2 Chapter I. Mythic Being

SA ISANG SILID mula sa kasalukuyang kabihasnan ay makikita ang isang binata na malayo ang tingin mula sa isang salamin sa gilid ng silid. Ang binatang ito ay mayroong puting buhok at asul na mga mata. Matangos ang ilong, at mayroong mapungay na mata.

Sa taglay palang nitong itsura ay maraming mga babaeng nag kakandarapa sa binatang ito. Ang binatang ito ay si Zuki Takigawa at 18 taong gulang na at kasalukuyang unang taon ng kaniyang buhay kolehiyo.

Ang binatang si Zuki ay klase ng tao na tahimik, at palaging nakikinig sa kaniyang pinag aralan ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay hindi siya mapakali. Natapos ang klase na hindi siya nakapag aral dahil sa gumugulo sa kaniyang isipan.

Bakit! Ganun! Sabi ng binata at naglakad mag isa ngunit sa paligid ligid niya ay ang mga kababaihan na tila kinikilig ng makita siya. Hindi niya napansin ang mga ito kaya naman nalungkot ang ilan sa mga babae dahil hindi sila pinansin ng binata.

Ang binata ay patungo sa isang silid at sa loob nito ay ang mga gaya niyang kabataan na may mga hawak na wooden sword. Ang silid na ito ay isa palang Dojo kung saan ay nag aaral siya sa paggamit ng sandata upang pangdipensa.

Oh! Bata nandito kana! Tuwang tuwa bati ng isang lalaki na nasa kalahatian na ang edad. Sir! Kailangan ko po ng tulong? Saad ng binata kaya naman nag taka ang guro ng binata.

Ngayon lamang siya hiningian ng tulong ng kaniyang pinakamagaling na estudyante. Ano ba ang problema mo? Saad ng guro ng binata. Kailangan ko po ng isang laban sa huling pagkakataon! Saad ng binata na ikinagulat naman ng guro niya.

Bakit naman huling pagkakataon, dalawang taon ka palang mula ng ikaw ay maging estudyante ko sayang kung aalis ka. Sabi ng guro niya at tumingin sa binata.

Hindi ko po masasagot ang iyong katanungan aking guro ngunit hinihiling ko po na makalaban ka sa huling sandali. Sabi ng binata kaya naman pati ang ibang mga nag sasanay ay napatingin sa kanila ng kaniyang guro.

Si guro at si senior mag lalaban bakit kaya? Tanong ng isang estudyante. Hindi ko alam pero mukhang mamamaalam na si Senior! Malungkot namang sagot ng isa pang estudyante.

Nag tungo ang binata at ang kaniyang guro sa gitna ng entablado at paligid nito ay makikita ang ibang mga mag aaral. Ngayon lamang sila makaka saksi ng tunay na laban. Laban ng dalawang magaling sa larangan ng espada.

:Time skip:

Natapos ang laban sa hindi inaasahang atake mula kay zuki takigawa ang kaniyang kakaibang estilo sa paglaban ang kaniyang ginamit upang manalo.

Kasalukuyan ay nag lalakad papasok sa isang pamilihan si zuki. Bumili siya ng mga frozen meat na kakailanganin sa araw araw kasama sa kaniyang talaan linggo linggo ang pamimili para mayroong silang stock ng kaniyang tiyo. Nag bayad ang binata sa kahera at agad umalis sa pamilihan.

Nagtungo ang binata sa isang madilim na eskinita dahil may naramdaman siyang nakatingin sa kaniya at hindi siya komportable sa mga tingin nito. Sa napakalayong lugar ay makikita ang isang babae na pinagmamasdan ang isang binata, ang binatang pinagmamasdan ng babae ay walang iba kundi si Zuki.

Ikaw! Ikaw na nga ang nararapat! Sabi ng babae at sa isang kisap mata ay mayroong malaking Simbolo ang lumabas sa pader sa kaniyang likuran. Kailangan na kitang dalhin Zuki Takigawa! Sabi ng babae at dinikit ang kaniyang kaliwang kamay. Reincarnate Summoned!!! Saad ng babae at ang simbolo sa pader ay nag liwanag.

.....

Nang nasa madilim na parte na iskinita si zuki ng may maramdaman siya na may sumusunod sakanya kaya naman naging mabilis ang paglalakad niya.

May inilabas siyang maliit na patalim at kayang kaya nitong makahiwa. Pinasadya niya ito panlaban sa mga magnanakaw at iba pa.

Nakarating siya sa nag iisang ilaw dahil sa sobrang dilim ng lugar at maya maya pa ay may narinig na siyang tunog ng isang sandata. Bata! Holdap to! Ibigay mo lahat ng pera at gamit mo! Sabi ng isang lalaki at medyo may katangkaran ito.

Tsk! Kamalas naman wala naman akong ibibigay rito eh! Ayaw ko naman ibigay ang phone ko dahil maraming memories ko ang nandito. Sabi ng binata sa kaniyang isipan kaya naman nag salita siya.

Hindi pwede! Sabi ng binata at agad niyang tinapakan ang paa ng holdaper kaya napa aray ito sa ginawa niya. Arrrh! Walang hiya kang bata ka! Sabi ng lalaki kaya naman pumorma na ang binata ng naaayon sa fighting style niya.

Sumugod sa binata ang lalaki gamit ang dala nitong kutsilyo kaya naman iniwasan ito ni zuki at sinuntok ito sa mukha. Medyo malakas ang pagtama ng suntok ng binata kaya naman may lumabas na dugo sa ilong ng lalaki.

Tsk! Matigas kang bata ka ah! Sabi ng lalaki tapos bigla itong sumipol. Senyales na meron itong mga kasama. Tsk! May mga kasama siya! Sabi ni zuki at Agad siyang tumakbo paalis kasama ang mga pinamili niya.

Nakalayo na siya ng mahigit 3 kilometro at nasa kalsada na siya ng may biglang may isang malaking truck ang parang walang preno ang papunta sa binata. Iilag sana si zuki pero huli na ang lahat at naging madilim na ang lahat!!!!.

Tumawag kayo ng ambulansya!!!! Sigawan ng mga taong nakakita ng aksidente. Nakita nila ang kalunos lunos na sinapit ng binatilyo at halos nagkadurog durog ito ng dahil sa truck na walang habas na pinag aararo ang mahigit 10 sasakyan at may iba pang binawian ng trahedya. Mabilis naman na nalaman ang identity ng binata at nalaman nila na ito ay si Zuki Takigawa.

Sa isang lugar naman kung saan maraming puno at may masarap na simo'y ng hangin. Malayo sa nakasanayan na hangin ito ay sadyang sariwa. Sa liblib na bahagi ng kagubatan ay makikita ang isang binatilyo na walang malay. Ito ay nakadapa sa gitna ng madamong paligid.

Zuki Point of view

Hmmm! Ahhh!!! Sigaw ko ng ako ay magising!! Nakatulala lang ako ng aking inaalala ang nangyari bago ako masagasaan.

Naholdap ako tapos tapos tumakbo ako papunta sa kalsada tapos may humaharurot na truck at tsk!! Patay na ba ako! Tanong ko sa sarili ko. Whoosssssh!!!! Pag simoy ng malakas na hangin kaya naman napatingin ako sa aking paligid.

Nakita ko ang magandang paligid puno ng mga nag tataasang puno mga damo at ibat ibang uri ng bulaklak. Nasaan ako! Tanging nasabi ko dahil sa naguguluhan ako. Di ko alam kung nasaan ako kaya naman nag lakad ako hanggang sa may marinig akong mga yapak ng paa.

Hinanap ko iyun at may nakita akong nilalang na may taas na 7'3 at may berde itong kulay at napaka taba nito at may malaking pang hampas. Di ako pwedeng mag kamali isang Orc. Nag tago ako ng makita ko ito pero ng mag tago ako ay ang pag tunog ng nasa balikat ko.

Shit! May ganito akong suot kaasar naman. Sabi ko saaking sarili dahil may suot pala akong Parang leather armor na napakagaan lang pero may mga maliliit na bakal. Nasaan ba ako nasa fantasy world pero imposible pero bakit may orc dito di kaya.

Shit! Na teleport ba ako sa ibang mundo. Di naman ako ganun ka bobo at dahil narin sa pagkahumaling ko sa mga fantasy anime at game. Sinubukan ko mag swipe sa hangin at nagulat ako dahil gumana. Tiningnan ko ang info ko.

Name: Tsuki

Age: 18

Race: Mythic Demon

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/the-mythic-god_17115551005520505/chapter-i.-mythic-being_45944276714055418 for visiting.

Tittle: Mythic Being

--------------------------

Level: 1/50

Hp:800,000

Mp:550,000

Atk: 200,000

Def: 400,000

Agi: 150,000

MRES: 250,000

-------------------------

[Skill]

Mythic's Eye

Hp recovery (Max Lvl)

Mp recovery (Max Lvl)

Dark bullet

Dark Flare

Dark fist

Blade's Fall

---------

Nagulat ako kasi napakalakas ko kahit level 1 palang ako. Nakaramdam ako bigla ng pagiging matapang at matinding excitement kaya naman agad akong nagpakita sa orc.

Nang makita ako ng orc ay galit na mukha nito ang sumalubong saakin. Sumugod ito saakin kaya naman nag hintay lang ako ng kaniyang paglapit saakin. Nag ipon ako ng enerhiya tulad ng sa mga napapanood ko at nagliwanag ang aking kamao.

Mabilis akong sumugod sa orc at isinuntok ang aking dark fist. Nagkaroon ng malakas na pagsabog at kita ko naman ang pagka putok ng ulo ng orc dahil doon ito tinamaan. Bumagsak ang orc at tuluyan ng namatay. Nagulat naman ako dahil isang atake lang.

Tiningnan ko naman ang experience points ko at halos 13/1000 papang kaya naman mag huhunt pa ako ng mga makakalaban pero bago yun ay pinulot ko ang ulo ng orc at inilagay ito sa aking inventory. Nag lakad lakad ako hanggang sa may makita akong mga Goblins at may tatlong malalaking orc. Inihanda ko ang aking sarili dahil umatake agad ang mga goblin at orc ng makita nila ako.

Inisip ko na mag pakawala ng Mga dark bullet at mayroong lumabas na mga Bala na nababalutan ng itim na enerhiya. Pinakawalan ko ito at pinatamaan ang mga pasugod na goblins. May mga malalakas na pagsabog ang nangyari dahil sa atake ko.

Mabilis namamatay ang mga goblins at ang mga orc naman ay mas bumilis ang pagtakbo pasugod saakin. Agad akong sumugod at binabalak kung umatake gamit lang ang physical attack. Agad may paparating na pamalo saakin pero agad akong nagteleport sa likod ng isang orc at Sinipa ang ulo nito.

Agad tumilapon ang orc at namatay dahil halos wasak ang bungo nito. Nakita ko naman ang itsura ng dalawang orc. At galit na galit ang mga ito kaya naman agad silang umatake saakin.

Agad nagliwanag ang aking kamao at mabilis na nagteleport sa Ulo nila at umatake. Nagkaroon ng malakas na pagsabog at makikita ang malakas na pwersa ng isuntok ko ito sa dalawang orc. Halos mawakas ang katawan ng dalawa ngunit balewala ito saakin sapagkat nag level up ako

----------

Name: Tsuki

Age: 18

Race: Mythic Demon

Tittle: Mythic Being

--------------------------

Level: 2/50

Hp:850,000

Mp:600,000

Atk: 210,000

Def: 410,000

Agi: 160,000

MRES: 260,000

-------------------------

-------

[Skill]

Mythic's Eye

Hp recovery (Max Lvl)

Mp recovery (Max Lvl)

Dark bullet

Dark Flare

Dark fist

Blade's Fall

Blue Flame

Lalo akong natuwa dahil may bago nanaman akong skill haha

Nag lakad pa ako ng may makita akong parang karwahe kaya naman naglakad ako palapit duon ng makita ko ito ng malapitan ay may 10 bandido at may 5 knights ang nakikipag laban sa kanila at may dalawang mage na malapit sa magarang karwahe. Hindi ako nagpakita at itinago ang aking aura.

Habang nasa isa akong puno ay ginamit ko ang mythic's eye at nakikita ko ang nangyayari. Ano ang kailangan ninyo sa Prinsesa! Sigaw ng parang leader ng mga knight. Hehe! Mabuti pa umalis ka nalang mahinang knight dahil saamin mapupunta ang prinsesa.

Sabi naman ng isang lalaki na may peklat sa mukha at dahil sa kasuutan niya ay makakalatang siya ang leader ng mga bandido. Kung ganun dadaan muna kayo sa aking bangkay bago ninyo makuha ang prinsesa. Sabi ng leader ng mga knight at agad sumugod…

To be Continued

Next chapter