49 Chapter VI

Chapter VI: Fumi Vs Zuki Part 1

May nais akong malaman? Nasaan na ang Heneral ng Unang palapag nasaan na si Dracious!! Nasaan na ang matalik mong kaibigan!! Tsuki!!

Sigaw ng babaeng nasa harapan ni Zuki.

Sa panlabas niyang ekspresyon ay walang mababakas na Gulat o ano man ngunit sa kaniyang isipan ay may mga ala alang mabilis na pumapasok sa kaniyang isipan.

Ang detalye ng pagkaka kilanlan sa babaeng nasa kaniyang harapan.

Si Fumi ang Haft Demon

Ikaw ang babaeng iyun! Naaalala na kita! Sabi ni Zuki na nag pa bago ng ekspresyon ng dalaga.

Kung ganun ikaw! Paano ka napunta dito paano ka nabuhay? Tanong pa nito kaya naman ngumiti si Zuki at mapagmalaking tiningnan ang dalaga.

Nais mong malaman? Bakit hindi mo alamin? Sabi ni Zuki dahilan para ilabas ng dalaga ang kaniyang sandata at sa isang iglap ay mayroong dalawang pwersa ang nag banggaan.

Hmm! Ito ba ang lakas mo! Lakas ng isang Demon Rank! Sabi ni Zuki

Mula sa mga nag tatakbuhang Elven ay makikita si Clemson na nakikipag talo kay Feiya.

Feiya! Kailan kong alamin ang nangyayari babalikan ko sila! Sabi ni Clemson at wala nang nagawa si Feiya kundi ang umalis at hayaan ang binata.

Si Clemson ay agad tumalikod sa dalaga at sa isang iglap ay nag laho ito sa harapan ng dalaga.

Si Clemson ay mabilis na lumipad papunta sa pinag galingan ng pag sabog.

Grrrgh! Ang binatilyong iyun anong gulo nanaman ang ginawa niya.

Sabi ni Clemson at mas binilisan niya ang pag lipad papunta sa Lugar kung saan nag sasanay ito kasama si munting Ophir.

...

Sa Silid kung saan naroroon sila Zuki at ang dalawang Panauhin ay dumating na ang Dalawa pang Anak ni Estevan.

Si Recon ay agad kinuha sa pangangalaga ng kaniyang Ina ang kaniyang Nakababatang kapatid na si Munting Ophir.

Nakatingin sa kanila si Azad na ngayon ay Nakangisi sa kaniyang Ama.

Ama! Ang Taong nasa Harapan natin hindi siya Ordinaryong Nilalang! Sabi ni Recon at napatingin sa Aurang Inilalabas nito.

Ito'y Itim na Aura na nahahaluan ng Pulang liwanag.

At kagaya ng makaharap nila si Saylsia ay wala silang maramdamang Enerhiya rito

Patunay na malaki ang agwat ng antas ng lakas ng kaharap nilang ito.

Sa isang Banda naman ay ang Walang Humpay na pag atake ng isang babae sa kanilang Master.

Napaka lakas ng bawat atake nito na mismong nag papayanig sa paligid.

Nakakaramdam siya ng kilabot sa mga atake nito at nag aalala sa kanilang master.

Si Zuki naman ay walang Humpay sa pag iwas sa mga atake ni Fumi.

Tama nga ang kaniyang kaalaman patungkol sa mga Demon Rank.

Ang mga Demon Ranker ay may natural na Pisikal na lakas at napaka mapanira nito.

Wala pang ginagamit na mahika si Fumi sa lagay na ito at ramdam niya na nag pipigil pa ito sa ngayon.

Nasaan! Nasaan si Dracious!! Sigaw nito at isang malakas na pag hampas ng Karit nito kay Zuki.

Ngunit isang mabilis na pag ilag ang ginawa ni Zuki at sinubukan niyang umatake.

Nag liwanag ang kaniyang katana at  napalibutan ito ng Naglalablab na apoy.

Nang makita naman iyun ni Fumi ay agad siya gumawa ng counter attack at nag labas ng kapangi pangilabot na itim na enerhiya ang kaniyang karit.

Isang malakas na banggaan ng dalawang sandata ang umalingaw ngaw sa buong ikalawang palapag.

Si Zuki ay Tumilapon sa pader dahilan para mapa tulala si Estevan sa kaniyang nasaksihan.

Walang kahirap hirap na tumilapon Ang kaniyang Pinuno sa isang wasiwas ng atake ng kalaban.

Si Zuki naman ay nakaramdam ng pananakit ng katawan.

Ngayon niya lang ulit iyon naramdaman hindi niya inaasahan na  titilapon siya ng ganun ganun nalang.

Napangisi siya dahil doon

Aray ko! Ngayon ko lang ulit naramdaman yun ah! Sabi ni Zuki at mula sa Kaniyang pag kakatilapon ay may kapangi pangilabot na enerhiya ang lumabas mula sa kaniyang katawan.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-vi_48257919493393230 for visiting.

Si Estevan ay nangilabot ng muli niyang makita ang mga iyum.

Mga mga Buntot na walang kahirap hirap na bumutas sa katawan ni Dracious.

Si Fumi naman ay napa seryoso ng makita ang pag kakaroon ng pag babago sa Binatang kaharap niya.

Naalala niya ang ganitong anyo ng binata.

Hindi niya malilimutan ang Anyo na iyon.

Na ang Binatang iyun lang ang nakakagawa.

Tsuki! Ikaw!!!! Sigaw ni Fumi at lumabas ang kapangi pangilabot na Itim na enerhiya ito.

Ang Enerhiya ng isang 8th level Demon Rank

Samantala Si Zuki ay Nakabawi na ng kaniyang balanse.

Nakatayo na siya at nakatingin sa Babaeng naglalabas ng Itim na enerhiya.

Napangiti siya ng maramdaman niya ang kabuohang Antas nito.

8th level demon rank

Si Zuki ay tila nakaramdam ng sobrang Excitement kaya naman Inilabas niya ang kaniyang Aura ng isang 1st Level Angelic Elite Rank

Ngunit may iba sa Enerhiya ngayon ni Zuki.

Sa kaniyang kalooban ay nag liwanag ang kaniyang Bituin

Mas tumingkad iyun gaya noong siya ay nag sasanay.

May kung anong Enerhiya ang mabilis na dumadaloy sa kaniyang Soulforce pathway patungo sa kaniyang Soulforce coil.

At ang Enerhiyang iyun ay mabilis na Pinupuno ang Soulforce coil niya.

Doon nga ay sunod sunod na Anunsyo ng System ang naririnig ng binata.

You level up

You level up

You level up

You level up

Dahil sa pag anunsyo na iyun ng system ay mas naexcite si Zuki.

Mas lumakas ang Enerhiyang kaniyang inilalabas.

Wala siyang gagawing pagtitimpi sa labang ito.

Doon nga ay lumabas ang isang puting buntot.

Iyun ay ang Kaniyang Kagune tama nga ang Sabi ni tsuki sa kaniya.

Isa palang ang maari niyang magamit sa mga ito.

Sa kaniyang kaliwang mata naman ay napalitan iyon ng pulang mata.

Ramdam niya ang Matinding Enerhiya na dumaloy sa buo niyang katawan.

Napatingin si Zuki sa kaniyang Katana

Nakita niya ang maliit nitong lamat.

Mukhang Kakalabanin ko ang isang ito ng wala ang tulong ng sandata ko.

Sabi ni Zuki at Ikinuyom niya ang kaniyang kamao.

Doon ay isang mabilis na pagbanggan ng dalawang pwersa.

Doon ay nakita ng lahat ang dalawang Nag tutunggalian ng kanilang pwersa.

Ang pwersa ng Dilim at Liwanag ay nag simula nang magtapatan sa isat isa.

:To be Continued:

Hello I'm back

Nagkaroon ako ng Writer's block hehe wala akong maisip eh.

Baka pag nakapag tapos ako ng isang chapter ay iuupload ko kaagad iyun.

Pasensya na talaga

Vote and comment

Next chapter