45 Chapter II

Chapter II: New Captain And General

-----

Nararamdaman ang mabigat na Presensya ni zuki sa loob ng silid.

Si zuki ay kasalukuyang nakatayo at tiningnan si Estevan.

Ano ang inyong ginagawa sa silid na ito

Nagawa niyo na ba ang ipinag uutos ko? Tanong ni Zuki kay estevan

Agad yumuko si estevan at magalang na nag salita.

Nagawa na naming lahat ang iyong ipinag uutos may ilan narin ang pumayag na sumama sa ating paglalakbay.

Sabi ni Estevan at tumingin sa binata

Kung ganun Maraming salamat! Mang Estevan.

Sambit ni Zuki at bumaling sa ibang mga nasa silid.

Kamusta naman kayo? Nakapag isip naba kayo sa Tungkol sa inaalok ko? Tanong niya sa mga ito.

At mayroong isang Lalakeng Elven ang naglakas loob na mag salita.

Marami na saamin ang nakapag desisyon Ginoong Zuki Takigawa at kabilang kami doon ng aming pangkat.

Ako nga pala si Drebon Ymrio ang pinuno ng pangkat na nangahas pasukin ang lugar na ito Isang daang taon na ang nakakaraan.

Sabi ng lalakeng nagngangalang Drebon

Agad yumuko si Drebon pati ang kaniyang mga kasama.

Kami ang Elven Knights Maglilingkod sa Inyo Ginoong Zuki Takigawa.

Sambit ng mga ito at makikitaan ng lubos na paggalang.

Kung ganun tinatanggap ko kayo

Sabi ni Zuki at naglakad papalapit kay Drebon.

Inilabas ni Zuki ang kaniyang Espada

Nagulat naman si Drebon nang ilabas ng binata ang kaniyang espada.

B-bakit? Tila kinakabahang tinanong ni Drebon.

Manatili ka lang sa iyong pwesto.

Ngayon ay iginagawad ko sayo ang aking pagtitiwala.

Sagisag ng iyong magiging oportunidad

Sambit ni Zuki at ang kaniyang Espada ay itinapat niya sa kaliwang Balikat ni Drebon.

Nang nakita ito ni Estevan ay nalaman na niya ang ginagawa ng binata.

Isa itong uri ng pag basbas

Pag babasbas na mga emperador ang gumagawa.

Kaya naman naguluhan siya

Bakit alam ng binata ang ganitong uri nang pagbabasbas.

Tiningnan ng binata si Drebon pinakiramdaman niya ang enerhiya nito at napakunot siya sa kaniyang nalaman.

Isang 7th level Champion Rank

Isa ka palang 7th level Champion Rank wala kang binatbat sa mga halimaw na naririto.

Direkta itong sinabi ni Zuki kaya naman nakaramdam ng hiya si Drebon.

Pero kahit ganun pa man ay humahanga ako sa lakas ng loob mo.

Sabi ng binata at tumingin sa mga kasama nitong mga elven.

Ang alam ko sa inyong lahi ay magaling kayo sa parehong pamamaraan.

Ang Pag gamit ng Sandata at Mahika

Sabi ng binata at makikita naman ang pagkamangha ng mga elven kay Zuki.

Alam ng binatilyo ang tungkol sa lahing kanilang kinabibilangan.

Ang mga Elven o mas kilala bilang mga Elf ay isa sa mga mahihiwagang nilalang na may mga Puti at Dilaw na buhok Asul at berdeng mga mata at patulis na mga tenga.

Kung Iniisip niyo na kung papaano ko nalaman ang tungkol sa inyong lahi ay dahil sa aking isang kaibigan.

Sabi ng binata at may imahe ng isang babae ang biglang sumilay sa kaniyang isipan.

Ang babaeng Iyon ay Walang iba kundi si Luna.

Ang kaniyang kasintahan sa nakaraan niyang buhay bilang si Tsuki.

Napangiti sandali ang binata at ginalaw ang kaniyang espada patungo sa kanang balikat ni Drebon.

Ako Si Zuki Takigawa na iginagawad ang aking basbas sa iyo Ginoong Drebon Ymrio.

Ikaw binabasbasan ko sa Ngalan ni Selene Bilang aming alagad Ikaw ay Itinataas ko bilang kapitan ng iyong pinamumunuang

Sambit ng binata na nagpatahimik sa kanilang lahat.

Lalo na si Estevan na ngayon ay nakanganga.

Isang kapitan

Ang tungkuling iginawad ng kaniyang master sa Hamak na 7th level Champion Rank.

Nais kong magkaroon ng malawakang pagsasanay ang lahat nang mga sasama sa ating pangkat kailangan bago tayo makaalis sa lugar na ito ay umakyat na kayong lahat bilang Celestial Ranker.

Turan ni Zuki na nag patahimik sa kanilang lahat.

Tila napaka imposible ng sinasabi ng binata ngunit ng makita ng mga ito ang seryosong ekspresyon ng binata.

Ay hindi na sila nagsalita.

Kapag nagawa ninyo ang hamon ko ay gagawaran ko ang bawat isa sa inyo ng mga kayamanang hindi niyo pa nakakamtan sa tanang buhay niyo.

Sabi ni Zuki at tumayo ng matuwid at tumingin kay Estevan.

Ikaw Estevan Ikaw ang gagawin kong Punong Heneral ng ating pangkat ikaw ang pagkakatiwalaan ko sa susunod na labanan at nais kong ikaw at ang iyong pamilya ang bahala sa gagawing pag sasanay ng mga sasali saating pangkat.

Sambit ni Zuki at agad naman yumuko si Estevan.

Lubos kong tinatanggap ang iyong iginawad na tungkulin saakin Master at agad kong ibabalita kay Olivia at sa mga anak ko ang iyong ipinag uutos.

Sambit ni Estevan at makikita ang pagbibigay galang niya sa binata.

Ang lahat ng mga nakasaksi sa katapatang ipinapakita ni Estevan ay humahanga rin sila rito.

Ngunit mayroon lang ako isang kailangan

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-ii_47680169099450610 for visiting.

Kailangan ako mismo ang mag sanay sa Bunso mong anak Estevan.

Kailangan kong Sanayin si Munting Ophir sa pag gamit ng Kaniyang Sandata.

Sabi ng Binata at agad naman na tumugon si Estevan.

Masusunod Master! Sabi ni Estevan

Kung ganun makaka alis kana! Sambit ng binata at agad naman umalis si Estevan.

Bumaling ang binata kay Drebon at maotoridad na nag salita.

Ikaw Drebon bilang Kapitan nang iyong pangkat nais kong magsanay kayo sa pamumuno ng inyong Heneral.

Lahat ng ipag uutos niya ay susundin niyo.

May roon kayong tatlong buwan para mag sanay iyun lang ang palugit ko para sa inyo.

Natitiyak kong dadaan kayo sa matinding pagsasanay.

Nais kong pag husayan niyo ang inyong gagawing pagsasanay.

Dahil kapag nagawa niyo iyun ay makakatanggap kayo mula saakin ng mga bagay na Aakalain nalang ninyong isang pangarap.

Si Munting Ophir ay nasa isang silid kung saan kasama niya si Clemson at Zerek.

Nakangising tiningnan ng munting bata ang dalawang bampira sa kaniyang harapan.

Ano nakapag isip na ba kayo sa inaalok ko? Tanong ng munting bata

Si Clemson naman ay napakuyom nalang ng kamao.

Hindi niya matanggap na napapasunod siya ng batang ito.

Isa siyang 4th level Angel rank pero nagagawa siyang sindakin ng isang hamak na 10th level celestial rank.

Ang Batang ito! Ano ka ba talaga? Yan ang tanong na nabubuo sa isipan ni Clemson ng bigla niyang maramdaman ang paparating na lalake.

Anak pinapatawag ka ngayon ng ating master may inihain siyang mahalagang imbitasyon para sayo.

At ito ay ang maging personal ka niyang Estudyante! Sabi ng lalake na mismong ama ni munting Ophir.

Si Clemson ay napanganga sa kaniyang narinig.

Ang batang paslit ay inimbitahang maging personal na estudyante ng binatilyong dahilan nang pagkamatay ni Saylsia.

Anong Kalokohan to?

------

:To be Continued:

Abang nalang po sa next chapter

Vote and comment

Next chapter