1 Death

Hi! Ako nga pala ay si Chester dalawampu't tatlong taong gulang. May dalawa akong kapatid na si Ayesha Myrtle labing apat na taong gulang at Header Kurt siyam na taong gulang. Wala na akong ama dahil namatay na siya noong nasa highschool palang ako. Kasama ko na lang sa buhay at bahay ay ang kapatid ko at ang aking ina. Masaya ako lagi nagmamaneho ng kotse ko pauwi ng bahay galing paaralan. Nang ako ay makarating sa bahay galing paaralan, masaya kong hinanap ang mga tao rito.

"Ma! Ayesha! Bunso! Nandito na si kuya..."

Katahimikan ang bumungad sa akin ng ako ay dumating ng aming bahay. Nilibot ko ang buong bahay para malaman kung nasaan na ba silang lahat.

"Mommy! Sinong gumawa nito sayo?" Gulat na gulat kong tanong.

Dali-dali akong nagtungo sa silid ng aking nakababatang kapatid para tignan kung anong nangyari sa kanila. Walang ulo kong nakita ang bunso kong kapatid na lalaki, samantalang wasak naman ang tyan ng isa ko pang kapatid.

"Hayop ka! Kung sino ka man na pumatay sa pamilya ko magtutuos tayo!!!" Pagbabanta ko.

Habang nakatulala dahil nasasaktan ako sa nangyari ay nagulat ako sa narinig kong ingay sa labas ng bahay. Nang aking silipin sa bintana kung anong ingay ang akin narinig ay nagulat ako dahil may pulis na sa labas ng bahay.

"Anong ginagawa nila dito? Diba dapat pupunta lang sila dahil pinapunta ko sila dito? Sino nagpapunta sa kanila dito?" Nagtatakang tanong ko.

Pinuntahan ko ang gate para pagbuksan ang mga pulis. Nakita ng mga pulis ang dugo na naging mantsa sa uniporme ko na nakuha ko dahil niyakap ko ang mama ko at mga kapatid ko.

"Sir! Wag kayong aalis dito lang kayo." Sabi sa akin ng isang pulis.

"Positive may mga pinatay dito" Narinig kong sigaw ng isang pulis ng makita nila ang mama at kapatid kong walang buhay

Sinabi ng isa pulis na aarestuhin daw nila ako. Hindi na ako nagtaka kung bakit ako ang aarestuhin nila dahil naroon ako sa lugar na kung saan may pinaslang. Sa takot kong makulong ay nagtatakbo ako palayo ng bahay namin para hindi maaresto ng pulis.

"Bro! Tulungan mo ako." sabi ko sa kaibigan ko.

"Oh! May humahabol ba sayo? Hingal na hingal ka kasi... teka bakit may dugo yang uniform mo?"

"Raymond dinatnan kong wala ng buhay ang pamilya ko, walang awa silang pinaslang"

"Talaga?! Teka teka bakit ako pa naisip mong puntahan? Diba dapat ang pulis?"

"Tinakbuhan ko nga sila matapos nilang sabihan aarestuhin daw nila ako."

"Huh!? Bakit ka naging suspek?"

"Malamang pwede nila akong maging suspek kasi nandoon ako sa lugar kung saan may mga pinatay at isa pa may mga dugo sa uniform ko pero bro! I didn't kill my family I love them so much at alam mo nagtataka ako kung bakit nandun ang pulis sa bahay namin? Hindi ko naman sila tinawagan para pumunta. "

"frame up yan bro! frame up yung may isang krimen na mangyayari at ikaw ang gagawing suspek."

Hindi ko magagawang pumatay lalong hindi ko kayang patayin ang pamilya ko dahil mahal ko sila. Kung sino ka mang hayop ka na pumatay sa pamilya ko magtutuos tayo kapag nalaman ko kung sino ka.

avataravatar
Next chapter