webnovel

Planning Everything

"Bro! Ang makakabuti ay magtago

ka muna dito."

"Salamat!" Ang bukod tanging nasabi ko.

Umaga na pala, Oo nga pala wala na akong mommy, daddy at mga kapatid na makakabonding dahil nagsama-sama na sila sa kalangitan. Iniwan na nilang lahat ako pero ayos lang hindi naman nila gusto yun mangyari sa kanila. Si daddy namatay pala siya ng masagasaan siya kakahabol sa magnanakaw noong bata pa ako, si mommy at mga kapatid ko kamamatay palang nila kahapon dahil brutal silang pinatay.

"Chester! Handa na ang pagkain" Narinig kong sigaw ng isang lalaki.

"Oo! Papunta na ako diyan."

"Anong plano mo?"

"Ewan ko bro! Pero hindi muna ako lalabas baka alam na ng buong pinas ang nangyari sa pamilya ko at malamang dahil ako ang suspek ng pulis nasa social media at mga balita na ang Pagmumukha ko."

"Oo tama yan dumito ka muna sa loob oh mamaya papasok na ako sa school at ikaw na lang maiiwan dito sa bahay ko kaya magluto ka na lang diyan kapag nagutom ka marami rami pa naman ang mga stock ko diyan sa ref."

"Oh! Sige!"

Nang ako ay matapos kumain ay napag-isipan kong manood ng pelikula sa cellphone ko. Napili kong panoorin ang mga action movie na katulad sa kwento ng buhay ko para may ideya naman ako kung ano ang mga gagawin ko para makulong ang totoong pumatay sa pamilya ko.

Habang nanonood ako ay nag-ring ang cellphone ko.

"Hi killer! Magtago ka na dahil nasa alerto na ng mga kapulisan na dapat kang ikulong."

"Sino ka? ikaw ba ang pumatay sa pamilya ko? Pinatay mo ba ang mama at kapatid ko?"

"Oo! Ay! Napaamin ako! Ang tanong kilala mo ba ako? Mapapakulong mo ba ako? Diba! Hindi ako yung nandoon ng dumating ang pulis at isa pa hindi rin ako nag-iwan ng mga ebidensya na magtuturo na ako ang suspek."

Magsasalita pa sana ako ngunit bigla ng namatay ang tawag. Sa sobra kong galit ay naihagis ko ang aking cellphone.

"Damn it! Mapakukulong din kita, hintayin mo lang makikilala at mahahanap din kitang killer ka!!!"

Gabi na ng makauwi ang kaibigan ko.

"Bro! What happen? Bakit basag ang cellphone mo?"

"Tinawagan lang naman ako ng killer ng mommy at kapatid ko at dahil sa sobra kong inis ay naibato ko ang cellphone ko."

"Ano ang napagusapan niyo?"

"Tinawag niya lang naman akong killer then tinanong niya ako ng kilala mo ba ako? Mapapakulong mo ba ako? Diba! Hindi ako yung nandoon ng dumating ang pulis at isa pa hindi rin ako nag-iwan ng mga ebidensya na magtuturo na ako ang suspek. yun yung nakakalokong nangyari kanina."

"frame up nga yang pagiging suspek mo."

"Gagawa ako ng plano kung paano malilinis ang pangalan ko at makulong ang dapat makulong."

Gumawa ako ng mga plano kung paano ko malilinis ang pangalan ko.

Paano mag-imbistiga kung ang iniimbistigahan mong krimen ay ikaw ang sinasabing pangunahing suspek?

Claire_Mendozacreators' thoughts
Next chapter