48 Chapter V

A/n: Dahil Pinakinggan ko yung Bagong OP song ng Sword art online Alicization WOU Part 2

Na iinspired ako gumawa ng sunod sunod na bakbakan Haha

Thanks For Wonderful Song ReoNa

By the Way Ang Title po ng Kanta ay

Anima - ReoNa.

Chapter V:  Invaders Appears

----

Bang!!!! Bang!!!! Bang!!!!!

Sunod sunod na pagsabog ang naganap sa lugar kung saan nagsasagawa ng pagsasanay sila Zuki at munting Ophir.

Yumayanig ang buong ikalawang palapag sa pwersang pinapakawalan ni munting ophir.

Samantala si zuki ay patuloy lang na  umiiwas sa bawat atake nito.

Pinapakiramdaman niya pag dating ng dalawang Bisita mula sa Ikatlong Palapag.

Nararamdaman niya ang aura ng mga ito at ito'y sinusukat.

Natatagalan siyang sukatin ang aura ng mga ito dahil pinag papatuloy niya ang pag iwas sa mga atake ni munting ophir.

Nag aalangan siya sa nararamdaman niyang enerhiya.

Hindi iyon aura ng 8th level Angel rank.

Nararamdaman niya na mas malakas pa iyon kaya naman nakakaramdam siya ng panganib.

Tumingin siya kay munting ophir na ngayon ay nakalapag na sa Sahig at nag babadya muling umatake.

Inihanda ni Zuki ang kaniyang sarili sa papalapit na si Ophir.

Phamtom blade 2nd skill Flash Wind Fang!! Sigaw ni munting ophir at tumakbo pasugod sa kaniya.

Isa...

Nag umpisang pagbibilang ni zuki

At ang kaniyang kamay ay kaniyang itinaas

Dalawa....

Sunod na pag bibilang niya at ang kaniyang kamay ay nabalutan ng puting enerhiya

Tatlo.....

Bilang pa niya at isang mabilis na atake ang ginawa niya.

Sa pamamagitan ng kaniyang mabilis na pag kilos ay nasa harap na siya ni munting ophir

Ngumiti siya rito at ang kaniyang palad ay kaniyang inilahad at isang biglaang pagtama ng kaniyang palad sa batok nito.

Nang tamaan niyasi munting ophir ay agad agad itong nawalan ng malay.

Ang kaninang nag ngangalit na enerhiya ay bigla biglang nawala.

Nang makita naman ni Olivia ang Sinapit ni munting ophir ay kaagad niyang nilapitan ang kaniyang anak.

Titingnan niya sana ang lagay nito ng mag salita si Zuki.

Huwag kang mag alala kay munting ophir nawalan lamang siya ng malay.

Mas kailangan nating bigyan ng pansin ang ating mga bisita.

Sabi ng binata kaya naman naguluhan si Olivia.

Si Estevan naman ay lumapit kay zuki dahil nagtaka siya sa tinuran nito.

Ano ang ibig mong sabihin master may paparating na bisita! Halata kay Estevan ang pag aalala.

Tama ang iyong narinig may paparating tayong mga bisita at sa aking palagay ay pinadala sila ng heneral ng ikatlong palapag.

Eksplinasyon ni zuki kay Estevan

Kung ganun dapat kong sabihin ang mga nag sasanay nating mga kasamahan.

Sabi ni Estevan at kaagad umalis sa harapan ni zuki para sabihan ang ibang mga adventurer na nag sasanay.

Samantala sa isang silid ay kakapasok palang nina Clemson at Feiya.

Pareho sila ng silid na pinag lagyan ng kaniyang mga dala dala.

Hmm Clemson! Matagal narin ng huli tayong nag kalapit ng ganito no? Biglang turan ng dalaga kay Clemson.

Medyo nakaramdam naman ng kung ano si clemson at bigla niyang naalala ang mga ala ala noong siya'y Labing apat na taon pa lamang.

Ala ala na silang dalawa ang laging mag kasama.

Panahong siya at ng kaniyang amang heneral pa ang namumuno sa ikalawang palapag.

Napakalapit ng kaniyang ama sa mga  naririto kaya naman pati siya'y nagawang makipag kaibigan at Ito'y si Feiya.

Si Feiya ang una niyang naging kaibigan

Marami sa kaniya ang natatakot dahil sa purong dugo niyang bampira lalo na ang mga tao.

Pero si feiya lang ang nag lakas loob siyang kaibiganin at ito ay isa pang elven.

Napupuno siya ng galak noon kapag kasama niya ang kaibigan walang araw na hindi sila mag kasama.

Minsan ay malaya silang nakakalabas pasok sa malaking silid at nakikisalamuha sa mga Vicious beast

Ngunit isang araw ay may isang halimaw na babae ang dumating at walang pag aalinlangang pinaslang ang kaniyang ama.

At ang babaeng iyon ay si Saylsia

At doon na nga nag simula ang pang aalipin nito sa mga nasa ikalawang palapag.

Ang payapang pananatili ng mga tao, beastman at elves at bampira ay nagsimula ng gumulo.

Ang angkan ng mga bampira ay lumaban kay saylsia at lahat sila'y walang binatbat kay saylsia

At doon ay dalawang bampira ang natira at yun ay sina Clemson at Zerek.

Doon ay nalayo ang loob ni Clemson kay Feiya.

At nag simula ang kaniyang pagpapa alipin kay Saylsia.

Kasama si Zerek ay nag sanay sila bilang mga tauhan nito.

Nagkaroon ng matinding takot sa ikalawang palapag at maging siya'y mas kinatakutan ng mga ito.

Habang binabalikan niya ang mga ala ala ay biglang may isang malakas na enerhiya ang biglang kumalat sa buong palapag.

Halos kainin nito ang enerhiya ng mga mahihinang enerhiya.

Nakaramdam siya ng matinding panganib.

F-feiya samahan mo ko Kailangang lumikas ng mga naririto! Sabi ni Clemson at kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Feiya.

Kaagad silang umalis sa silid at kapansin pansin ang pag kakagulo ng mga naroroon.

Nakita niya si Zerek na may buhat buhay na batang beastman.

Zerek! Anong nangyayari? Tanong ni clemson sa kaibigan.

May mga dumating na galing sa ikalawang palapag kailangang mailikas ng ating mga kasama doon tayo sa pulong ng bangkay ng mga vicious beast sa labas.

Sabi ni Zerek at nag mamadaling lumipad patungo sa kumpulan ng mga tao.

Feiya! Kailangan mo nang mauna aalamin ko kung sino ang dumating mag iingat ka! Sabi ng binata at aalis na sana ng mag salita ang dalaga.

Pero clemson Delikado kung babalik ka hayaan mo nang sila Ginoong Zuki nalang ang bahala sa mga dumating.

Sabi ng dalaga at hinatak ang binata pabalik sa kaniya nang magkaroon ng malakas na pag sabog.

Samantala si Zuki ay nakaabang sa nakabukas na lagusan patungo sa ikatlong palapag.

Kayong Dalawa nararamdaman ko ang inyong enerhiya Lumabas na kayo dyan! Maotoridad na saad ng binata

Hahahaha! Masyado ka yatang hambog para kami'y iyong utusan.

Sabi ng isang lalake at isang itim na maskara ang bumungad sa kaniya.

Naalerto siya at umiwas sa isang biglaang pag atake.

Aba! Aba!! Kahanga hangang nagawa mong iwasan ang aking atake.

Sabi nito at doon ay isang matipunong lalake ang lumabas mula sa lagusan.

May hawak itong malaking espada

Kung iyong mamarapatin hangal

Ako'y mag papakilala sayo

Ako si Azad ang Ikatlong Kapitan sa Sampung Hanay ng Hukbo ng Nag Iisang Heneral ng Ikatlong Palapag.

Sabi ng lalake

At itinutok ang kaniyang malaking Espada kay Zuki

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-v_47680238892672604 for visiting.

Azad!! H'wag kang Masyadong mayabang hindi natin alam kung sino ang Ginoong nasa Harapan natin.

Sabi ng isang babae na ngayon ay nasa loob parin ng lagusan.

Maya maya ay isang magandang babae ang lumabas sa lagusan.

Ang babaeng ito ay may Mahabang puting buhok at may suot na magandang kasuotan.

Nakapikit ito ng lumabas sa lagusan.

Unti unti nitong iminulat ang kaniyang mga mata.

Ngunit ng minulat nito ang kaniyang mga mata ay para itong nakakita ng multo.

A-anong G-ginagawa ng Isang E-emperador sa Impyernong Lugar na ito!!!

Bulaslas nito na ikinagulat naman ni zuki

Kung ganun Binibini kilala mo pala ako? Sabi ni zuki ngumiti ito habang nakatingin sa babaeng nasa kaniyang harapan.

Ano ang maipag lilingkod ko sa inyo? Batid kong kayo'y nagmula sa ikatkong palapag at kilala ako ng isa sa inyo.

Ang babae naman ay nakabawi sa kaniyang pagkagulat ngunit nagkaroon ng mga konklosyon sa kaniyang isipan.

Kung naririto ang lalakeng ito maaaring.

May nais akong malaman? Nasaan na ang Heneral ng Unang palapag nasaan na si Dracious!! Nasaan na ang matalik mong kaibigan!! Tsuki!!

Nang sabihin ito ng babae ay may biglang mga ala ala ang pumasok sa isipan ng binata.

Ang Babaeng nasa kaniyang harapan

Ang babaeng ito ang Kasintahan ni Dracious

Si Fumi The Haft Demon

:to be Continued:

Hello hehe namiss niyo ko

Ako din hehe

Abang abang lang sa next Chapter

Umaatikabong labanan ang magaganap sa Next Chapter.

Next chapter