44 Chapter I

Chapter I: level Up

-----

Isang oras na ang lumipas mula nang manatili ang grupo ni zuki takigawa sa ikalawang palapag.

Bukas na ang lagusan patungo sa ikatlong palapag ngunit hindi parin sila umaalis.

Ang dahilan ng pananatili ni Zuki rito ay ang sagot na hinihingi niya sa mga inalipin ni Saylsia.

Kung ang mga  ito'y sasama sa kanila O mag hihintay nalang hanggang sa matapos na ang lahat lahat.

Sa ngayon ay nasa isang silid ang binata at nakaupo ito at nag ninilay nilay.

Tama si Zuki takigawa ay nag ninilay nilay at mararamdaman ang unti unting pag angat ng kaniyang enerhiya.

Ang Kaniyang Ranggo bilang 6th level Angel Rank ay unti unti na niyang nahihigitan.

Nalalapit na siya sa susunod na ranggo.

Mabilis ang paghigop niya sa Soulforce sa kaniyang paligid.

Napansin niya ang makapal na soulforce sa silid na ito kaya mas pinili niya muna ang magsanay sa lugar na ito.

Ang Soulforce na nandito ay katulad ng kalidad na soulforce sa labas.

Doon niya naalala na parte padin ito ng Mystical Astrad Mirror.

Ang Tower Of Doom ay Makikita sa mundo ng Mystical Astrad mirror at dahil doon makapal din ang soulforce dito.

Maiging magsanay habang nag hihintay.

Sila Estevan naman ay nag hiwahiwalay upang makisalamuha sa mga naroroon.

Si Recon ay may mga kausap na mga binatilyo na halos ka edad niya.

At si Alena naman ay kausap ang mga dalagang Elven at karamihan sa mga ito ay interesadong mapabilang sa kanilang pangkat.

Si Olivia naman ay kasakasama ang mga Inang Beastman na naroroon.

Nag kukwento si Olivia tungkol sa kabutihang ginawa ni Zuki Takigawa

Ang pag ligtas nito sa kanila at pag bibigay ng panibagong Buhay bilang Ganap na Adventurer.

Nang marinig naman ito ng mga inang beastman ay humanga sila sa kabaitang ipinamalas ng binatang binabanggit ni Olivia.

Si Estevan ay kasama ang mga kalalakihan na mga dating mga adventurer karamahin sa mga ito ay mga tao.

Nadismaya lang noong una si Estevan ng maramdaman ang Aura ng mga ito.

3rd level Elite Rank

Ang lahat nang mga ito ay 3rd level elite rank lamang.

Pero kahit ganun pa man ay hindi niya ito hinamak.

Alam niya ang paghihirap ng isang nilalang para mapaunlad ang kaniyang sarili.

Sa paghihiwa hiwalay nila ay karamihan ang napapa isip kung papayag ba sila na Sumama sa binata.

May iba naman na nakapag disisyon na at ito ay sasama sa sa grupo ni Zuki Takigawa.

Sila Clemson at Zerek ay tahimik na nasa isang Sulok at nakatingin sa kawalan.

Hindi parin nila matanggap ang mga naganap.

Wala silang kakayanan para lumaban.

Nasaksihan nila ang lahat

Masakit para sa kanila ang makitang mamatay sa harap nila ang babaeng nag turing sa kanila bilang Pamilya.

Naging mabait sa kanila si Saylsia pero ang naging wakas lamang noon ay ang wala silang magawa para iligtas ito.

Iniisip nila ngayon na Wala silang kwenta

Habang tahimik silang dalawa ay hindi nila napansin ang paglapit ng isang bata.

Ang batang ito ay walang iba kundi si Ophir.

Hanggang Kailan kayo mag mumukmok dyan! Kahit ilang patak pa ng luha ang gawin niyo dyan hindi na niyan maibabalik ang buhay ng babaeng iyon.

Walang prenong saad ni Ophir na nagpatigil sa pag-iyak ni Clemson.

Tumingin siya kay Munting Ophir at masamang tinitigan.

Anong karapatan mo para pagsalitaan ako Ah! Batang Paslit!! Bulyaw ni Clemson kay Ophir.

Si Munting Ophir naman ay hindi nakakaramdam ng takot kay Clemson.

Hindi siya nakakaramdam nito maliban nalang kung ang kaniyang master ang magalit sa kaniya.

Ngumiti si Ophir kay Clemson at tiningnan ito.

Sa tingin mo ba magagawa mo akong saktan alalahanin mo ang aking master ang tumalo sa master mo at siya lang ang may kakayahan para makaalis na tayo lahat sa Lugar na ito.

Sabi ni Ophir at tinalikuran si Clemson

Hindi ka naman namin pipiliting sumama

Maaari kayong maiwan ng kamasa mo rito pero tiyak na bababa ang mga malalakas na Vicious beast na nakakulong sa itaas.

Ang Lagusan ay Permanente nang nakabukas maliban lang sa tarangkahan papalabas.

Sambit ni Ophir kaya naman biglang napaisip si Clemson.

May naalala siya patungkol sa nag iisang tarangkahan.

Isa iyun sa mga sinasabi ni saylsia sa kaniya

Na kung sino man ang makapasok sa nag iisang tarangkahan ay hindi na makakalabas kailanman.

Anong mayroon sa Nag iisang tarangkahan? Nais kong malaman batang paslit.

Sabi ni Clemson Kaya naman napangisi si ophir.

Kung nais mong malaman ang patungkol sa Nagiisang Tarangkahan dapat kang sumama saaming paglalakbay.

Sabi ni Ophir na nagpatahimik kay Clemson

Ganun din si Zerek nang marinig ang sinabi ng batang beastman.

---

Sa silid kung saan naroroon si zuki takigawa ay mararamdaman ang pagbabago sa kaniyang enerhiya.

Lumipas ang tatlong oras ay nag sasanay parin si Zuki.

Napakabilis ng pag higop niya ng soulforce sa paligid at ang mga ito ay mabilis ring dumadaloy sa kaniyang soulforce pathway patungo sa kaniyang soulforce coil.

Ang kaniyang antas ay umakyat na ng ilang beses ang kaniyang kasalukuyang ranggo ay umakyat na sa 10th level angel rank.

Ganun pa man ay hindi parin tumitigil si Zuki sa pag higop ng soulforce sa kaniyang paligid.

Ramdam na ramdam niya ang napaka kapal na soulforce sa paligid.

Sa kapal nito ay halos hindi pa siya nakakakuha ng mahigit Sampung porsyento nito.

At isa pa nararamdaman niya na malapit na siyang umakyat sa susunod na ranggo.

Ang Heavenly Angelic Elite Rank ang ranggong ito ay nabibilang sa Hero Ranking

Payapa ang ekspresyon ng binata habang nag sasanay pero ang kaniyang katawan ay naglalabas ng napakatingkad na liwanag.

Napapalibutan siya ng Purong Puting Enerhiya at ang enerhiyang iyon ay lalo pang tumitingkad hanggang sa may mga animo'y maliliit alitaptap ang lumilipad sa kaniyang paligid.

Ang mga ito ay naglalabas ng dilaw na liwanag.

Ang kaniyang aura ay parang sa mga maharlikang nilalang nagmumula napakaganda nito at sobrang kaakit-akit.

Pero sa kabila ng kaakit-akit na aura ay ang napakabigat na presensya nito.

Sa sobrang bigat nito ay naramdaman ito ng mga nasa labas ng silid

Habang sa labas naman ng tower of doom ay may kakaibang nangyayari sa kalangitan ng Mystical Astrad Mirror.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-i_47680132592237457 for visiting.

Nabalot ng kadiliman ang kapaligiran.

Ang mga nilalang sa ibat ibang parte ng Doom Valley ay hindi magkamayaw sa kapangipangilabot na Enerhiya.

Nakakaramdam sila ng paparating na panganib.

Sa ikatlong palapag naman ay napatayo ang Isang Lalake na kasalukuyang umiinom ng Kape.

Hindi ito mapakali sa enerhiyang nararamdaman niya.

Hindi pa niya nararamdaman iyon sa tanang buhay niya.

Humanda ang lahat ng mga mandirigmang Vicious beast may paparating na panganib dapat kayong mag handa.

Sigaw ng lalake sa kaniyang kasamahan.

---

Sila Estevan at ang iba pang mga naroroon ay nanginig sa napakaraas na enerhiya na kanilang nararamdaman.

Nagkakaroon ng ingay mula sa labas at tila nagkakaroon ng malakas na bagyo.

Na ni minsan ay hindi nila naranasan nang matagal na panahon.

Si Zuki naman patuloy sa kaniyang pagsasanay.

Kaunti nalang! Sabi niya mula sa kaniyang isipan.

Kaunti Pa!

BAAAMMM!!!!

Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa loob ng silid kung saan naroroon si Zuki.

Sila Estevan naman ay napasugod sa loob ng silid.

Pagkapasok ni Estevan ay nagulat siya sa Puting Enerhiya na umaalong nakapalibot sa nakaupong binatilyo.

Pero may napansing kakaiba si Estevan sa Puting Enerhiya ng binata

Napapalibutan ito ng mga alitaptap at dahil sa itsura nito ay napanganga siya pati ang ibang mga nakakita.

Ang mala maharlikang Enerhiyang inilalabas ng binatilyo. Ay sobrang kaakit akit pero sa kabila ng kaakit akit na tanawin ay ang kapangipangilabot na pakiramdam nito.

Idinilat ng binata ang kaniyang mga mata at tumambad ang napakagandang mga mata nito na lalong bumagay sa kaniyang Itsura.

Napangiti siya dahil sa isang bagay.

Sa wakas naabot ko rin

Ang susunod na ranggo

Ang Ranggong Heavenly Angelic Elite Rank

Isa na siyang 1st level Heavenly Angelic Elite Rank.

-------

To be Continued

A/n: Hello everyone

Ito na ang chapter I

Salamat po sa suporta ninyo

Dahil sa inyo ay nagagawa kong malampasan ang katamaran ko

Salamat Po and Simula na natin to Bukas na ang sunod na chapter.

Vote and comment

Next chapter