita naman ang mukha ni Lunox na may matinding galit dahil sa pagtrato sa kaniya ni Develon.

Sa lahat ng naging king demon si Develon lang ang nagtrato sa kaniya ng ganito.

Di kagaya ni Belzeebub na kahit babae ito ay hindi siya nito nagagawang pagmalupitan.

Pero king Develon! Sabi ni lunox pero mas pinili niya nalamang na manahimik dahil baka pag nagsalita pa siya ay patayin na siya ng kasuklam suklam na nilalang na ito.

Bwelo dahil sa nagawa mo naman na patayin ang prinsesa ay ipagpatuloy mo ang pag mamatyag sa Iraven kingdom at patayin ang bawat adventurer na inyong makikita.

Sabi ni King Develon kaya naman sumang ayon nalang si Lunox.

At dahil kailangan mong mag manman ay kailangan ay makipag kita ka sa Pinuno ng mga Orc sa Orcblin village at magpakalat ka sa kaharian nang mga mission sa pamamagitan ng iyong pag babalat kayo.

Sabi ni Develon kaya naman agad umalis si Lunox gamit ang Portal pabalik sa alternia.

Agad lumipad si lunox patungo sa Village na kailangan niyang puntahan.

Halos nasa bilis siyang 45 kph dahil sa kaniyang pag mamadali.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na siya sa lugar na iyun.

Nagulantang nalamang siya dahil ang kaniyang naabutan

Halos nawasak na ang buong village mga nakatumbang gusali mga nagkalat na dugo ng mga goblin at orc ay umaalingasaw na at ang pinaka nakakagimbal ay ang nakita ni lunox na patay na cyclops na kanilang ginawang leader.

Paano nangyari ito paano ko magagawa ng matangumpay ang aking misyon kung wala na sila.

Sino ang gumawa nito.

Di kaya ang mga SSS+ Rank Adventurer pero di naman nila ito magagawa lalo na ng mga taga Heavenly Kingdom dahil halos di sila lumalabas ng kanilang kaharian dahil ang kasalukuyang hari doon ay ang naging isa sa mga gods ng mundong ito kaya naman iniiwasan nalang namin ang makasagupa ng kahit isa sa kaniyang kaharian sapagkat ang kaniyang mga kawal ay sadyang napakalakas.

Nag isip isip ako at biglang pumasok sa isip ko ang taong iyun di kaya siya ang may gawa nito sa village.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-vii_45955319880284935 for visiting.

Kung ganun napakadelikado nga ng taong yun kailangan kong masabihan si king develon.

Agad akong nagpalabas ng isang Itim na portal at makikita ko na sa kabila nito ang Demon World.

Agad akong pumasok doon kaya naman agad agad akong nakabalik sa kastilyo ng hari.

Zuki Pov

Apat na araw na ang lumipas ng naririto ako sa mundong ito napagpasyahan ko na pag aralan ang tungkol sa mundong ito kaya naman ako'y nag hanap ng impormasyon sa library at naghanap ng historical book at nalaman ko na ang dating pangalan ng kahariang ito noon ay Miraven at puro Dragon noon ang nakatira noon ngunit dahil sa matinding kapangahasan ng kaharian ito noon sa Heavenly Kingdom ay pinatay silang lahat at inubos kaya naman nagkaroon ng panibagong sibilisasyon at ang mga nanirahan dito ay ang mga dating naninirahan lamang sa maliit na villages hanggang sa maging isa narin itong tanyag na kaharian dahil narin sa suporta ng hari ng heavenly kingdom.

May mga namalaging SS Rank adventurer at mga ibat ibang nilalang ang naninirahan dito.

May mga bawat parte ng kahariang ito ang magkakasama ang bawat angkan katulad ng mga beastman,Elven,Human at iba pa.

Marami rin akong nalaman gaya ng muntikan ng pagkasira ng mundong ito dahil sa mga gods..

Si Sofia

Ang diyos ng kagandahan at nagpasimula ng Arch Angels at ang mga taga sunod nito ay ang mga priest at ang mga prinsesa.

Si Satan ang diyos ng impyerno siya ang pinakamasama salahat ng god dahil sa naging banta rin siya noon sa ibang gods and goddesses.

At si Ryouta ang god reaper siya ang diyos na nakakaalam ng hinaharap dahil sa kaniyang taglay na kapangyarihan ay may ilan rin na sumamba sa kaniya kaya naman nagkaroon din siya ng mga taga sunod.

At simula nun ay nag karoon na ng iba't ibang Gods and Goddesses ang biglaang sumibol dahil sa mga kumalat na kapangyarihan mula sa earth.

Ang mga gods na nasa earth ay nabigyang buhay dito sa mundong ito kagaya ni Hertia ang Diyos ng Apoy at Pag ibig.

At marami pang iba di pa dito nag tatapos dahil naisip ko na  hindi dapat ako manatiling isang ganito lamang dapat akong maging handa sa ano mang pagsubok.

Sa ngayon ay gumawa ako ng mga equipments ko para maging maganda at kaaya aya ang aking itsura.

Nag suot ako ng itim na suit at naglagay ako ng itim at makapal na armor na makikitang nagpaganda ng itsura ko..

Nag suot din ako ng itim na boots at gloves at gumawa ng lalagyan ng aking ispada.

Bumabagay ngayon ang aking kasuotan sa isang Noble Rank Adventurer dahil sa kaaya ayang pananamit at masasabing maraming kayamanan ang mayroon ako.

Ang lahat ng ito ay dahil saaking creation skill kagaya sa Night Sky Blade ang mga items na yun ay mga mga nagtataasang stats kaya naman mas nadagdagan ang speed at defense ko dahil sa mga gamit nayun.

Bumabagay sa aking puting buhok at asul na mga mata ang aking kasuutan naglakad lakad ako sa kalsada at pansin ko ang mga mata ng mga tao na kung makatingin saakin ay parang mangangain.

Maya maya pa ay biglang may lumapit saakin na isang batang babae.

Ang batang ito ay parang hindi pa nakakain ng ilang araw kaya naman bigla akong naawa sa kaniya.

Kaya naman isinama ko ang bata sa ihawan ng karne bumili ako ng 4 pcs na karne para ibigay sa kaniya ang Tatlo.

Salamat po kuya! Sabi niya at agad nalang siyang umalis.

Nag lakad nalang ako pabalik sa aking inn.

Ng makabalik ako ay nakita ko ang inn keeper na humarang sa pinto ng silid na aking tinutuluyan..

Ginoo hindi mo naman saamin sinasabi na isa kang noble sana ay sa isang magarbong inn ka namin pinatuloy...

Halika po sir para makita niyo ang bago mong titirahan.

Sabi ng inn keeper.

Sumunod nalang ako para makapag pahinga ulit.

:to be continue:

Next chapter